THIS IS THE FIRST INSTALLMENT OF MAFIA OBSESSION SECOND GENERATION. HOPE YOU LIKE IT.
________________________
SIMULA...
Ang hirap maging malditang maganda, hindi mo alam kung magugustuhan ka ba ng mga tao, o hindi. Mabuti na lang at wala akong pakielam sa pananaw nila sa'kin. Maganda ako at iyon ang mahalaga.
Hello, I'm Parsia Wyatt Praisley-Campbell, 18 years old, ang pinakamagandang Anak nila Penelope at Wyatt. I'm born to be maldita, so I will die being maldita. Hindi ako bet ng iba dahil sa ugali ko, but who cares? Marami namang nauulol sa'kin.
"PARSIA!" Nakataas ang isang kilay na nilingon ko ang tumawag sa'kin. "GIRL!"
Here he comes. Ang pinakamalanding lalaki-bakla na alagad ko. Sa likod ng maangas niyang itsura, siya'y kumekembot kembot tuwing naglalakad. Kasunod ni Slex ang kakambal niyang si Nlex, kasama rin nila si Rycher, Cole at Zaem.
"Bakit?" tanong ko kay Slex. "Anong kailangan mo, bakla?"
"Wala lang, naisipan ko lang na sabay tayong pumasok." Umangkla ito sa braso ko. "Sinama ko na ang barkada para mas masaya."
Napangiwi ako. "Hindi ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa? Sawang sawa na kasi ako sa mukha niyo."
"Ang harsh naman," madramang sabi ni Rycher. "Sumbong kaya kitang nakipagsabunutan ka."
Sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi pwedeng malaman nila Mame na nakipag-away na naman ako dahil mababawasan na naman ang allowance ko. Singkwenta na nga lang ang baon ko ngayon bawat araw tapos mababawasan na naman. Epal kasi masyado ang president namin, eh, masyadong sumbungero. Hindi ko sinasabing si Zaem yun.
Naglakad na kami patungong school. Bente minutong lakaran lang naman yun. No choice rin naman ako dahil kasama ko sila. Ayoko pa namang naglalakad dahil mapapagod ang kagandahang taglay ko.
Parusa ko rin naman itong paglalakad dahil nga sa mga violation ko sa school. Ang baon kong one fifty araw araw ay naging fifty na lang. Hindi rin ako pwedeng ihatid sundo dahil magagalit si Mareng Penelope, lalo na si Pareng Wyatt. Noong bata ako, nadadaan pa sa pang uuto si Dade, ngayon wala ng epekto, eh. Wala rin kasi si Kuya Paxton sa bahay dahil nasa condo niya siya. Si Kuya Paxton na kasi ang nag-ha-handle ng iba pang business nila Dade kaya busy rin siya.
Nang makarating sa school ay agad humiwalay ang kambal sa'min dahil iba ang strand na kinuha nila. Ang kaklase ko ay si Zaem at Rycher. Ang magpinsang gago.
"You have another violation, Campbell." Salubong ang kilay na nilingon ko si Zaem. "I guess, you deserve another punishment from your parents."
"Balak mo bang mamulubi na ako!?" singhal ko sa kaniya. "Kapag nalaman nila ang ginawa ko noong isang araw, sampung piso na lang ang babaunin ko. Ang laki ng galit mo sa'kin, 'no? Epal ka lagi."
"Hindi ako epal, ginagawa ko lang ang trabaho ko," malamig na sabi nito. "I'm your classroom and ssg president. I'm just doing my job."
"Ang bobo ng mga bumoto sa'yo," sarkastikang sabi ko. "Kapag talaga nakahanap ako ng baho sa'yo, humanda ka sa'kin."
"Chill..." Pumagitna sa'min si Rycher. "Kuya Zaem, kalmahan mo naman kasi. Bigyan mo na lang ng parusa si Parsia, kawawa naman siya."
"Fine." Tumalikod ito. "You will clean the whole parking lot."
![](https://img.wattpad.com/cover/368260504-288-k92815.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
Storie d'amoreShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...