PROLOGUE

5.3K 160 30
                                    

  WARNING: PALAMURA PO SI PARSIA KAYA EXPECTED NA PO ANG MGA MURA. THANK YOU

_____________________________

    "MR. ZAEM EZERY CARTER..."

Nagpantig ang tenga ko dahil sa binanggit na pangalan ni Mame. I looked at the stage, and I saw him. . . I saw the man who broke me apart and left me behind. 

Zaem Carter. . .

Tang ina, buhay pa pala ang gagong 'to. Gusto ko siyang murahin ng malakas hanggang sa mamatay siya. Dapat hindi na pina-landing ang eroplano niya rito, eh. Dapat namatay na siya doon sa Russia. Putang ina talaga!

Hahanapin daw ang sarili pero pumunta ng Russia. Ulol! Bakit? Nag abroad ba ang sarili niya? Tang ina niya.

"Mukhang papatay ka na." Napalingon ako sa pinsan ni gago. Nakangisi ito sa'kin kaya gusto ko na lang tusukin ng tinidor ang mga mata niya. "Salubungin mo na, miss mo naman, eh."

"Anong miss? Gago!" singhal ko kay Rycher. "Wala na akong pakielam sa tang inang pinsan mo!"

"Ang lutong ng bunganga," sabi ni Zam at napangiwi. "Ganiyan ba ang welcome party mo para kay Kuya?"

"Oo, magpapahanda nga ako ng confetti na puro mura, eh." Hindi naman ako dapat ganito kaso bumalikk yung sakit na ginawa sa'kin ng gagong Zaem na 'yan, eh.

May nalalaman pang babalikan kita after three years. Tang ina niya. Six years na ang lumipas at ngayon lang siya bumalik, tapos ang mga post pa sa social media ay may kasama magandang babae, pero mas maganda ako.

Move on na ako sa kaniya. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko nagustuhan ang lalaking 'yan, eh wala namng feelings. Nakakadiri na minahal ko siya at hinayaang i-kiss ako kahit wala pang kami. Nakakadiri na hayaan ko siyang dilaan ang ice cream na nadilaan ko na. Nakakadiri na sinabihan ko siya ng I love you. Nakakadiri ang mga lalaki na 'yan.

"It's been a while. . ." Pakiramdam ko ay natuod ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni gago.

Nasa likuran ko siya. Nasa likuran ko ang lalaking pinaluha ako ng balde balde at pinaasa. Gusto ko siyang saksakin ng bread knife sa lalamunan para maramdaman naman niya ang sakit na naramdaman ko. 

"Kuya Zaem." Nilampasan ako ni Zam at nilapitan ang kaniyang kapatid.

Hindi ko pa rin nililingon si gago. Ayoko siyang lingunin dahil pangit siya at paasa.

"Mauna na ako," paalam ko kay Rycher. "Nahihilo ako."

"Nahihilo o umiiwas?" Inakbayan ako nito. "Ipakita mong naka-move on ka na. Harapin mo siya, matapang ka naman, eh."

Bago pa ako makaangal ay nakaladkad na ako nito palapit kay Zaem. Nahigit ko ang hininga ko nang bumungad sa'kin ang lalaki. Sa anim na taon na hindi ko siya nakita, hindi ko lubos maisip na magiging ganito ang itsura niya.

Naging matured siya lalo, lumaki rin ang katawan niya at mas lumamig ang ekspresyon niya. Tang ina, dapat pumangit siya. Dapat sa mga gago, nag-go-glow down. Nakakairita! Paano ako magagalit, eh ang gwapo niya. Weakness ko ang gwapo.

"Pinsan," bati sa kaniya ni Rycher na hanggang ngayon ay naka-akbay pa rin sa'kin. "Kumusta?"

"Good," tipid na sagot nito. Ang tingin nito ay nasa kamay ni Rycher, na nakaakbay sa'kin. "We will talk later, Rycher."

Kinakabahang tumawa si Rycher. Akmang lalayo ito sa'kin pero lalo ko siyang hinila sa'kin.

"Parsia, ayoko pang mamatay," bulong nito sa'kin. "Tang ina, ikaw na lang ang mamatay kung gusto mo."

Nginitian ko nang matamis si Rycher. "Let's go, babe? Masama na kasi ang pakiramdam ko."

Nanlaki ang mga mata nito. "Babe, amput- aray!"

Tinadyakan ko siya sa paa. Bobo talaga 'to kahit kailan.

"Welcome back, Mr. Carter," kaswal kong bati kay Zaem. "Enjoy your stay here at sana 'wag kang mamatay."

Hinila ko si Rycher paalis doon. Apura reklamo ni Rycher pero hindi ko na siya pinakinggan. 

Bago kami tuluyang lumabas ay nilingon ko muli si Zaem. Salubong na salubong ang kilay nito at nag iigting ang panga. Nginisihan ko lang siya tuluyang tinalikuran.

PUTANG INA KA, ZAEM EZERY CARTER!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon