CHAPTER 4

4.5K 123 9
                                        


            Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad kami sa SM para magliwaliw. Kailangan kong magliwaliw dahil may pera ako. Bukas malungkot na naman ako dahil twenty lang ang baon ko, yung ten pambayad pa sa funds.

"Girl, bagay sa'yo ito." Ipinakita sa'kin ni Slex ang isang lipstick. "Ay, sabog pala ang nguso mo."

Ewan ko kung seryoso ba siya o tinatarantado niya lang ako. Kapag ako nainis, itutulak ko siya mula sa second floor.  Badtrip amputa, namamalipit ka na sa sakit tapos gagaguhin ka pa.

Binili niya yung lipstick. Libre na raw niya sa'kin.  Gamitin ko raw kapag hindi na mala-Angelina Jolie sabog ang nguso ko.

"Hindi pa ba tayo kakain?" nakasimangot na tanong ni Rycher. "Kanina pa tayo lakad nang lakad."

Nakalimutan  kong kasama pala namin ni Slex yung apat. Akala ko kami lang dalawa lang ang magkasama, hindi kasi sila nagsasalita.

"KFC," sabi ko. "Final na, ang tumanggi ay mamamatay."

Hindi na sila nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Wala rin silang magagawa dahil fan ako ni KFC ngayon, galit galit muna kami ng pulang bubuyog na mataba at malaki ang pwet. Dumiretso kaming anim sa KFC. Sila Nlex at Cole ang nag order, kami namang natira ay naghanap ng upuan.

"Your mom is calling." Napalingon ako kay Zaem. Hawak nito ang kaniyang cellphone na nakaharap sa'kin ang screen. Tumatawag sa kaniya si Mame.

"Patay cellphone ko." Kinuha ko sa kaniya yung cellphone niya bago sagutin ang tawag. "Me.."

"Nasaan ka? Alas sais na," sagot nito. "Nasa galaan ka na naman?"

"Kasama ko po sila Slex," tugon ko. "Dead bat ang phone ko  kaya hindi niyo ako matawagan."

"Wag kang papaabot ng alas nwebe, ah? Sa labas ka talaga matutulog," sabi nito. "Ibigay mo kay Zaem ang cellphone at magbibilin lang ako para mabantayan ka."

Napasimangot ako bago iabot kay Zaem ang cellphone. Kinausap nito si Mame habang nasa akin ang kaniyang mga tingin. Ano siya? Tatay  ko?

Nawala lamang sa kaniya ang atensiyon ko nang dumating sila Nlex at Cole dala ang pagkain namin. Isa isa nilang tinanggal ang pagkain sa tray bago sila maupo. Nang makaupo ang dalawa, tsaka kami nagsimulang kumain.

"Bawal akong umabot ng nine," sabi ko sa kanila.  "Pagsasaraduhan ako nila Mame ng pinto."

"Ayos  lang. Umuwi na kayo ni Slex pagkatapos kumain," sabi ni Nlex. "Mamaya pa kami dahil may pupuntahan pa kami."

"Saan kayo pupunta?" usisa ko. "Mag-ba-bar? Isusumbo ko kayo sa mga magulang niyo."

"Tanga, anong bar?" Mahina akong binatukan ni Rycher. "Hindi kami nag-ba-bar."

Tumango na lamang ako kahit hindi kumbinsido. Feeling ko may sekreto itong apat. Pansin ko lang kasi na minsan ay lumalayo sila sa'min ni Slex kapag nag uusap sila. Madalas din na may gala sila na silang tatlo lang.

Aalamin ko talaga yun. Baka way na rin yun para makaganti ako kay Zaem.

Pagkatapos naming kumain ay agad  nag ibang way yung apat. Hinila ko naman si Slex na munti  pang mangudngod.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong nito. "Uuwi na tayo."

"Susundan natin sila," nakangising sabi ko. "Mahaba haba pa naman ang natitirang oras ko."

"Anong susundan?" Napahinto ako sa paglalakad nang huminto ito. "Kaloka ka, what if mambababae sila? It's so ew, you know?"

"Arte mo!" Muli ko siyang hinila.  "Tara na kasi."

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon