23

26 10 1
                                    

February 22, 2004



Nakapagdesisyon na ako.

At alam ko na ang gagawin kong bagay ang para sa ikakabuti naming dalawa. Pero para sa mas lalong ikakabuti ko.

Tumingin ako kay Mama habang siya ang isip ay nasa pagkain at ako naman ay sa gusto kong gawain ngayon din.

Gusto ko sana mabilis kasi baka mamaya ay magbago ang desisyon ko at umatras ang salita sa aking dila.

"Ma, sa tingin ko gusto ko mag-therapy ulit," mahinang bulong ko. 

Nakatingin ako ngayon sa kaniya ngayon.

Ang pagbaba ng kaniyang kutsara ay tumunog nang paulit-ulit ngunit humihina.

Iba naman ang hawak niya sa kaniyang isang kamay na ngayon ay mahigpit ang hawak--ang bawat daliri ay nakakuyom.

Nagsalita ang bahagya niyang gulat na bibig. "Anak... bakit?" Halos hindi na niya kayang itanong sa akin ang mga salita.

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay na walang laman. "Okay lang ako, Ma. 'Wag ka mag-alala. Wala ring nagpipilit sa akin na pumasok sa ganitong bagay. Sarili ko itong ideya, sariling gusto at wala ng iba."

"Pero why pa rin, anak? Hindi mo ito gagawin kung hindi ka nakaisip ng reason."

"Gusto ko lang maging better, Ma. Alam ko na ang sasabihin niyo. Na tama na ako, sapat na ako, pero iba pa rin 'yung pakiramdam na alam mong may kakayahan ka pang maging sapat, maging tama na. Gusto ko abutin ang pakiramdam na 'yun.

Sa tingin ko, sa pagkilala at pagtingin muli sa aking kahapon ang solusyon nun, Ma." Ngumiti ako sa kaniya ng maliit.

Huminga siya ng malalim at sinamahan ang kamay ko sa paghawak sa mga daliri niya. "If that's your decision, susuportahan kita 'nak. Gusto mo ba 'yung dati mong therapist?"

"'Yung dati na lang po."

Ang hirap kasi magbukas sa estranghero lalo na kapag aalamin nito ang buo mong katauhan kaya naman mas gusto ko na lamang ang dati kung saan ay kilalang-kilala niya na talaga ako.

Napatitig ako sa naiwang pagkain ni Mama dahil tumayo na agad siya sa kinatatayuan niya tapos tinawagan ang dati kong therapist.

Naalala ko ang memorya noong natagpuan niya ako nung bata ako.

Parang nasa iisang biyak kami ni Mama sa mga oras na 'yun dahil sa mga patak ng luha niya ay mas masakit pa kaysa sa bagong sugat na hinahawakan ng madiin ng tatay ko.

Kakatapos niya lang din ako isalba sa tubig sa may bath tub--dahilan kung bakit shower na lang ang nasa banyo ko ngayon--pero sobrang kalmado niya.

Pero kita ko sa mata niya ang tanong.

Tanong na: paano ko hinayaang maging ganito ang anak ko sa murang edad, wala akong kwenta na tatay.

At ang hikbi ng aking nanay na sumisigaw sa puso kong nawasak: propesyon ko ang pag-alam kung ang isang tao ay gumagawa nito pero bakit nung nangyari ito sa aking sarili at ilalim ng bubong ay hindi ko napansin.

Ito ang dahilan kung bakit gusto ko ng ibang therapist noong pinasok nila ako nung bata ako.

Siguro kung 'yung nanay ko ang doktor ko, parehas lang kaming iiyak na dalawa.

Napahawak ako sa aking dibdib 'tsaka kinagat ang labi.

Tinapos ko ang pagkain ko dahil may kailangan din akong gawin mamaya. May pupuntahan akong tao.

kita tayo, sa dating tambayan

Wala pang isang segundo ay agad na siyang um-oo sa yaya ko at ako naman ay bumaba na sa hagdan tapos ay nagpaalam kay Mama na aalis muna ako.

Hinawakan ko ang katawan ng puno habang hinihintay siya.

Pinapadaan sa daliri ang bawat umbok at lubog ng habi ng kahoy. Matigas. Hindi maganda sa palad at daliri. Marami ring langgam.

Kaya naman agad kong binaba ang daliri ko tapos ay sinandal na lamang ang likod ko rito.

Ang tingin ay diretso sa baba ng aming lungsod.

"Luna?" Rinig kong tawag niya sa akin.

Agad kong pinunta sa direksiyon niya ang tingin ko.

Kinakain siya ngayon ng araw na tinamaan ang kaniyang kaliwang mata kaya 'di ko makita ito.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan tapos ay naglakad papunta sa kaniya.

Naglabas ako ng maliit na ngiti habang siya ay nakatingin pa rin sa akin na parang hindi ako totoo.

Ginagalaw niya pa ang mata niya, paa hanggang buhok. Parang gusto niya akong hawakan at tanungin kung totoo ba ako o totoo ba ito.

Pero hindi niya ginawa at nag-iwas ako ng tingin.

"Salamat--"

"Kanina ka pa--"

"Mauna--"

"You go first--"

Parehas kaming naubo sa gilid namin dahil hindi namin alam kung paano na magsalita. Huminga ako ng malalim.

Mas malala pa 'yung pader na nasa harap namin kaysa noong una kaming nagkita.

Ito siguro ang nagagawa ng mga memorya minsan, ang taasan ang pader mo.

"Salamat," naghintay ako ng dalawang segundo kung may sasabihin siya,"kasi pumunta ka rito sa anyaya ko. Kahit na nung huling beses, hindi maganda naging usapan natin."

Nakatangin na ako sa kaniya habang siya ay nasa baba kung saan ay naglalaro ang kaniyang puting sapatos sa damo.

"If you say I should eat a worm, I'd eat it, Luna. 'Tsaka okay lang... din 'yung nangyari last time. I know you just got pushed and feel awkward to decline and alam ko na rin na hindi ka pa ready."

Bakit ba sobrang bilis niyang maintindihan ang bawat galaw ko?

"Kaya pala kita pinapunta rito kasi... Kasi ano.. uhm," sabi ko sabay kamot sa ulo.

Ang bilis kong sabihin sa imahinasyon ko pero kapag nandito na ako sa totoong reyalidad, hindi ko masabi.

"Ano, may problema ba tayo?" Puno ang mata niya ng ala-ala habang ang bibig ay nakabukas ng bahagya.

Agad kong iniling ang ulo ko sa kaniya. "Okay lang tayo. Pero 'yung sasabihin ko sa'yo ay mag-papatherapy ako ulit."

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon