CHAPTER 5

2.6K 114 13
                                    

         "Campbell, let's talk!" Hindi ko pinansin si Gago na nakasunod sa'kin. "Parsia!"

Hinila ako nito at dinala sa likod ng bahay nila. Papunta kasi ako sa kanila para isumbong siya sa mga magulang niya. Grabe pa naman magalit si Tita Emery, lalo na si Tito Ezar. For sure, siya naman ang makakatikim ng walang baon. Hindi lang yun, siguradong lagot pa siya.

"Ano ba!?" Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Can you please listen to me first?" Napahinga ito nang malalim. 

"Wala akong naririnig." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa'kin. "At saka, bakit kita pakikinggan? Hindi mo naman ako pinakinggan noong mga panahong nakikiusap ako sa 'yo."

"Campbell-"

"Tikman mo ang ganti ng isang malditang maganda." Nginisihan ko siya.

Akmang lalagpasan ko siya kaya lang ay hinila ulit ako nito at ikinulong sa pader. Sisigaw sana ako kaso tinakpan nito ang bibig ko.

"Let's talk first," malamig na sabi nito. "Hindi pwedeng  malaman ni Papa na balak kong pumasok sa mundo ng Mafia na kinabibilangan niya dati, okay? Siguradong palalayasin niya ako. Ayaw ni Papa na ma-involve ako sa underground, lalo pa at nag aaral ako."

Tinanggal ko ng pagkakatakip niya sa bibig ko. "Wala na akong pakielam kung ano mang gagawin sa'yo nila Tito Ezar!"

"Damn!" Inis itong napahilamos sa kaniyang mukha. "Bakit ka kasi sumunod!?"

"Para makaganti," nakangising sagot ko. "Iniisip ko nga na sa bar kayo pupunta pero nagulat ako dahil ganoong lugar pala ang pinupuntahan niyong apat."

Napasimangot ito. "Ang tigas tigas ng ulo mo!"

"Matagal nang matigas ito, Carter." Tinapik ko siya sa balikat. "Wag kang mag alala, bibigyan naman kitang barya kung sakaling mapunta ka sa lansangan."

"Napahinga ito nang malalim. "What do you want, Campell? Sabihin mo lang sa'kin kung anong gusto mo at ibibigay ko para lang hindi mo sabihin kila Mama."

"Nakikipag-deal ka ba?" Mas lalo yatang lumawak ang ngisi ko bago siya tapikin sa braso. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan?"

"I don't have a fvcking choice, Campbell" Halata ang gigil sa boses nito.

Mukhang mag-e-enjoy yata ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko akalain na makikipag-deal itong si Gago para lang hindi ko isumbong. May maganda rin pa lang dulot ang pagiging chismosa at pakielamera ko.

"Simple lang naman ang gusto ko, Carter." Nag cross arms ako bago ngumiti sa kaniya nang matamis. Yung ngiting kahit matamis ay kakabahan pa rin siya. "Dahil nga namumulubi ako ngayon dahil sa'yo, gusto ko lang namang suportahan mo ang mga luho ko. Alam ko naman may bank account ka at maraming pera kaya hindi na problema sa'yo ang bagay na yun."

"Its' my savings-"

"-Wag mong puputulin ang pagsasalita ko." Napapikit naman ito dahil sa inis bago tumango. "Hindi naman magastos yung mga ipabibili ko, mostly pagkain lang. Kapag nag aya ng gala sila Slex, ikaw ang sasagot ng mga gastusin ko, pati na rin ang mga bayarin at projects sa school. Papayag ka rin na pakopyahin ako kapag hindi ko ma-gets yung assignment or tinatamad ako. Higit sa lahat, titigilan mo ang pagiging sumbungero mo at titigilan mo na pag initan ako tuwing may magaganap na kalokohan. Ano? Deal ba?"

Naglahad ako ng kamay para ma-i-close ang deal namin. Tinitigan lang iyon ni Carter ng seryoso. Ano ka ngayon? Ipararanas ko talaga sa'yo ang mga hirap na dinanas ko sa mga kamay mong gago ka.

"Ayaw mo?" tanong ko sa kaniya. "Fine, mas okay sigurong malaman ng parents mo ang tungkol sa pinupuntahan niyo nila Rycher. Hindi naman sila magagalit kung malaman nilang may tattoo ka-"

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon