Lakas maka-sugar daddy nang datingan ni Zaem. After exam, ito kami naka-car at papunta sa SM para mag-date."Where do you want to eat?" Tanong ni Zaem habang nagmamaneho siya.
"Kahit saan na lang," sagot ko. "Lahat naman kinakain ko."
Tumango lamang ito bilang sagot.
Nang makarating sa SM ay agad niyang pinark ang kotse bago kami bumaba. Naglakad kaming dalawa sa parking na medyo madilim.
"Tomorrow after exam, nasa underground kami," sabi ni Zaem.
"Sama ako," sabi ko sa kaniya. "Wala rin naman akong gagawin kaya gusto kong sumama."
"No," mabilis na sabi nito. "Ayokong mag-cause na naman ng trauma mo ang pagsama sa lugar na 'yon. Saglit lang kami doon, don't worry."
"Hindi na ako trauma, okay? Kaya ko na nga ring makipag-suntukan doon, eh," mayabang kong sabi. "Sige na, sama na ako. Kasama naman si Bilat."
"I'll think about it, Parsia," mahinahong tugon nito kaya napasimangot ito.
I'll think about it pang nalalaman. Hindi naman ako manggugulo doon. Gusto ko lang namang panoorin kung paano sila makipag-laban.
Nang makapasok sa loob ay diniretso agad ako ni Zaem sa Mang Inasal. Ako ang naghanap ng upuan, habang siya ay nag-order. Habang naghihintay sa kaniya ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mame through video call, agad ko namang sinagot.
"What's up, Penelope," bati ko sa kaniya at kumaway.
"Oh, kumusta ang date niyo ni Zaem?" tanong ni Mame.
"Luh? Nagsisimula pa lang po," natatawang sagot ko. "Hulaan ko, si Dade ang nagpatawag sa 'yo."
May nilingon na direksiyon si Mame, sure akong si Dade talaga ang nagpatawag sa kaniya.
"Oo, nabubuang na naman kasi ang Dade mo," sagot ni Mame bago mapailing. "O, sige na, mag-enjoy kayong dalawa. Ako nang bahala sa Ama mong oa."
"Gapangin mo po para hindi sa 'ming mang-istorbo," natatawang sabi ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Mame bago patayin ang tawag. Natawa na lamang ako at napailing iling. Si Dade na lang naman ang kalaban ni Zaem, si Kuya Paxton kasi ay balik na ulit sa kaniyang trabaho sa Makati.
"Why are you smiling?" Dumating si Zaem dala yung number namin.
"Si Mame," sagot ko. "Tinanong lang kung ayos tayo. 'Wag kang mag-alala, wala akong lalaki. Ikaw lang naman ang kayang tagalan ang ugaling mayroon ako."
Ngumiti lang ito bago hawakan ang kamay ko.
Plano kong sagutin si Zaem sa graduation namin, kaso hindi ko alam kung paano. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganito at hindi ako sanay maging sweet. Ayokong magpatulong naman kay Slex dahil siguradong aasarin ako ng bilat na 'yon.
Dumating ang order naming dalawa at nagsimula na akong kumain. Diet nga ako tapos unli rice naman ang in-order ni Zaem. Okay, cancel diet muna ako.
"You have soysauce in your nose," sabi ni Zaem bago punasan ang ilong gamit ang kamay niya.
"Dugyot kasi ako," pabirong sabi ko.
"Ang ganda mo namang dugyot.." Normal lang ang boses ni Zaem, pero iba ang dating. Siya lang yung corny bumanat pero nakakakilig.
"Corny mo," sabi ko na lang para hindi niya mahalatang kinilig ako.
Pagkatapos naming kumain ay binilhan niya ako ng ice cream, ako sana ang magbabayad kaso ayaw niya. Parang noon lang, kahit piso ang utang ko abot singil pa rin siya, mga bata pa naman kami noon kaya kalimutan na.
"Gusto mong maglaro tayo sa arcade?" tanong nito.
Umiling ako. "Naalala ko, kailangan ko pang i-review yung mga subject natin para sa exam bukas. Okay lang ba if maaga tayong umuwi?"
"No problem," sabi nito.
Nagtungo kami sa foodcourt at doon tumambay para magpalipas ng oras, maya maya kasi ay uuwi na rin kaming dalawa.
"Gusto mo talagang sumama bukas?" tanong ni Zaem kaya napalingon ako sa kaniya. Tumango naman ako. "Fine, pero kapag nakita kitang takot or iiyak, iuuwi kita, okay? Ayokong bumalik na naman yung trauma mo."
"Wag kang mag-alala, wala na akong trauma. Aayain ko nga nang suntukan yung lalaking binuhat ako, eh," sabi ko. "Gaganti ako sa kaniya, dadalhin ko shotgun ni Dade tapos babarilin ko siya. Lintik na 'yon, muntik pa akong bangungutin dahil sa kaniyang lintik siya."
Natawa naman si Zaem. "Want me to help you?"
"Kaya ko na," sagot ko.
Natawa na lang kaming dalawa.
Maya maya nga lang ay nag-aya na ako dahil ba-byahe pa kami. Malapit naman ang village sa SM kaso baka ma-traffic kami.
"Saan ka mag-college?" tanong ko kay Zaem.
"I don't know," sagot nito. "Plano nila Papa, ipadala ako sa Russia kung nasaan sila Tito Quen. Gusto ko rin naman dahil mas talamak ang mga Mafia doon, pakiramdam ko mahahasa ako doon."
Natahimik naman ako. Sa Russia? Ano yun, LDR kaming dalawa? Hindi ko yata kaya 'yon, isa pa maraming magaganda sa russia. What if bigla na lang siyang maghanap ng iba doon? Ede nasaktan pa ako.
"Maganda 'yon," nasabi ko na lang.
"Pero hindi na ako tutuloy," sabi nito at saglit akong nilingon. "I have no reason to leave, I have you now. Hindi ko kaya yung malayo tayo sa isa't isa."
"Ayos lang naman sa 'kin," sabi ko sa kaniya. "Ayaw ko namang maging dahilan para hindi mo maabot ang mga pangarap mo sa buhay. Support naman ako sa 'yo kahit malayo ako."
Inabot nito ang kamay ko, pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.
"No, kung nasaan ang gusto kong kasama sa pagtupad ng mga pangarap ko, doon lang ako," malamyos na saad niya.
"Luh? Hindi ako sasama sa 'yo maging mafia. Ikaw na lang, 'wag mo akong dinadamay at baka hindi kita matansiya," sabi ko.
Natawa lamang ito at napailing iling.
Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay bumaba at umikot pa si Zaem para pagbuksan ako ng pinto. Passenger na passenger princess ang datingan ko.
"Thank you sa date, nag-enjoy ako," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Ako naman ang babawi sa 'yo sa susunod at wala kang magagawa."
"Thank you too, beautiful," nakangiting sabi nito.
Huminga ako nang malalim bago maglakad palapit sa kaniya. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi bago magmadali papasok ng bahay. Napangiti na lamang ako kahit sobra akong nakakaramdam ng hiya.
"Nandito na po ako," sabi ko nang makapasok ako ng bahay.
Walang sumagot kaya mukhang nasa kusina sila. Nagbilin na lamang ako sa mga isa sa maid at umakyat sa kwarto ko. Patalon akong sumampa sa kama ko at binuksan ang phone ko. May litrato kami kanina ni Zaem at naisipan ko iyong i-post sa IG.
Thank you for todays date @zaem_ezery <<3
PHOTO
Napangiti na lang ako at napailing iling. Paniguradong maraming mag-co-comment na mga basher niyan. Wala naman akong pake sa kanila at never akong magkakaroon ng pake sa kanila.

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...