18

28 10 1
                                    

January 25, 2004



N

aglakad kami ni Alex papunta sa taas dahil sabi niya sa akin na may sorpresa raw siya para sa akin doon.

Sumunod naman ako sa yapak niya.

Pero habang ang paa namin ay humakbang nang humahakbang, lalo ring humahalik sa amin ang m
simoy at masarap na hangin.

Pinikit ko ang mata ko.

Halos ilabas ko na ang dila ko para lamang matikman ang hangin dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam.

Nang idilat ko ito, bumungad sa akin ang paru-paro na nasa aking ilong. 

Hindi ako gumalaw.

"Alex..." bulong ko sa kaniya, ang titig ay nasa nakatiklop na pakpak ng paru-paro.

Narinig ko ang malakas na pag-click ng camera at kasama nito ang paglisan nung kulay kayumanggi na may kahel na parte ng pakpak na bagay sa aking ilong.

Napangiti ako at sinundan ko nang tingin ang lipad nito.

"Sorry, feel ko nasira ko ang moment niyo nung buttefly," rinig kong sabi ng kasama ko,

"Hindi naman habang buhay 'yun na nasa ilong ko, ano ka ba?" Natatawang sabi ko. "Aalis at aalis din 'yon. Halika na," yaya ko sabay kuha sa kaniyang braso.

"Hindi... rito ang daan, Luna..."

"Sundan natin 'yung paru-paro!" 

Hindi muna kami pumunta sa taas at naglaro muna kami sa baba nitong malaking lupain at sinundan ang paru-paro na kung saan ay may mas madami pa, pa lang ito kasama na umiikot-ikot lang sa mga bulaklak na ligaw upang makakuha ng nectar.

"Pieridae!" Turo ko sa bulaklak na may dilaw sa tiyan habang ang kaniyang pakpak ay nagkakaroon ng puti hanggang sa ito ay maging itim na rin.

Ang isa rin niyang pakpak ay may batik na kahel sa palabas na itsura nito.

"You know about butterflies?" Tanong sa akin ni Alex.

Tumingin ako sa kaniya saglit.

Tapos ay binalik ko ito sa bulaklak na ligaw.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot. "Hindi naman gano'n maalam. May nabasa lang ako noong bata ako. Novel siya na ang bida ay isang Lepidopterology. 'Tsaka matagal na rin akong nag-aasam na makakita ng paru-paro. 

Hindi kasi ako pwedeng lumabas nung bata ko 'e. Kaya hindi talaga ako nakakakita. Tapos nung pwede naman na akong lumabas, hindi naman kami napapadalas ni Anne sa mga ganitong lugar, palagi na lang kami sa bahay o sa mall." Nilaro ko ang ibang damo na nasa harap ko.

Nasa taas na kami at agad akong namangha sa ganda nito.

Para kang nasa itaas o nasa langit dahil sa ganda nang makikita mo!

Makikita mo ang mga labahayan at kabahayan sa view na ito. Isama mo pa ang sariwang hangin na humahaplos sa balat mo at hinayaan din ng hangin na tangayin ang buhok mo sa kabihasnan.

Sa tingin ko rin ay maganda panoorin ang paglubog ng araw dito.

'Yan ang naisip ko habang nakatingin sa mga maliit na tao na lumalakad sa may ibaba kahit na sila ay nagmimstulang langgam sa akin ngayon.

Nakikita ko rin ang mga malls dito, pati na rin yung tulay na hindi pa natapos.

Nanatili ang tingin ko roon ng ilang segundo. Hinahayaan ko ang mata ko na namnamin ang tanawin na nasa ibaba.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon