April 26, 1989
Ang dilim at ang aking mata ay tila nilagyan ng piring. Ang tibok ng puso ay aking nararamdaman habang ako ay nakakulong. Rinig ko sa loob ang sigaw na hindi klaro. Iere mo! Ere pa, Misis! Sabi ng mga tao sa labas sa tao na ang alam ko ay ang aking tahanan. Hindi ko alam kung bakit ang aking paglabas ay napaaga ngunit tayo ay heto na ngayon.
Nadilat ang aking mata at ang balat na aking sinisipa ng walong buwan ay hindi ko na maramdaman. Isang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa akin at pula. Kulay pula sa buong paligid.
Sigawan ang aking narinig ngunit ako ay nasa tabi ng estranghero na hindi ko kilala. Ginalaw ko ang aking daliri. Sa looban ng aking katawan ay alam ko na may mali. Dahil sa bawat tibok ng aking puso ay siya ring tigil ng aking paghinga-Mali. Hindi ako makahinga. Parang may nakahawak sa aking ilong o may kumuha sa aking bagay na dapat ngayon ay nagbibigay ng ere.
Hindi ko alam ang nangyayari. Basta ako ay hindi makahinga sa una kong araw sa mundong ito.
'''
sabi nga ni Harley Quinn sa birds of prey, if you want to tell the story right, you should start at the beginning:)
If you love this chapter votes and comments will be highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Tale Of A Moon
RomantikOnce there was a girl named Luna. She lives in the reality where everything was blue and everything was misery with a touch of travail. She refers to herself with the moon who was sometimes in crescent or sometimes whole. Days passed and nights dark...