April 26, 2004
Nasa harap kami ng mall ngayon ni Alex dahil hinihintay namin sina Anne. Sabi kasi nila ay dito muna kami maghihintay.
"Gutom ka na?" Tanong ni Alex sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko sa cellphone ko tapos ay siningkitan siya ng mata.
"Bago mo ako sunduin, pinanood mo ako kumain tapos isang daang beses mo na ata ako tinanong niyan simula nung andito tayo. Baka ikaw naman ang gutom talaga."
Nanlaki ang mata niya na parang nahuli ko siya tapos ay nagkunwaring busy siya sa manibela niya.
Tapik diyan at doon.
Binuksan ko ang bag ko tapos ay kinuha ang isang pack ng biskwit doon at binigay sa kaniya.
Kinamot niya muna ang buhok niya tapos ay nagkunwaring ayaw niya pa ang binibigay ko.
Nang iangat niya ang mukha niya ay napunta ang daliri ko sa pisngi niya tapos kinurot ito.
Pero nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ko ay agad akong binaba ang daliri ko tapos ay nag-iwas ng tingin.
Nakita ko ang labong repleksiyon ko sa bintana ng sasakyan niya.
Ramdam ko ang pag-ulan ng pula sa aking pisngi at ang patak ng bawat pag-akyat.
Bakit ko ginawa 'yun?!
Rinig ko ang pag-ubo niya.
Nang ilang beses.
Tapos ay napalitan ito nang ingay ng pagbukas nung binigay ko sa kaniya.
"Luna," ani niya na hindi buo-buo at may dapa, "gu -- gusto mo?"
Iniling ko lamang ang ulo ko.
Mabuti na lamang at ilang segundo ang lumipas ay dumating na silang lahat.
Isa isa silang lumabas lahat mula sa loob. Sumunod naman na kami sa kanila.
Agad naman silang lumapit sa akin at binati ako pagkatapos nila lumabas.
"Happy birthday, BFF! Ilang taon na rin! I'm getting so sick of your face na," natatawang sabi niya tapos ay niyakap ako at ang rosas niyang kulay na regalo ay tinutusok ako sa ulo.
Pero mabuti na lamang at kinalas niya ang yakap namin at binigay niya na sa akin ito.
"Happy birthday." Sabay bigay ng regalo.
"Thank you!" Malaki ang ngiti na banggit ko habang pinagmamasdan ang regalo niya.
Iniisip kung ano ang nasa likod ng gift wrapper.
Niyakap naman ako bigla ni Timothee tapos sumunod si Forsythe na ang niyakap ay si Timothee.
Naka-group hug ang estilo namin ngayon.
Hindi ko maiwasan na lumabas ang tawa sa aking labi dahil sa kung ano-ano ang pinaggagawa nila.
"Someone's upset," deklara ni Anne at lahat kami ay nawala sa pagkakayap 'tsaka tinignan kung ano ang pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
Lãng mạnOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...