Nang makarating sa handaan ay dumiretso agad ako sa mga pagkain. Alam kong nakasunod sa 'kin si Zaem pero hindi ko siya pinapansin. Para kasing gago, eh, kung ano anong sinasabi.Pagkatapos kong kumuha ako ng pagkain ay dumiretso agad ako sa lamesa kung nasaan sila Mame.
"Nag-abot ba kayo ni Kuya Paxton mo sa bahay?" tanong ni Mame.
Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman tuloy kung anong nakita ko.
'Opo, may ka-laplapan pa nga, eh' Syempre, hindi ko pwedeng isagot 'yan. Ede nasapok ako ni Paxton Campbell.
"Opo," tugon ko na lang bago magsimulang kumain.
"Dami mong kumain, buntis ka ba?" Nabilaukan ako dahil sa sinabi ni Precious.
Inabot ko ang tubig at ininom iyon bago batukan ang kapatid ko.
"Anong buntis ang kinakana mo diyan? Hindi ba pwedeng timawa lang?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw, ang bata bata mo pa pero kung ano ano nang lumalabas sa bibig mo!"
"Sabi kay ni Mame, malaki na ako," sabi nito bago ako irapan. "Sabi niya nga palagi sa 'min ni Wyaxandra, malalaki na kayo, alam niyo na dapat ang tama at mali."
Kung wala lang pagkain sa harapan ko, baka nasampal ko na siya. Lintik na batang 'to, ang pilosopo.
"Isa pang ganiyang salita mo, sasampalin kita," banta ko sa kaniya.
"Mame, inaaway ako ni Ate," pagsumbong ni Precious kay Mame.
Hindi naman siya kinunsinti ni Mame kaya mayabang kong nginisihan ang kapatid ko. Umirap lang ito sa 'kin bago magpatuloy sa pagkain.
"Bilat!" Lumapit sa 'kin ang malanding bading. "Doon tayo sa pool area, puro matatanda lang ang pwede rito."
Bago pa ako makatanggi ay hinakot na nito ang pagkain ko. Wala naman akong nagawa kun 'di ang nakasimangot siyang sundan.
Nakarating kaming dalawa sa pool area. Nandoon sila Zaem, pati ang birthday girl ay nandoon.
"Happy Birthday, Joms," nakangiting bati ko sa pinsan ni Slex.
"Thank you," nakangiting tugon nito.
Inilapag ni Slex ang pagkain ko sa tabi ni Zaem, wala naman akong choice kun 'di ang maupo sa tabi ng gagong si Carter. Kapag humirit pa talaga 'to, lulunurin ko siya.
"Wala si Rycher?" tanong ni Jomuela.
"May pinuntahan," sagot ko bago magpatuloy sa pagkain.
Bahagya namang nalungkot ang mukha nito. May gusto kasi si Jomuela kay Rycher, puppy love lang naman. Ewan ko nga kung paano napaamo ni Rycher si Jomuela, eh, pambansang tombits kaya ito ng buong village.
"Te, maghanap ka na ng iba dahil may minamahal na si Rycher mo," sabi ni Slex sa pinsan. "Hindi ka na papatulan no'n."
Napasimangot naman si Jomuela, pero ilang sandali lang ay malawak itong ngumiti. Lumapit ito kay Zaem at umangkla sa braso nito.
"Si Zaem na lang," nakangiting sabi nito.
Bahagya namang tumikwas ang isang kilay ko, pero ibinaba ko rin. Eh, ano naman? Pakielam ko sa Zaem na 'yan.
"Masasaksak ka ng tinidor ni Parsia," sabi ni Slex sa pinsan niya.
"Anong sinasabi mo?" kunot noong tanong ko. "Wala akong pakielam kay Zaem, at never kong magugustuhan 'yan."
Umirap ako sa kaniya bago magpatuloy sa pagkain.
"Yun naman pala, eh," nakangiting sabi ni Jomuela. "So, Zaem, pwede ba?"
Wala sa sariling napatingin ako kay Zaem, nahuli ko namang nakatingin ito sa 'kin nang mataman. Hindi ito nagsasalita kaya napalunok na lang ako.
"Pass," sabi ni Zaem.
Para namang nag-cheer ang mga organs ko dahil sa narinig ko. Lecheng organs 'to, akala mo naman nanalo sa lotto.
"Choosy ka pa, ang ganda na ni Jomuela," sabi ko kay Zaem.
Tumikwas lang ang isang sulok ng labi nito. Napairap naman ako sa kaniya at binalingan na lang ang tingin ko sa kinakain ko.
"KJ niyo naman," reklamo ni Jomuela.
Maya maya lang ay may San Mig na lumapag sa tapat ko. Si Jomuela ang naglapag no'n. Mapapa-shot pa yata ito dahil sa sobrang paghihinagpis.
"Bawal akong uminom, sasampalin ako ni Mame," sabi ko kay Jomuela.
"Nagpaalam na ako kay Tita Penelope," sabi ni Jomuela. "Malapit lang naman daw ang mga bahay natin kaya game. At saka, tayo tayo lang naman daw."
Umiinom naman ako pero kaunti lang. Ayokong malasing, baka mamaya may gawin pa akong kahihiyan na ikasira ng buong buhay ko.
"Let's play," nakangiting sabi ni Jomuela. "Birthday ko naman kaya pagbigyan niyo na ako."
Wala naman kaming ginagawa kaya nag-sang-ayunan na ang lahat. Pinaikot ni Jomuela ang isang bote, kapag natapat sa 'yo ang nguso, tatanungin ka ng truth or dare. Kapag ang tumapat sa 'yo ay yung pwet ng bote, ikaw ang magtatanong.
"Okay, magtanong ka sa kakambal mo Slex," sabi ni Jomuela sa pinsan niya.
"Wala man lang thrill," maktol ni Slex. "So, ito na. Truth or dare?"
"Truth," sagot ni Nlex.
"Sino yung babaeng special girl para s 'yo?" tanong ko sa kaniya.
"TVL Student," sagot niya lang.
Mukhang kilala ko na, malakas kasi ang source ko.
"Kapag hindi sinagot ang tanong o ginawa yung dare, tutunggain ng straight yung isang bote, ah?" sabi ni Jomuela.
Mapapasubo pa yata ako dahil sa larong 'to.
Muling pinaikot ni Jomuela ang bote, tumapat ang nguso kay Cole at sa 'kin naman ang pwetan ng bote.
"Truth or dare?" tanong ko bago muling sumubo. Hindi pa ako tapos kumain, ang dami kasi nang nakuha ko.
"Truth," sagot niya.
"Sinong babae ang pinaka-importante sa 'yo ngayon?" tanong ko.
"Bukod sa mga babae sa pamilya ko at mga kaibigan ko. . ." Lumingon ito sa tabi niya, sa ghost friend niyang siya lang ang nakakakita. "This girl besides me."
Napuno nang katahimikan ang lahat, mukhang natakot yata sila. Well, hindi naman ako natakot kasi sanay na ako kay Cole. Mas natatakot pa nga ako kapag wala siyang nakikitang multo, eh.
"Okay," sabi ni Jomuela at pinaikot ang bottle.
Tumapat ang bote kay Zaem kaya napatingin ako dito, at ang magtatanong sa kaniya ay si Jomuela.
"Truth," sabi agad ni Zaem bago pa makapag-tanong si Jomuela.
"Name of the girl you like," sabi ni Jomuela.
Naghintay kaming lahat sa sagot nito pero hindi ito sumagot. Akala namin ay iinom na lang ito pero biglang dumako ang tingin nito sa 'kin.
Wala sa sariling napalunok ako at pasimpleng napahawak sa dibdib kong malakas ang kabog.
"Her name?" Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Parsia Wyatt Campbell. . ."
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napasinghap na lamang ako, habang yung mga kasama namin ay nagkakantiyawan na.
"I like you. . . And I'm serious about it," dagdag pa nito.
AY PUTANG INA!

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...