May 5, 2008
Ang palaging umiikot na mundo ay tumigil para sa akin.
Tumingin ako sa kalangitan na madilim. Puno ng bituin ngunit walang buwan.
Babala.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa baba.
Kung saan ang aking mga daliri ay 'di mapakali.
Nanginginig sila.
Hindi naman malamig.
Pati ang mga binti ko. Nanghihina.
Parang hindi ko ata kayang tumayo.
Pero kailangan ko.
Kaya ginawa ko.
Naglakad ako papasok sa hospital.
Wala akong marinig sa likod ko.
Basta kailangan ko siya hanapin.
"Luna!" Biglang tawag sa akin.
Napatingin ako sa direksiyon ng boses.
Nakakunot ang noo ko.
Hindi pa rin ako makahinga.
Kagat-kagat ang labi.
Hawak-hawak ang bawat daliri.
"Si Alex..." Hagulgol ang sumunod na tunog sa aking tenga.
"Na saan siya?" Tanong ko kahit 'di ko maaninag ang mukha nasa harap ko.
"He's... He's," napakagulo ng mga sinasabi niya.
"Na saan po ba siya?!" Nasigawan ko ang Ate ni Alex.
Hindi ko na kasi kaya.
Lahat na lang sila sobrang gulo.
Gusto ko siyang makita.
Siya lang ang magpapaintindi sa akin sa mga nangyayari. Kaya na saan ba siya? Bakit ayaw nila ipakita sa akin ang taong 'yun?!
"Luna," tawag na naman sa akin.
Nilingon ko si Anne at hinayaan siya na kunin ang braso ko.
Akala ko ay pupunta kami sa kaniya pero bigla niya na lang ako kinakaladkad palabas kaya humiwalay ako sa kaniya.
Nakakainis na sila.
Naglakad ako paloob na naman at hinanap ko ang pamilya ni Alex sa bawat room na nakikita ko.
Kahit ikutin ko pa ang taas at baba ng hospital na ito, wala akong pakialam.
Nagsisimula ng magkaroon ng tubig ang aking mata.
Pero hindi puwede.
Hindi ako puwede umiyak.
Mag-aalala sa akin si Alex at ayaw ko 'yun.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...