2017
Ang babae na nasa loob ng isang makintab at malinis na banyo ay napaubo dahil sa bumabara sa kaniyang lalamunan. Nang matapos ay napatingin siya sa ginamit niyang kobre sa bunganga na tissue.
Nanlaki ang kaniyang mata.
Hindi siya makahinga.
Ang pula ay sumisigaw sa kaniya. Ang pula ay pinagtatawanan siya ngayon sa kinatatayuan niya.
Ang butil ng pula ay nagpanginig sa kaniyang mga daliri papunta sa basurahan. Napatitig siya sa takot sa basurahan na metal. Hindi makagalaw at hindi maayos ang utak sa madaming tanong kung bakit biglang nagkaganiyan ang kaniyang simpleng ubo.
Parang may gagamba na naglalakad sa kaniyang likod at hindi niya alam ang gagawin. Kasi natatakot siya sa gagamba, katulad ng sa dugo na lumabas sa kaniyang bibig.
Alam niya na dapat inaasahan na niya ito. Sinabi na ng doktor. Inuulit-ulit sa kaniya ng asawa niya. Pero iba pa rin... kapag nasa harap mo na. Kapag nasa mismong mata mo na, na parang pinagtatawanan ka at niloloko ang buong katauhan mo.
Isang luha ang lumabas sa kaniyang mata papunta sa pisngi na siyang nagpagising sa kaniyang loob. Agad niyang kinuha ang tissue at nilagay ito sa toilet. Pinindot niya ang metal na pang-flush upang mawala ang ebidensiya. Upang hindi na mapagod pa ang asawa niya sa kaniya mula sa trabaho na alam niyang kumukuha rin ng enerhiya nito.
Pagkatapos nun ay tinignan niya ang sarili niya sa salamin. Maputla ang balat na halos kainin na siya ng kaputian. Ang labi ay tinakasan na ng dugo na parang dumapo ito sa nakakatakot na pangyayari kanina at ang mata ay halos 'di na makita ang itim dahil sa sobrang kawalan ng buhay. Naghilamos siya sa may lababo at huminga ng malalim.
Nang mahimasmasan ay pumunta siya sa kwarto ni Alex at ngumiti nang makita ito na nagbabasa kasama ang kaniyang kapatid na mas bata pa sa kaniya. Mukha talaga siyang kuya sa bawat bigkas niya ng salita na may patid habang ang kaniyang bunso ay tahimik lang at nakikinig.
"Hello," bati niya at kumatok sa pintuan.
Natigil naman sila sa bonding na ginagawa nila at napunta ang direksiyon ng tingin kay Luna. Tumili ang batang babae at pinatago ang hawak ng Kuya niya sa kaniyang likod habang si Alex naman ay nanguna na sa iniisip ng kaniyang bunsong kapatid.
Lumapit na siya sa kanila at kiniliti upang makita kung ano ang tinatago nila. Agad namang bumigay si Alex dahil pinakamahina niyang parte ang leeg niya. Habang ang babae naman ay sa bewang.
Kahit na may sakit na si Luna ay sobrang lakas niya pa rin na makipaglaro sa kaniyang anak. Kasi, siyempre, nanay siya. Siya ang lakas ng anak niya. Hindi puwedeng magpakita siya ng kahinaan. Hindi siya puwedeng matumba sa harap nila dahil siya ang poste nila. Ginagaya niya rin ang nanay niya na kahit hanggang ngayon, kahit sa madaming nangyari sa kaniya, hindi niya nakitang matumba.
Lalo na noong pabalik-balik siya sa hospital noong bata siya.
Lalo na noong hinahatid niya ito sa therapy sessions niya.
Lalo na noong halos hindi na niya makilala ang sarili niya.
Sa lahat ng panahon na 'yun, kailanman ay hindi niya nakita ang kaniyang ina na umiyak o sumuko sa kaniya. She stayed kasi alam niya na mahal siya nito.
"Ano ba 'tong binabasa niyo 'a?" Tanong ni Luna sa kanila.
Kinuha niya sa kaniyang harap ang notebook at nasama na rin siya sa pagtawa ng kaniyang mga anak ng makita ang kanilang binabasa. Parang bumalik ang ala-ala niya sa lahat nang makita niya ang pulang notebook na madaming design sa mga gilid-gilid.
"Kayong dalawa 'a. Saan niyo ba nakita ang diary ko na 'to?" Halos mapaluha na siya sa tawa. "Binigay ba 'to ng tatay niyo?" Tanong niya sa kanila at sa sarili niya.
"No! Nahanap namin!" Masayang sabi ni Alex. "In the box po, Ma. 'Yung iniwan po rito ni Lola Mama."
Napangiti si Luna sa kaniyang sarili. Binuksan niya ang unang pahina at nakita niya ang kaniyang sulat na malalaki at wala sa linya. Nakalagay dito ang sinabi ng kaniyang Mama noong panahon na siya ay lumabas sa kaniyang sinapupunan. Sa susunod naman na pahina ay naging maayos na rin ang pagsulat ng kaunti ngunit ang pagkaka-spelling ng bawat salita ay iba-iba. Tungkol naman ito sa kaniyang kaarawan noon.
Mabuti na lamang at hindi isinusulat ni Luna ang iba niyang ginagawa rito noong bata siya. Masamang impluwensiya para sa kaniyang anak ang mga ito at ayaw niya na ibigay ang repleksiyon na ito sa kanila. Ayaw niya rin malaman ang tao na siya bago niya pa makilala ang tunay na Alex.
"Ma..." lambing ng bata na si Alex. "Anong story 'to? Sayo ba 'yan? Sino si Alex? Bumabalik na rin po ba ang sakit niyo? Kaya... kaya... may pakiramdam kayong iba tuwing siya ay nandiyan?" Tanong niya ng sunod-sunod.
Napatitig siya sa mata ng kaniyang anak. Hindi mahanap ang sagot.
Naglabas na lamang siya ng isang ngiti. "Na saan na ba kayo banda? Ako na ang magbabasa para sa inyo." Hinaplos niya ang buhok ng kaniyang anak na babae.
Pinanood ni Luna ang dahan-dahang pagbuklat ng anak niya ng pahina. May pumasok na tao sa kaniyang isip at ang gawain niya na sinasalamin din ang ginagawa ng batang lalaki. Napatitig muli siya rito. Kinagat niya ang kaniyang labi. Sa mga nakaraang buwan ang kaniyang memorya ay pumapasok sa kaniyang isip at hindi niya alam kung ano dapat niyang pakiramdaman o dapat niyang alamin kung ito ba ay mensahe o hindi.
Inabot niya sa nanay niya ang kuwaderno. "Ito na po, Ma!"
Nilapit niya ang kaniyang dalawang anak sa kaniyang puso at binasa ang mga salitang nakatanim sa bawat pahina. "August 08, 2003..."
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomantizmOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...