Ang saya talaga kapag may bina-blackmail ka. Yung tipong busog ka na, sunod pa lahat ng luho mo. Hindi naman ako ganoon kagastos, baka kasi sabihin niyo na masama ang ugali ko. Alam ko naman yun and I'm proud of ito.
Hindi naman ako araw araw nagpapabili kay Carter ng mga gusto ko. Minsanan lang naman ako maging magastos, pero sagad hanggang buto kaya halos sakalin ako ni Carter.
"Ikaw ang lalaban sa Team natin bilang Miss Intrams," sabi ni Gwen, na Auditor ng SSG.
Muse ako sa room at muse na rin sa SSG. Iba talaga ang ganda ko, pangkalahatan at pangkamatayan.
"Sinong escort ko?" tanong ko habang ginagawang coco crunch ang kuko ko.
"Naisip namin na si Pres," sagot ng secretary na si Melot.
Napatingin ako bigla kay Carter. Nakatingin din ito sa'kin. Nakataas ang isang kilay niya na parang ipinapahiwatig kung may problema ako.
"Ayokong sumali kapag siya ang partner," nakasimangot kong sabi. "Ikaw na lang Gwen, maganda ka naman at crush mo naman si Carter."
"Ayoko," mabilis na sagot ni Gwen. "Hindi ako sumasali sa mga ganiyan. At saka, baka makita ako ng girlfriend ko."
"Iba na lang partner ko," sabi ko bago lingunin si Rycher na Peace Officer. Naglalaro ito ng ML. "Si Rycher na lang."
"Ayoko!" mabilis na sabi nito. "Si Kuya Zaem na lang, bagay naman kayong dalawa. Naranasan niyo na rin namang maging partner sa sagala."
"Ako na lang!" sabad nang kapapasok lang na si Macy. Si Macy ang Treasurer ng SSG. "Bagay naman kami ni Zaem."
"Fine, ako na," sabi ko kaya nawala ang ngiti ni Macy.
Hindi ako papayag na magkaroon siya nang matagumpay na ngiti. Alam kong ginagawa niya ito para lang makaganti. Parang tanga siya, bakit gagamitin niya si Carter sa'kin para makaganti? As if namang magseselos ako. Ipalamon ko pa sa kaniya nang buo si Carter.
Nang matapos ang meeting sa SSG room ay bumalik na kami sa classroom namin.
"Wala nang klase," sabi ng Teacher namin. "You can go home."
Naghiyawan ang mga kaklase ko samantalang napasimangot na lang ako. Ayoko pang umuwi kasi uutusan lang ako nang uutusan ni Mame sa bahay.
"Gala tayo," aya ko kay Rycher. "Punta tayong SM."
"Ayoko doon, baka magkita kami ng ex ko," sagot nito. "Kaka-break lang namin kahapon."
"May pumatol sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Sumama ang tingin nito sa 'kin. "Anong tingin mo sa 'kin? Hindi kapatol patol, ha?"
"Hindi kami pwedeng gumala dahil nay pupuntahan kami," sabad ni Carter bago magbaba ng five hundred sa desk ko. "Kung gusto mong gumala, ayain mo si Slex. Ito na ang allowance mo kaya 'wag mo na akong guluhin."
Kinuha ko yung five hundred. "Thank you, Tatay."
Parang bruhang tumatawa akong lumabas ng classroom. Hindi ko na kailangang pumunta sa room ni Slex dahil nakita ko na agad itong pababa ng hagdan.
"SM tayo." Umangkla ako sa braso niya. "Tayong dalawa lang, mukhang may sariling alis yung apat."
"Mabuti pa nga para matanggal ang stress ko," sabi nito.
"Bakit? May nangyari ba?" tanong ko habang pababa kami ng hagdan.
Sumimangot ito. Ngumuso pa si gaga na akala mong cute. Gwapo siya pero mukha siyang taeng sabog kapag nakanguso siya.
"Girl, yung transferee sa 'min masyado akong trip!" sagot nito. "My gad! I already told her na hindi ako fan ng bilat kaso ayaw tumigil."
"Sisihin mo si Tita Madeline at Tito Karson dahil masyado nilang ginalingan kaya habulin ka ng babae," tugon ko.
Hindi na ito nagsalita at parang bilat na lamukot na sumimangot na lang ang kaniyang mukha.
Sumakay kami ng jeep papuntang SM. Nang makarating doon ay agad kaming pumasok sa loob SM. Hinila ko agad si Slex palapit sa nagtitinda ng waffle. Bumili ako ng dalawang order para sa aming dalawa.
"Ang konti ng tao, nakakatamad naman," sabi ni Slex. "Punta na lang tayo sa underground nila Zaem, mas maganda pa doon kahit maraming maaasim."
"Ayoko nang bumalik doon," sagot ko. "Hindi ko kayang makita yung mga nagbubugbugan."
"Ngayon lang ako nag aya kaya pagbigyan mo na ako," pamimilit nito. "Sige na, bilat."
"Oo na! Pero kasalanan mo kapag nagalit sila Carter, ah?" sabi ko sa kaniya.
Pagkatapos naming makuha yung wallet ay bumili muna kaming tubig bago tuluyang umalis sa SM. Sumakay kami ng taxi at nagpahatid doon sa Underground na pinupuntahan nila Carter.
"Naaamoy ko na ang mga abs!" malanding sabi ni Slex.
Nasa hagdan pa lang kami pababa ay dinig na dinig namin agad ang malakas na sigawan. Napayakap naman ako sa dala ko at mas napasiksik kay Slex.
"Bilat, yung suso mo naman!" sita sa 'kin ni Slex. "Feel na feel ko 'yang suso mo. Nang iinggit ka ba?"
"Damahin mo na lang," sagot ko.
Mas maraming tao ngayon sa underground kumpara noong pumunta kami ni Slex nung nakaraan.
Napasiksik ako lalo kay Slex nang may mga tumitingin sa gawi namin. Ang lalaki ng katawan nila, kapag sinuntok ako siguradong comatose ako ng isang taon.
"May membership ba kayong dalawa?" Napalingon kami sa likuran namin nang may nagsalita.
Napaatras kami ni Slex nang bumungad sa 'min ang isang kalbong malaki ang katawan at matangkad.
"Trespassers kayo?" tanong nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Pakiramdam ko rin ay maiiyak din ako.
"Masyado ka namang mahigpit sa bisita namin." Sumulpot ang isang matandang lalaki na puro ginto sa katawan. "Hayaan mo silang manood."
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi nito.
"Hayaan mo silang manood at maging papremyo nang mananalo ngayon," dagdag nito at ngumisi kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot.
"Kuhanin mo yung babae," utos ni Tandang Ginto.
Walang kahirap hirap na hinawakan ng bouncer ang kwelyo ko at inangat ako sa ere. Nabitawan ko ang mga hawak ko dahil sa takot.
"Hoy! Bitawan mo si Bilat!" Akmang susugurin ito ni Slex pero hindi natuloy nang palibutan siya ng mga kalalakihan. "Oh my gad! Bilat, help me! Joke, 'wag pala!"
"Tang ina mong malandi ka!" galit na sabi ko sa kaniya. Sinubukan kong sipain itong bouncer pero hindi man lang umaabot ang paa ko sa kaniya. "WAHH! TULONG! TULONG! TULONG! CARTER, TULONG!"
Alam kong malakas ang sigaw ko kaya napalingon sa 'min ang ibang tao.
"CARTER! CARTER! CARTER! PUTANG INA MO! CARTER, NASAAN KA BA!?"
"Kapag hindi mo binaba ang babaeng hawak mo, sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw sa labas..."
Napalingon ako sa nagsalita. Parang maiiyak ako nang makita si Carter na nasa ring, kasama yung tatlo.
Walang emosyon ang mukha nilang lahat at parang anumang oras ay papatay na, lalo na si Carter.
Walang damit si Carter kaya kitang kita ang tattoo nito sa dibdib at sa balikat. Pawis din siya kaya may mga tumutulo pa sa katawan niya.
Tang ina, ang sarap!
![](https://img.wattpad.com/cover/368260504-288-k92815.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...