CHAPTER 17

2.5K 99 18
                                    

     "Anong ginagawa niyo sa SSG room nung babae?" tanong ko kay Slex habang naniningkit ang aking mata. "Tang ina mo, 'wag mong sabihing doon kayo nag-iyutan?"

"Gaga, walang nangyaring iyutan!" sagot nito bago mag-iwas ng tingin. "Kalimutan niyo na lang ni Zaem ang nakita niyo, okay?"

"Malabong mangyari 'yon dahil hanggang panaginip naaalala ko kayo," nakasimangot kong tugon.

Hindi na ito sumagot at napahinga lang nang malalim.

Sabado ngayon at nakatambay ako sa bahay nila. Ilang araw kasi akong iniiwasan nitong bakla na 'to, mukhang ayaw niyang matanong siya tungkol doon sa nangyari sa SSG Room.

"Akala ko ba allergy ka sa kipay?" tinunggo ko ang balikat niya. "Ano? Matutupad ba ang sumpa ko sa 'yo? Ikaw ba ang mauunang magkaanak sa 'tin?"

Sinamaan ako nito ng tingin. "Shut up, okay? I'm not in the mood."

Bahagyang napaawang ang bibig ko dahil sa pag-i-english nito. Magugunaw na yata ang mundo dahil nag-iibang anyo na si Bading. Hindi na yata siya allergy sa kipay. Masyado yata siyang nabihag ng kipay ni ate girl, ano kayang feminine wash niya?

"Oo na, you're not in the mood na." Tumayo ako. "Iwanan na kita nang makapag-jacks ka diyan."

"Namo!" singhal nito sa 'kin bago ako irapan. "Lumayas ka na nga! Ayain mo na lang ng date si Zaem."

Nag-make face lamang ako bago lumabas ng kwarto niya. Bago ako bumaba ay sumilip muna ako sa kwarto ni Nlex, kumakanta ito habang nakangiti. Mukhang inlove rin si gago.

"Tita, alis na po ako," paalam ko kay Tita Madeline.

"Hindi mo yata kasama si Slex?" tanong nito.

"Nagbibinata ho," sagot ko lang bago tuluyang umalis.

Napahinga na lamang ako nang malalim habang naglalakad. Ang hirap naman pala kapag in-love silang lahat. Hindi ko rin maaya si Rycher dahil mukhang may balak ding pormahan.

"You look like a grumpy old woman." Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa nagsalita.

Napasimangot ako bago irapan si Carter. "Pa 'no, lahat ng tropapips natin mga in-love kaya wala akong maayang gumala."

"Bakit ako hindi mo inaaya?" Tumaas ang isang kilay nito.

"Baka kasi in-love ka rin," tugon ko. "At saka, marami kang fans, baka pag-initan na naman ako kapag nakitang magkasama tayong dalawa."

Nagkibit balikat ito. "Let's have a roadtrip, hihiramin ko ang kotse ni Papa."

"Pahihiramin ka?" tanong ko. "At saka, may lisensiya ka ba?"

"Wala," sagot nito. "Diyan diyan lang naman tayo kaya wala naman sigurong huli."

Tumango lang ako.

Pumasok ito sa loob ng gate nila. Limang minuto akong naghintay bago bumukas ang gate. Nakahiram nga siya.

Pinaandar ni Carter ang kotse palabas. Nang makalabas siya ay bumaba muli siya para isarado ang gate, tinulungan ko naman siya bilang isa akong mabait na tao. Nang maisarado namin ang gate ay sumakay na kami sa kotse.

"Lakas mo sa Papa mo, ah?" sabi ko nang umandar na ang sasakyan.

"Yeah, 'wag lang daw akong magpapahuli sa pulis dahil hinding hindi ko na mahahawakan ang sasakyan niya," sagot nito.

"Buti ka nga nakakahiram, eh," napasimangot ako. "Si Dade, ayaw ipahiram sa 'kin ang kotse namin dahil nabangga ako sa puno. Hindi ko alam kung sa kotse nag-aalala o sa 'kin, eh."

Natawa ito. "Bakit mo naman kasi binangga ang puno?"

"Yung puno ang bumangga sa 'kin," tugon ko. "Sinigawan kong tumabi, hindi gumalaw."

Napapalatak ito. "Are you serious about that?"

Proud akong tumango, na ikinailing nito.

Huminto ang sinasakyan namin sa isang samgyup restaurant kaya napalingon ako kay Carter na nagtatanggal ng seatbelt.

"Ang usapan roadtrip lang, wala akong pera," nakasimangot kong saad.

"Sinabi ko bang ikaw ang magbabayad?" Tinaasan ako nito ng isang kilay. "I don't let woman to pay for her bills when she's with me."

"Dapat sinabi mo agad, ang dami ko tuloy sinabi." Tinanggal ko ang seatbelt ko at nauna pang bumaba.

Kahit nababadtrip ako sa pag-e-english niya, hindi ko na lang papansinin dahil nilibre niya ako. Pakiramdam ko tuloy ngayon hindi ko na kayang awayin si Carter.

Pumasok kaming dalawa sa loob ng samgyup restaurant, sinalubong naman agad kami ng isang babaeng staff. Napangiwi ako dahil nag-pa-cute pa ito kay Carter, nagmukha tuloy siyang tutang kawawa dahil walang pakielam si Carter sa kaniya.

"Table for two," sabi ni Carter.

"This way po, Sir." Naunang maglakad ang babae kaya sinundan namin siya. Huminto ito sa tapat ng glass wall kung saan may table para sa dalawa.

Naupo kaming dalawa ni Carter. Kinuha ko yung menu na nasa lamesa at tiningnan .

"What promo do you want?" tanong ni Carter.

Para kaming nag-de-date ni Carter. Yung tipong siya yung expensive boy na amoy johnson baby powder, tapos ako yung poor girl na amoy sasampalin nang Nanay niya ng sampung milyon para lang layuan siya. Ayaw pa kasing magtagalog, eh.

"Yung 249," sagot ko. "Gusto ko rin yung may unli wings."

Napatango ito bago lingunin ang babaeng waitress. "Dalawang 249 ang i-a-avail namin."

Tumango ang babae. "Pakihintay na lang po ang chicken wings at ibang side dish. Para naman po sa samgyup, kayo po ang kukuha ng gusto niyong iluto."

"Okay, thanks," tipid na sabi ni Carter.

Nang makaalis ang babae ay tumayo na kami ni Carter at namili ng gusto naming iluto. Target ko agad ang kimchi at sweet potato dahil masarap sila para sa 'kin. Nang makuha namin ang gusto namin ay bumalik na kami sa upuan namin at nagsimulang magluto.

"Ay, tang ina! Ang init!" daing ko nang mapaso ako sa lutuan.

"Careful," sabi ni Carter bago kuhanin ang kamay kong napaso. "Want me to buy an ointment for you?"

Masyado na siyang act of service. Maya maya lang siya na ang isasalang ko sa lutuan.

"Hindi naman malala," sagot ko lang bago bawiin ang kamay ko. "Wag kang oa diyan."

"Ako na ang magluluto, kumain ka na lang," sabi nito. Tumango na lamang ako para tapos ang usapan.

Nang dumating ang iba pa naming order ay mas lalong nagningning ang mga mata ko. Bahagya lang ang kain ni Carter kaya nilalagyan ko siya sa plato niya.

"Alam mo bang kipay lover na si Slex?" Napaubo si Carter dahil sa sinabi ko. Tumalsik pa ang kinakain nito sa mukha ko. "English ka nang english tapos dugyot ka naman!"

"It's your fault!" inis na sabi nito. "Stop saying dirty words, okay?"

"Sige Carter, sa susunod magpapaalam muna ako para hindi ka nananalsik ng laway at pagkain," nakangiwing sagot ko bago punasan ang mukha ko.

"We're not in school but you still called me by my surname," walang emosyong sabi nito. "Can you just call me by my name."

"Zaem," banggit ko sa pangalan niya.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito at nag-lip bite. "Better. . . sounds like an angel."

Kainis! Yung dimonyita ka tapos tatawagin kang angel. Parang tanga 'tong si Carter!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon