37

19 8 4
                                    

May 11, 2008



Napatingin ako sa kisame ko.

Puti.

Puting-puti.

Ganiyan na rin kaya ang nasa paligid niya ngayon?

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at inayos ko ang aking sarili.

Naligo.

Brushed my teeth. Put on my best clothes for him.

Pagkababa ko ay nasa harap ko na si Mama. Ang mata ay nag-alala. Ang noo niya ay nakakunot.

Ginaya ko ang noo niya.

"Ma, aalis po ako," paalam ko sa kaniya.

Mas lalong lumalim ang gulo sa noo niya. "Saan? Saan ka pupunta?"

Ang mga mata ko ay napatingin sa baba. "Kay Alex," bulong ko.

Hindi ko man tagpuin ang kaniyang mata at mukha.

Alam ko.

Alam ko na mas lalong napuno ang kaniyang damdamin ng pag-aalala sa akin.

Kinagat ko ang labi ko.

"No. You can't go. Dito ka lang sa bahay," utos niya at sa tono niya ay wala nang makakapagbago pa rito.

Tinaas ko na ngayon ang tingin ko.

Diretso na ngayon.

"Hindi. Pupunta ako, Ma."

Napahilamos si Mama sa mukha niya. Ang buhok niya ay nagulo. "Hindi nga puwede, Luna."

"Bakit naman hindi puwede? Stop denying me my rights na bisitahin siya."

Tinignan niya ako.

Diretso sa mata.

Unti-unti, nagagalit sa akin.

"I just want you to be safe and sound. Ano bang hindi mo maintindihan doon?"

"Pupunta lang ako sa kaniya? Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi mong hindi ako magiging ligtas," ani ko at ngayon naman na ay ako na ang ginulo ang buhok ko.

"Ano ba 'yan?" Biglang tanong ni Kuya na nasa taas ng hagdanan.

Napatingin kaming dalawa sa kaniya.

"Ma, hayaan mo na siya." Kuya shot a look kay Mama. Kaya naman sinundan ko 'yun. Nagsasalita sila gamit ang mata nila at wala akong maintindihan kahit isa sa sinasabi nila. "Ako na maghahatid sa kaniya."

When we arrived, ramdam ko ang paghinga ko na napuputol.

Nahihilo ako. Dahil ba sa amoy?

O dahil andito ako sa huling hantungan niya?

Mas gugustuhin ko na lamang na amuyin ang ayaw ko na amoy.

Pumasok na ako sa loob.

Kasama ko si Kuya sa likod ko.

Ang kanilang tingin ay nasa amin.

Hindi -- nasa akin ang tingin nila.

Pero hindi ko sila pinansin. Kahit isang sulyap ay hindi ko sila binigyan.

Rinig ko ang tawag sa akin ng kaibigan ko pero kahit 'yun, hindi naging hadlang para sa akin na magpatuloy sa paglalakad.

Hanggang sa nasa harap ko na siya.

Nasa harap niya na ako.

Kinagat ko ang labi ko.

Bakit ganun?

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon