tw// self harm
cw// depressive episodes
February 21, 2004Ang puting pader at nakakakalmang sensasyon na dumadaloy sa iyong isip habang nakatitig sa lumalangoy na isda at ang mahina nitong bulong sa tubig ay tila nasa isa kang gubat na kung saan ay sariwa ang lahat.
Parang bumalik ako sa pagkabata ko.
Noong una kong sinubok gawin ang bagay na 'yun.
Ilang beses na ba akong nasa hospital?
Ilang beses ko ba kailangang lumabas at pumasok doon para lamang madagdagan ang problema sa buhay ko at buhay nila Mama?
Kasalanan ko ito 'e.
Sobrang kasalanan ko.
Kung hindi lang sana ako natukso at napagdesisyunan na gusto ko sumama roon sa bata na nakalimutan ko na ang pangalan.
Kung hinayaan ko na lang kasi sana ang sarili ko na masakal sa loob ng bahay namin.
Kung hinayaan ko na lang sana ang sarili ko na mag-isa, siguro hindi ako bumalik doon sa nakakasukang hospital na 'yun.
Mas maganda pala na nasa bahay na lamang ako kaysa sa labas, hospital lang naman ang labas ko 'e.
Para akong paralisado habang nakatitig sa mga palamuti sa aking pader.
Gumalaw lang ng bahagya ang aking tingin sa pinto nang marinig ko ang tawag ni Mama sa akin na kailangang kumain.
Hindi ko siya sinagot.
Nilipat ko lamang ang matigas kong katawan sa kabilang panig ng aking kwarto at doon naman na ako tumitig.
Ang mga daliri ay nakasiklop habang ito ay nakalaylay sa taas ng aking tiyan.
Huminga ako ng malalim at sumama ang aking kamay.
Ilang buwan na ba simula nung nangyari 'yun?
Tatlo? Lima? Isang taon?
Nakalimutan ko na ang konsepto ng oras.
Parang paulit-ulit lang naman ang buhay ko at ito ay umiikot papunta sa walang kwentang katapusan.
Tulog na ang lahat at kami na lamang ng buwan ang magkasama.
Ngumiti ako sa kaniya ng maliit pero kahit ang pagtingin ko sa kaniya, pakiramdam ko ay peke.
Napakapeke.
"Hindi ko na alam paano ang tamang pagngiti."
"Hindi ko na ata bagay ang pagtaas ng labi."
Pinikit ko ang mata ko.
Rinig na rinig ang kaawa-awa kong mga salita sa sarili.
Hinawakan ko ang aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomanceOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...