March 6, 2004
"I'm sorry."
Mas lalo kong diniin ang ulo ko sa kaniyang dibdib.
Ang kaniyang tibok ay mas lumakas sa aking pandinig.
Pero alam ko naman kahit na hindi ko ito pakinggan, alam ko na mahal na mahal niya ako dahil sa kaniyang mga askiyon.
"Kanina ka pa. Tumigil ka na."
Hindi naman ako nagagalit sa kaniya.
Onti lamang.
Kanina niya pa kasi sinasabi sa akin 'yan simula nung umalis na ang tatay niya tapos ay hinawakan ang aking kamay at dinala ako rito sa childhood bedroom niya noong nakatira pa siya rito.
"Galit ka?" Ang boses niya ay mahina pero kalkulado.
Tinatansiya sa lalagyan ng baso kung ano ang aking emosiyon sa ngayon.
"Sa'yo? Hindi na oo. Nagagalit ako kasi hingi ka nang hingi ng patawad, wala ka namang kasalanan sa akin. Ang tatay mo ang mayroon, at magkaiba kayong dalawa. Kaya ang mali niya ay hindi mo mali."
Ang espasyo sa kaniyang mga daliri ay pinuno ng aking buhok na ngayon ay malambot niyang hinahaplos.
"I don't understand you, Luna. You're so kind. You're so amazing. I feel like if I keep on saying you're, mauubos lahat ng good adjectives na pwedeng pang-describe sa'yo."
Tinaas ko ang tingin ko sa kaniya.
Ang baba ko ay tumutusok sa kaniyang dibdib.
Ngumiti ako sa kaniya.
"Ikaw din naman. Mabait, amazing, gwapo..." Pinasadahan ko nang tingin ang buong mukha niya. "Hindi rin kasya ang vocabulary sa English at Tagalog para sabihin sa'yo."
Tinanggal niya bigla ang yakap niya sa akin kaya naman sumunod din ako kahit na gusto ko pa manatili ng sampung oras sa mainit niyang piling.
Napapikit ako sa mata nang bigla niyang halikan ang noo ko.
Ang lambot. Ang ginhawa.
Gusto ko ulitin niya pa.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa simple niyang ginawa.
Ano bang ginawa ko para swertehin ng ganito?
Dumilat na ako tapos ay umupo sa upuan ni Alex na nasa harap ng studying table niya kasi sabi niya sa akin.
Tinignan ko ang paligid ko rito sa loob ng silid.
Halatang noong bata niya pa 'to.
Halos ang dekorasyon kasi ay mga laruan pati na rin yung wallpaper sa ibang parte ng dingding ay si Buzz Lightyear sa Toy Story.
Kinuha ko ang isang ballpen na nasa loob ng lalagyan ng pencil niya tapos ay tinihaya ko ang aking ulo na parang isang interesting ito na bagay.
Pati pangalan pa niya ay nakaukit sa hugis ng ballpen.
Nawala lamang ang atensiyon ko rito dahil bigla siyang may nilapag na madaming sketch book sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...