March 15, 2004
Tumingin ako sa may harap.
Napahinga ako ng malalim.
Ito na ang matagal kong inaasam na bagay.
Matagal ko ng inaantay na bagay.
Akala ko ay hindi ako aabot sa oras na 'to.
Akala ko hindi ko mararanasan na tumapak sa sahig na ito habang sa kabila nito ay ang matagal ko ng gustong kunin sa tanang buhay ako.
Yumuko ako sa harap nila at diretsong naglakad pababa ng stage.
Nag-eensayo kami ngayon para sa graduation namin. Pero malapit ko ng makamit ang bagay na yun...
Hindi muna ngayon.
Sa totoo lang... kahit practice pa lang 'to, hindi pa rin ako makapaniwala.
Ito rin pala ang unang tapak ko sa stage na may hahawakan na diploma...
Ang dami kong bagong nararanasan.
Parang hindi totoo ang lahat ng mga ito...
Pagkatapos ko maglakad sa may stage ay umupo na ako sa may upuan ko.
Ang ayos ng pagkakaupo namin ay alphabetical order. Kaya naman ay magkakalayo kaming magkakaibigan sa isa't isa.
Wala tuloy ako makausap habang andito lang ako. Sa bagay, bawal naman pala mag-ingay habang nakaupo.
Ang magkatabi lang sa amin na magkakaibigan ay ang kambal.
Hindi sabay ang araw ng recognition at ang graduation. Mas mauuna ang recognition kasi nga masyado kaming madami na estudyante.
Pagkatapos ng practice ay sabay kami kumain kasi recess na.
Ganito na lamang ang ginagawa namin, hindi na kami gumagawa ng mga seat works at iba pa.
Ang kailangan na lang namin gawin ay magpapirma sa mga guro namin at kakaway na kami papunta sa college.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.
Nagsimula na akong maglakad papunta kanila Alex. Andoon sila sa may labas na.
Mas nauna sila sa akin kasi nga 'O' yung apelyido ko. Pati rin kasi sa paglabas ay alphabetical order din.
Pero nasa kalagitnaan pa lamang ako ng paglalakad papunta sa kaniya ay mas nauna na siya sa akin. Sila pala.
Kasunod lang niya sila Anne sa paglalakad.
Pagkakita sa akin ni Anne ay agad siyang lumapit sa akin.
Nilagay niya ang kamay niya sa braso ko tapos ay masaya akong kinamusta. Ngumiti ako sa kaniya at sinagot ko naman siya.
Dahil doon, hindi natigil ang usapan namin dahil dinadaldal niya ako. Ang ingay nga naming dalawa 'e.
Naglakad naman kaming lahat papunta sa canteen at bumili ng pagkain.
Pagkadating namin doon sa may canteen ay maraming nakapila. Pero pumasok pa rin kami sa loob at pumili ako ng pagkain ko.
Pipila na sana ako kaso nga lang ay biglang kinuha ni Alex ang pagkain ko at sinabihan niya akong siya na raw ang magbabayad at umupo na ako dahil baka napagod ako.
Pinaglaro ko muna ang mata ko sa kaniya at sa pagkain ko habang nasa isip ang pagtataka kasi alam ko ring pagod siya.
Pero nagpumilit siya kaya naman lumabas na ako.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...