December 24, 2003 - January 1, 2004
Natawa ako sa joke na sinabi ni Alex.
Pero naudlot lamang ito dahil bigla akong inutusan ni Mama. Naibaba ko tuloy ang telepono ko at naglakad papunta sa kaniya.
"Sinong kausap mo 'nak? Bakit parang abot na ng langit ngiti mo," sabi ni Mama sa akin.
Niyuko ko ang ulo ko dahil sa sinabi niya sa akin.
Sinubukan ko rin ibaba ang ibang buhok ko sa kaniyang parte dahil natatakot ako na baka ay makita niya ang pamumula na umaakyat sa aking pisngi.
Nilaro ko ang daliri ko. "Wala, Ma. Wala 'yun..."
"Talaga ba?" Nang-aasar sa akin ang kaniyang tinig.
Tinaas ko ang aking tingin.
Sumulyap ako sa kaniya at nanlaki ang mata ng tinaas baba niya ang kaniyang kilay na parang alam kung sino ang kausap ko at inaasar ako dahil sa aking malaking ngiti.
Tumalikod na ako bago pa umabot sa pagkiliti at paglilitis sa akin ang usapan namin.
Rinig ko ang tawa niya hanggang sa pagkaupo ko sa sofa sa sala namin.
Pinaypayan ko muna ang mukha ko para bumaba ang init at ang pula na rin na dala ng kahihiyan.
Huminga ako ng malalim at nilabas ang mabigat na bagay na nasa aking dibdib.
Tapos 'tsaka ko lamang kinuha ang aking cellphone at tinignan ang mga sinabi sa akin ni Alex sa maikli na oras na wala ako.
Alex:
Luna?
Pngit ba joke ko?
Hello?
Tagal ng sagot hahah
Hinihintay mo ba new year bago sagutin messages ko?
Busy ka ataNakalimutan ko na ang pang-aasar ni Mama sa akin at ang tsansa na baka ay makita ang aking malaking ngiti na naman at ako ay asarin nang asarin.
Parang kapag kasama ko si Alex o kausap, lahat na lang ng bagay ay nawawala at siya lang.
Siya lang.
Si Alex lang ang nasa isip ko.
Luna:
Inutusan lang ako ni mama
Pero uhm, nabanggit mo naman na ang new year, ano pa lang handa mo ngayong pasko?Kinagat ko ang labi ko.
Oh.
Wala.
Ako lang naman mag-isa ang magse-celebrate
Nasa business trip sila ate at kuya kaya wala yung nakasanayan naming tatlo na paskoMay dalawa siyang kapatid. Siya ang bunso sa kanila.
Pansin ko ito sa mga litrato sa kaniyang bahay na nasa paligid pero hindi ko maitanong kasi baka mamaya ay mailagay ko ang ilong ko sa bagay na hindi naman dapat.
Mag-isa lang siya na magdidiwang ng pasko.
Pasko na kung saan ay dapat sama-sama kayo ng pamilya mo na pag-usapan ang mga bagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/206860688-288-k688186.jpg)
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...