Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty habang nakatingin kay Zaem na ngayon ay ginagamot ng kaniyang Mama. Si Tito Ezar naman ay busy sa cellphone niya dahil ka-text nito ang isang Doctor, papupuntahin niya ngayon sa bahay nila para matingnan si Zaem. Ayaw kasi ni Zaem magpadala sa hospital.
"Jusko naman kasing bata ka, hindi ka marunong mag-ingat!" sabi ni Tita Emery kay Zaem. "Tingnan mo, lamog na lamog ka."
"Mama, lalo mong nilalamog si Kuya," nakangusong sabi ni Zamiella-kapatid na babae ni Zaem.
"Mama, 'wag na pong awayin si Kuya," sabi naman ni Eze-bunsong kapatid ni Zaem.
"Tita, sorry po talaga," mahinang sabi ko. "Hindi po kasi namin inaasahang matatanggal yung duyan at mag-a-ala ibon si Zaem."
"Ayos lang po ako," sabi ni Zaem.
"Hindi ka okay," sabi ni Tita Emery. "Hubarin mo 'yang damit mo at nang mapunasan kita nang maayos."
Napatingin naman sa 'kin si Zaem. Siguradong magiging doble ang tama niya kapag nakita nila Tita Zaem ang tattoo na tinatago ni Zaem. Bago pa mahubad ni Tita Emery ang damit ng Anak ay dumating Doctor. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mas kinabahan ako kanina kaysa kay Zaem.
Sinabi ng Doctor na mas maiging sa kwarto dalhin si Zaem kaya tinulungan ito ni Tito Ezar maglakad. Sa guest room sa ibaba nila dinala si Zaem, nakasunod naman ako sa kanila.
"Mama, Papa, pwede pong sa labas na lang kayo habang ginagamot ako?" sabi ni Zaem. "Okay lang din naman po ako, eh."
Tumango naman agad ang parents ni Zaem.
"Kapag may problema, tawagin mo kami agad," sabi ni Tita Emery.
"Doc, ikaw nang bahala sa kaniya," sabi naman ni Tito Ezar.
Lumabas ang parents ni Zaem, susunod sana ako pero pinigilan ako nito at sinabihan na mag-stay lang sa tabi niya. Tumango na lang ako at naupo sa kama, sa tabi ni Zaem. Pinatanggal ng Doctor ang damit ni Zaem na agad naman nitong sinunod.
Sinimulan siyang suriin ng Doctor at muling ginamot ng Doctor ang sugat niyang nagamot na ni Tita Emery. Pinanonood ko lang ang Doctor sa ginagawa niya, ako pa yung ngumingiwi kapag alam kong nasasaktan si Zaem.
"Nalamog masyado ang katawan mo," sabi ni Doctor. "May fracture din ang kanang kamay mo kaya lalagyan kitang cast."
Tumango lang si Zaem.
Isang oras yata siyang ginagamot ng Doctor bago ito matapos. Kumuha ako ng bagong damit ni Zaem at mabilis na isinuot sa kaniya dahil bigla na lamang pumasok ang parents nito at makita ang kaniyang tattoo.
"Sinabi ko na kasi sa 'yong baka masira yung duyan pero makulit ka pa rin," sabi ko kay Zaem.
![](https://img.wattpad.com/cover/368260504-288-k92815.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...