Natapos ang flag ceremony pero hindi naman lumitaw sila Zaem, hindi ko alam kung maiinis ba ako o mag-aalala, sinabi na kasing 'wag patulan, pinatulan pa. Hindi ko talaga papansinin mamaya, palagi na lang nila akong pinag-aalala."Wala pa rin sila?" tanong ni Slex.
Breaktime na pero wala pa rin talaga sila. Nakakainit din ng dugo kasi dala ni Zaem yung bag ko, nandoon kaya yung pera ko.
"Nakikita mo ba?" masungit kong tanong sa kaniya.
"Nagtatanong lang, sampalin kita diyan, eh," masungit na sabi nito.
Napasimangot lang ako bago tumayo dala ang pagkain kong nilibre ni Slex. Doon na lang ako sa garden.
"Saan ka pupunta? Sama ako," sabi ni Slex.
"Palapit ang bebe mo," sagot ko lang bago umalis sa canteen.
Dumiretso ako sa garden. Naupo ako sa isang bench at doon nagpatuloy sa pagkain. Iniisip ko tuloy kung anong mangyayari kapag sinagot ko si Zaem? Papasok siya sa delikadong mundo ng Mafia, siguradong hindi mawawala doon na hunting-in ako ng mga makakalaban niya.
Ayoko rin namang patigilin siya sa underground kahit gusto ko. Gusto ko siyang suportahan sa mga gusto niya at ayaw ko siyang diktahan, kaso nag-aalala ako. Lintik na 'yan, bakit ba kasi gusto niyang sundan ang yapak ng Papa niya? Si Tito Ezar naman kasi, mafia pa ang piniling trabaho, nahawa tuloy ang Anak niya.
Napahinga na lang ulit ako nang malalim. Ang gulo ng buhay ko, parang bulbol ko lang. Sana naman may happy ending pa rin ako sa dulo, baka kasi maisipan ko na lang uminom ng zonrox.
"Hi. . ." Napatigil ako sa pag-iisip at gulat na napalingon sa nagsalita.
"Hi," balik kong bati sa Haponesa ni Rycher. "Hinahanap mo si Rycher? Umalis siya, eh."
"Ikaw ang hinahanap ko," sagot nito bago maupo sa tabi ko. "Ayoko na kasing makita si Rycher, baka kasi hindi ko kayaning iwanan siya."
"Ede 'wag mong iwanan," sabi ko na para bang ganoon lang 'yon kadali. "Matanda ka na at may sarili ng desisyon kaya 'wag kang papayag na palaging parents mo ang masusunod. Baka uminom ng domex si Rycher kapag iniwan mo."
"Wala, eh, duwag ako," mahinang sabi niya. "Nag-aalala rin ako kay Mama kasi buntis na naman siya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kaniya kapag nasa Japan na siya."
"Kaya kang buhayin ni Rycher kapag pinili mo siya," saad ko. "Pag-isipan mong mabuti, magdesisyon ka, yung pakiramdam mo ay hinding hindi mo pagsisisihan."
"Mahal ko si Rycher. . ." Tumulo ang luha nito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiinis ako dahil bakit sa 'kin nangyayari ang ganitong buhay? Naging mabait naman akong Anak."
"Teka, 'wag kang umiyak, hindi ako marunong mag-comfort ng tao," tarantang sabi ko bago siya abutan ng panyo. "Baka imbis na mapatahan kita, mapaiyak pa kita lalo."
Natawa naman ito bago magpahid ng luha. "Pasensiya na at maraming salamat sa pakikinig."
"Wala 'yon, basta sundin mo lang ang sigaw ng puso mo. 'Wag mong sundin ang Nanay at Tatay mo, joke lang." Napakamot pa ako sa ulo ko. Wala talaga akong kwentang kausap pagdating sa problema.
Ngumiti si Haponesa at nagpaalam na sa 'kin. Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit siya nahihirapan. Mahirap naman talagang mamili between pamilya at pag-ibig.
"Hey..." Mabilis na dumako ang paningin ko sa nagsalita. Si Zaem. Pawis na pawis ito at medyo madungis siya.
Lintik, ang gwapo. Bakit siya hindi dugyot tingnan kapag ganiyan?May favoritism si Lord.
"Oh, buhay ka pa pala?" sarkastikang sabi ko sa kaniya. Hindi ako pwedeng magpadala sa kagwapuhan niya.
"Sorry," maamong sabi nito bago maupo sa tabi ko. "Are you mad?" hindi ko siya pinansin. "Parsia..."
"Nakakainis ka, masyado niyo akong pinag-alala. Ang sabi mo, saglit lang kayo!" singhal ko sa kaniya. "Kanina pa ako nag-o-overthink, sinabi ko na kasing 'wag niyong patulan yung lalaki, pinatulan niyo pa rin. Nagagalit ka sa 'kin dahil takaw gulo ako noon, ikaw rin pala-Oh, bakit nakangiti ka? Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Zaem!"
"You're cute," nakangiting sabi nito bago hawakan ang kamay ko. Dinala niya ito sa pisngi niya. "Don't be mad, please. . . Natagalan lang kami kasi nasabit si Cole sa bakod, tapos nalaglag ko yung bag mo, hinanap pa namin."
"So, kasalanan pa pala ng bag ko?" sarkastikang tanong ko.
"No!" mabilis na sagot nito. "It's my fault. I'm sorry."
Napatitig ako sa mukha niya, kitang kita ko ang sincere doon, bakas din ang takot na baka magalit ako lalo.
"Zaem, mahalaga kayo sa 'kin kaya sana huwag niyo na akong pag-alalahanin," mahinahong sabi ko.
"Sorry," tanging nasabi nito.
"Oo na, hindi na ako galit. Lintik ka, alam mo kung paano ako paamuhin," masungit kong sabi sa kaniya. "Anyway, nasaan na yung naka-motor?"
"He's part of the underground," sabi lang nito. "Natalo namin ang grupo nila kaya gumaganti. I threatened him, hindi na siya babalik. He won't harm you again, promise."
"Mukhang panganib pa ang dala sa inyo ng undeground na 'yan," naiiling kong sabi.
"Don't worry, kaunti na lang naman at makakaalis na kami sa undeground. Once I become Mafia, I promise that I will protect you at any cost. I'm always stay by your side, Parsia. Magpapakasal pa tayo."
"Ang oa mo, hindi ka nga sure kung sasagutin kita, eh," mataray kong sabi sa kaniya. Siyempre, pakipot mode muna para hindi niya mahalata ang kalandiang taglay ko.
"I'm willing to wait, Parsia. Hinding hindi ako magsasawang maghintay, basta ikaw," nakangiting sabi nito bago halikan ang kamay ko.
Pinapainit niya lang dati ang dugo ko, pinakikilig na niya ako ngayon.
"Oo na, ang dami mong alam," pigil ang ngiting sabi ko bago siya irapan. "Oh, kumain ka ng tinapay at uminom, mukhang pagod na pagod ka."
Ngumiti lamang ito bago kainin ang tinapay na iniaabot ko. Kinuha ko yung bimpo ko na ginawang pamunas ni Haponesa ng luha at ipinunas sa pawis ni Zaem. Pareho namang liquid ang luha at pawis kaya walang masama sa ginagawa ko.
Inilibot ko ang paningin ko habang ginagawa 'yon, napasimangot ako nang makita sa likuran ng puno sila Rycher. Ito na naman ang mga unggoy na 'to. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito. Kunwari hindi ko sila kilala kasi mukhang tanga sila.
"They are watching us right?" tanong ni Zaem at tumango naman ako. "Let them be."
"Tama, deadma sa mga bashers na walang forever," pag-sang-ayon ko.
Nagpakawala naman ng sexy na tawa si Zaem kaya hindi ko maiwasang hampasin siya, dahilan para muntik na siyang masubsob. Para kasing tanga, eh. Nagpapakilig pa.

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...