CHAPTER 20

3K 111 9
                                    


    Wala naman daw bali sa katawan si Zaem o anumang problema na ikamamatay nito. Oo, sumama ako sa hospital dahil itong si Zaem ay papasok pa rin. Ayaw niyang um-absent dahil may biglaang announcement ng quiz. Pwede naman siyang humabol pero ayaw niya pa rin.


Maaga tuloy siyang nagpa-check up. Alas sais pa lang ay umalis na kami at nagpunta sa hospital kanina. Sakto lang din namang eight ang naging dating namin sa school kaya hindi kami na-late. Naunahan pa namin ang Teacher.


"Inaantok ka pa yata," kalabit sa 'kin ni Rycher.


"Wala kang paki," pagsusungit ko sa kaniya.


Masama pa rin ang loob ko sa kanila dahil hindi nila ako sinamahang gumala noong sabado. Mga busy kasi sa mga babae nila. Ayan tuloy, nalamog si Zaem.


"Sungit," bulong nito pero hindi ko na siya pinansin.


Nilingon ko si Zaem na tahimik lang. Hinawakan ko ang braso nito at napahinga ako nang malalim dahil mainit siya. Nalamog na nga, nilagnat pa.


"Kaya mo ba?" tanong ko sa kaniya.


"Yeah, I'm fine," sagot nito at bahagyang ngumiti.


'Wag kayong ma-issue at baka bunutin ko bulbol niyo. Ako ang may kasalanan kung bakit lamog si Zaem at kung bakit siya nilalagnat kaya normal lang na mag-alala ako.


"Sure ka?" paninigurado ko at tumango naman ito. "Kapag hindi mo na keri, tatawagan ko si Tita o 'di kaya ay dadalhin kita sa clinic."


"Don't mind me, just review," nakangiting sabi nito.


Tumango ako bago bumaling muli sa notebook ko. Napapansin ko ang tingin ni Rycher sa 'kin habang nakangisi kaya inis ko siyang siniko. Natawa lamang ito at napailing iling.


Pinilit kong makapag-review pero walang pumapasok sa isip ko. Nag-aalala pa rin kasi ako sa kalagayan nitong si Zaem.


"Class get ¼ sheet of paper," sabi agad ng Teacher namin na kapapasok lang. Kainis, Applied Economics pa ang subjects namin.


Diniscuss na ang mga tanong. Alam ko naman yung iba pero yung karamihan hindi na, kaya nangopya ako kay Rycher. Pinakopya naman ako ni ugok kahit nang-aasar pa.


Nang matapos ang quiz ay agad naming pinasa ang papel namin. Nagpasulat naman si Ma'am habang chine-check-an ang papel namin.


"Bakit close na kayo ni Kuya Zaem?" tanong ni Rycher. "May something ba kayo?"


"Anong something ang kinakana mo?" kunot noong tanong ko sa kaniya. "Ang issue mong pangit ka! Concern lang ako sa tao dahil kasalanan ko kung bakit siya lamog."


"At kailan ka pa naging mabuting tao?" nakangising tanong nito.


Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon