Ito na ang araw na masisira ang buhay ko. Last Exam na namin at feeling ko ay sobrang hirap. Nag-review naman ako, joke lang. Kasama ko kasing nag-review sila Slex, mas lamang pa ang paglamon at paghaharutan namin kaysa sa review. Kung hindi kami sinasaway ni Zaem, wala talaga kaming matututuhan."Are you okay?" Napaangat ako ng tingin kay Zaem.
"Ayos lang sagot ko. "Bumalik ka na sa upuan mo at baka pagalitan ka pa ni Sir."
Alphabetical ang sitting arrangement namin sa upuan kaya sa harapan si Zaem at Rycher, hindi ko tuloy makokopyahan si Rycher. Kahit kasi abnormal si Rycher, matalino yun. Matalino rin si Zaem kaso never akong nangopya sa kaniya, magkaaway kasi kami noon. Ayaw ko rin namang mangopya ngayon dahil nakakahiya. Hindi ko rin naman kailangang mangopya, if ever. May utak naman kasi ako.
"Let's eat outside after our exam," sabi nito.
"Five ang uwi natin," sagot ko sa kaniya. "Baka pagalitan ka nila Dade kapag ginabi tayo, tapos tayong dalawa lang ang magkasama."
"Nakapag-paalam na ako," tugon niya. "Hanggang 7:30 ka raw pwede, kapag sumobra magagalit si Tito Wyatt. Nagpaalam muna ako sa parents mo, para sure na hindi ka nila pagagalitan."
"Pumayag naman sila, go lang ako," nakangiting sabi ko.
"Sama naman ako," sabad ni Rycher. "Iiwan niyo ako? Iiwan na nga ako nung isa, pati ba naman kayo."
Nagkatinginan naman kami ni Zaem.
"Kaya pala dala mo, Kuya Zaem, yung tsikot niyo, ah? Sama na ako," dagdag pa nito.
"Alam mo? Yung oras mo na gagamitin sa pagsama sa 'min, gamitin mo na lang para makumbinsi yung haponesa mo na 'wag umalis," sabi ko sa kaniya. "Bigyan mo kasi ng motivation si Mayumi para ipaglaban ang kalayaan niya."
"Bakit ko pa gagawin 'yon? Ipinaparamdam naman niya sa 'kin na aalis na talaga siya," mapait na sabi nito. "Sabihin niyo na lang kung ayaw niyo akong isama, idadamay niyo pa love life ko."
"Rycher, it's not like that. Ayaw lang namin na magsisi ka," seryosong sabi ni Zaem. "Kapag nakaalis si Mayumi, mas lalo kang mahihirapang maghabol."
Hindi na nagsalita si Rycher. Tumalikod lang ito at bumalik sa upuan niya. Napahinga na lang nang malalim si Zaem, habang nakatingin sa pinsan niyang problemado talaga. Ngayon pa niya pinag-overthink alam naman niyang exam.
Dumating si Sir kaya bumalik na si Zaem sa upuan niya at nagsiayos na kami ng upo. Isa isa nitong pinamigay ang test paper namin at pinagsimula kami. Media Information Literacy ang first sub namin, madali lang naman siya. Madaling hulaan.
Halos thirty minutes akong nagsagot samantalang yung mag-pinsan ay fifteen minutes lang. One hour naman ang time limit kaya no to pressure.
"Ang easy ng exam," mayabang na sabi ni Rycher na mukhang nasa mood na ulit.
Nang sumunod na subject ay medyo nahirapan ako dahil Gen Bio iyon, mahina kasi ako sa science. Recess lang naman ang gusto ko sa buong pag-aaral ko.
"Last three minutes," sabi ng Teacher namin kaya medyo na-pressure ako. Nasa number fourty five pa lang ako, eh, hanggang sixty ang exam.
"Pota, ano ba spelling ng lintik na word na yun?" nakasimangot kong tanong.
Nilagpasan ko muna ang tanong at nag-focus muna sa iba. Ang ending, hindi ko rin nasagutan lahat dahil wala ng time. Medyo nanlumo tuloy ako nang makalabas ako.
"Hindi ko nasagutan lahat," nakasimangot kong sabi.
"It's okay, at least you did your best," sabi ni Zaem bago haplusin ang buhok ko. "Come on, let's have a lunch. Bibilhan kitang ice cream para medyo gumaan ang pakiramdam mo."
"Okay," tugon ko. Medyo gumaan ang loob ko dahil sa kaniya.
Bagsak man sa exam, may gwapo namang manliligaw. Charing.
Dumiretso kami sa canteen. Nandoon na yung kambal at si Cole, mukhang katatapos lang din nila. Kasama nung kambal ang mga nagpapatibok sa kanilang mga alaga, siguradong may kasama rin si Cole, hindi nga lang nakikita.
"Kumusta? Buhay pa ba kayo?" tanong ko sa kanila bago sila tabihan. Sabi kasi ni Zaem, maupo na ako at sila na ni Rycher ang bibili ng pagkain.
"Jusko dzai, naloka ang pubic hair ko dahil sa sobrang hirap," sabi ni Slex habang pinagbabalat ng dalandan si Zabria. Taray, act of service ang bading.
"Mahirap daw pero siya ang naunang matapos," sabi naman ni Nlex na hinihiwalay yung buto ng kalamansi sa siomai ni Shiemie.
Tumingin naman ako kay Cole at casual lang ito habang kinakausap ang hangin. Ang gwapong weird naman nito. Dumako ang tingin ko sa kabilang table, mag-isang kumakain doon si Mayumi.
"Mayumi, dito ka sa 'min," pagtawag ko sa kaniya.
Nag-aalangan pa ito pero tumayo rin at lumapit sa 'min. Sakto namang dumating si Zaem at Rycher, halatang natigilan si Rycher nang makita si Mayumi.
"Wag nang magsalita," sabi ko kay Rycher. "Kumain na lang tayong dalawa ng peaceful."
Hindi naman sumagot si Rycher at seryosong naupo lang. Nagsimulang kaming kumain habang piang-uusapan ang tungkol sa naganap na exam.
"Gusto mo?" alok ko kay Mayumi nang kinakain kong dynamite.
"Hindi 'yan mahilig sa maanghang," sabi ni Rycher kaya napatingin kami sa kaniya. Halata namang natigilan si Rycher, tumikhim ito nang matauhan. "Bakit? Sinasabi ko lang naman kasi wala siyang tubig."
"Kunwari pa," parinig ko at natawa. "Oo na lang, Rycher Carson."
Sumimangot lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Dahil mahaba pa ang oras, nag-decide kaming tumambay sa garden pagkatapos kumain. Hindi sumama si Mayumi dahil mag-re-review pa raw siya. Iniiwasan niya lang si Rycher, ayaw pang sabihin.
"C.R lang ako, sunod ako," paalam ni Rycher.
Tumango na lang kami kahit namang sobrang obvious na pupuntahan niya lang si Mayumi. Nagkaniya-kaniya kaming upo nang makarating sa garden. Nasa bench si Slex at Zabria, pasimpleng naglalandian. Nasa katabing bench naman nila si Nlex at Shiemie, bulgarang landian. Si Cole, nasa ilalaim ng isang puno na medyo malayo sa 'min. Nakaupo rin kami ni Zaem sa ilalim ng isang puno kasi presko ang hangin.
"We still have two and half hours, you can sleep if you want," sabi ni Zaem bago ako pasandalin sa kaniya. Hindi naman ako nagreklamo dahil masarap naman sa pakiramdam.
"Ikaw na lang ang matulog," sagot ko. "Magmamaneho ka mamaya, baka antukin ko."
"I'm fine," tugon nito, hinaplos niya ang may kahabaan kong buhok. "Where do you want to go later?"
Napaisip naman ako. "SM na lang," sabi ko.
Yun lang din naman ang malapit na pasyalan dito sa 'min. Gusto ko ring mag-videoke mamaya at maglaro sa arcade.
"Buti pala pinahiram ka ng kotse?" usisa ko.
"Sinabi kong may date tayo, pinilit ni Mama si Papa na pahiramin ako ng kotse," natatawang sabi ni Zaem. "No choice rin naman si Papa, basta raw hindi ako mahuhuli."
"Under masyado ng mga Nanay natin ang mga Tatay nating tattoo-in at brusko," natatawang sabi ko.
"Don't worry, under mo rin ako soon," nangingislap ang mga matang sabi nito. "You're the boss, Parsia."
Inirapan ko lang siya para pasimpleng itago ang kilig ko. Daming alam talaga ng isang Carter!

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...