CHAPTER 33

3.6K 98 14
                                        

"Magpapatalo ba kayo sa ibang Strand!?" Napalingon kami kila Slex nang sumigaw ito. "Energy mga hampaslupa! Ipakita niyo kung sino kayo!"

Napataas na lang ako ng kilay. Nabubuwang na naman itong bading na 'to.

Sa gitna nang pagsayaw nila ay bigla na lang bumagsak yung isang babaeng kaklase ni Slex. Ito yung babaeng nakakamabutihan niya ng loob. Yung babaeng nakita namin ni Zaem na, kasama niyang lumabas ng SSG Office.

"Napano ka?" Mabilis na sumaklolo dito si Slex. "Huy, ang init mong babae ka! Galing ka bang impyerno?"

Hindi sumagot ang babae at parang nanghihina lang. Kung hindi ako nagkakamali, Zabria ang pangalan niya.

"Nag-iinarte lang 'yan," sabi ng isa nilang babaeng kaklase.

"Untog kaya kita?" matalim ang tinging sabi ni Slex dito.

Binuhat ni Bading si Zabria. Napangisi naman ako at napa-cross arm.

"Uwi ko muna sa 'min si Zab," sabi ni Slex. "Break time muna kayo. Babush."

Naglakad palabas si Slex ng court, sumunod naman dito ang kakambal niya. Hindi naman ako nagpatalo at sumunod rin ako.

"Kaya kong maglakad," mahinang sabi ni Zabria. "Uuwi na lang ako."

"You're sick, Zab," seryosong sabi ni Slex sa babae. "Magpahinga ka muna sa bahay."

Ay putek, nag-e-english ang baklang ulikba.

"Wag ka nang maki-chismis," sabi ni Nlex bago huminto sa paglalakad. Inakbayan ako nito. "Bumalik na tayo doon. Kaya na ni Slex si Zabria."

Bago pa ako makapag-reklamo ay hinila na ako nito pabalik ng court. Napasimangot naman ako at sinamaan siya ng tingin. Aasarin ko pa nga ang kakambal niya, eh.

"Epal ka," masungit na sabi ko sa kaniya.

Ngumisi lamang ito bago maglakad palapit sa isang babaeng chubby na, masama ang tingin sa 'min. Galit naman agad si Mareng Shiemie.

Napailing na lang ako bago maglakad palapit kay Zaem na, nakatingin din sa 'kin.

"Bakit? Selos ka rin?" pagbibiro ko sa kaniya.

"No," sagot nito bago iabot sa 'kin ang isang bottled water. Kinuha ko naman ito. "Nlex is your friend, why would I be jealous?"

"Oo nga naman," sabad ni Rycher bago ako akbayan. "Hindi magseselos si Kuya Zaem kapag tayo tayo lang."

"Except on you, Rycher," malamig na sabi ni Zaem bago alisin ang kamay ni Rycher na nakaakbay sa 'kin.

"Napakadamot mo!" inis na sabi ni Rycher. "Kung hindi lang grounded si Mayumi, hindi ko naman lalapitan si Parsia."

"Ano 'ko? Second option?" nakasimangot kong tanong kay Rycher. "Masyado kang maasim para pumayag akong maging second option mo!"

"Mas maasim ka!" Singhal ko sa kaniya.

Parang batang dumila lamang ito at nilapitan na lang si Cole. Tama 'yan, si Cole at si multong Laia ang guluhin niya.

Gusto ko ring masolo si Zaem, hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya yung tungkol doon sa papayag na akong magpaligaw sa kaniya.

Unti unti ko na rin kasing na-re-realize na gusto ko siya. Hindi ganoon kalalim pero gusto ko na siya.

"Is there something bothering you?" Napalingon ako kay Zaem nang magsalita ito. "Do we have problem?"

"We?" takang tanong ko. "Bakit we? Ako lang may problema."

"Your problem is my problem," tugon nito. "And my problem is my problem."

"Bakit parang unfair?" Natawa ako. "Gusto mong problema ang problema ko pero ayaw mong maging problema ko ang problema mo. Unfair yun. Dapat ang problema mo ay problema ko rin."

"I don't want you to worry," mahinahong sabi nito. "I don't want you to be sad, Parsia. I just want to see your happy face always."

Parsng hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi nito. Hindi ako sanay sa ganitong Zaem Ezery Carter, pero nakakakilig din naman at nakakatuwa na ganiyan siya sa 'kin ngayon.

"Masyado ka ng sweet," medyo naiilang kong sabi. "Hindi ako sanay."

"Masanay ka na," natatawang sabi nito. "Soon, I will be your sweet boyfriend."

"Paano kung magpaligaw na ako sa 'yo?" tanong ko. Sinalubong ko ang mga mata niyang may malamyos na tingin. "Paano kung sabihin kong nagugustuhan na rin kita?"

"Then, I will be the happiest man in the world," seryosong sagot nito.

Seryoso ang kaniyang boses pero ang mga mata niya ay malambot ang ekspresyon. Ang sarap pagmasdan ng mga titig niya sa 'kin. Nakakatunaw at nakakaakit.

"Zaem, nangangako ka bang hindi mo talaga ako sasaktan?" tanong ko. "Mahina kasi ako kapag damdamin ang usapan, eh. Maipapangako mo bang hindi mo ako masasaktan?"

"I won't," simpleng salita pero punong puno ng sinseridad. "How could I hurt someone like you? You're too precious for me, Parsia. I will never hurt you, Parsia."

Pakiramdam ko maiiyak ako. Ang sincere kasi talaga ng boses niya. Kapag ako nadala lalo, kakandong ako sa kaniya.

"Zaem, ipagkakatiwala ko sa 'yo ang sarili ko," nakangiting sabi ko. "Nagugustuhan na rin kita at espesyal ka na sa 'kin. May tiwala rin ako sa 'yo, kaya pumapayag na 'ko. You can court me now, Zaem."

Nanlaki naman ang mga mata nito. Maya maya lamang ay lumamyos muli ang kaniyang tingin sa 'kin. Tingin na puno nang kasiguraduhan at pagmamahal.

"Wala nang bawian, ah?" sabi nito. Napakagat ito sa ibabang labi niya, parang pinipigilan niya yung ngiti niya. "Hindi ka nagbibiro, ah?"

"Wag na nga," kunwaring pagbawi ko.

"Parsia, thank you for giving me a chance." Inabot nito ang kamay ko at hinawakan 'yon. "I will make you the happiest woman in the world. Pangakong sasaya ka sa piling ko at hindi masasaktan."

"Dapat lang. Aba, anak ako ng mafia boss," nakangising sabi ko sa kaniya. "Isang sumbong ko lang, todas ka na."

Natawa naman ito at napailing iling. Hawak niya pa rin ang kamay ko, hinayaan ko na lang dahil komportable naman.

"Mga kababayan, nililigawan na ni Kuya Zaem si Parsia!" Napalingon kami bigla sa eskandalosong pinsan ni Zaem. Sino pa ba? Ede ang lintik na lalaking tikbalang. "Walang nang babakod sa kanila, ah? Yung mga lalaki at babaeng magkakagalit diyan, baka kayo rin ang para sa isa't isa. Umamin na kayo."

"Give me a second," sabi ni Zaem bago tumayo.

Naglakad ito palapit sa pinsan niyang mabilis namang tumakbo. Hinabol naman ito ni Zaem kaya natawa na lamang ako.

Dumako ang tingin ko kay Macy. Masama ang tingin nito sa 'kin. Ngumisi naman ako sa kaniya bago mag-flip hair. Mainggit ka!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon