Badtrip na Carter--Zaem, 'to. Alam niya talaga kung paano kuhanin ang kiliti ko. Ang lakas mang-landi, ang sarap niya tuloy kurutin sa esophagus.
"You're blushing," pansin nito sa mukha ko.
Nandito pa rin kami sa samgy-han. Katatapos lang naming kumaing dalawa at nagpapahinga kami dahil pareho kaming busog.
"Malamang, nag-blush on ako!" Inirapan ko siya para hindi niya mahalatang effective ang mga banat niya.
Totoo namang nag-ba-blush ako dahil sa kalandian niya. Ayoko lang aminin dahil baka isipin niyang crush ko siya. Feelingero pa naman si Zaem.
"Okay, sabi mo, eh.." Nagkibit balikat ito habang may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.
"Sige, mang-asar ka pa at ingungudngod ko talaga ang mukha mo rito sa lutuan ng karne!" Binigyan ko siya ng matalim na tingin, yung tipong tatagos hanggang sa kaluluwa niya.
Maya maya lamang ay nilapitan kami ng stocks dahil tapos na ang oras namin. Nauna akong lumabas habang si Zaem ay nagbabayad pa sa loob.
Habang naghihintay sa labas ay dumako ang tingin ko sa parking ng samgy restaurant. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kuya Paxton, kasama ang isang maganda babae. Nataranta ako dahil bawal niya akong makita na kasama si Zaem at baka kung anong isipin niya.
"Let's go-" Mabilis kong hinila si Zaem, patago sa isang malaking halaman.
Magsasalita sana ito kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nilingon ko si Kuya Paxton at yung babae. Bumilog ang mga mata at bibig ko nang makitang may baby bump yung babae. Shit! Nakabuntis ba siya?
"Wag kang magpadala diyan sa iniisip mo," sabi ni Zaem. "Malay mo, kaibigan niya lang yung babae."
"Baka nga," sagot ko lang.
Hinila ko na paalis doon si Zaem dahil baka mahuli pa kaming dalawa. Mamaya isumbong pa ako ni Kuya Paxton, na nakikipag-date kay Zaem. Oa pa naman yung Tatay ko.
"Saan tayo next pupunta?" tanong ni Zaem habang inaatras ang kotse.
"Uwi na," sagot ko lang. "Pero bago yun, daan tayo sa ice cream shop. Gusto ko kasing kumain ng ice cream habang nagduduyan sa park."
Tumango naman ito. Naghanap kaming dalawa ng ice cream shop at agad naman kaming nakakita. Bumaba kaming dalawa ni Zaem at pumasok sa loob.
"Anong gusto mo?" tanong ni Zaem habang nakapila kami.
Tumingin ako sa menu. "Cookies and cream with chocolate overload, yung pinaka-malaki."
Tumango naman ito. Kumuha ako nang pambayad at inabot sa kaniya pero nangunot noo lamang ito.
"No, I'll pay," sabi nito bago kuhanin ang kaniyang wallet. "Sinabi ko na sa 'yo, I won't let woman to pay for my bills, especially when I'm the one who asked her out."
Wow, pero kapag doon sa deal namin sobrang kuripot niya. May saltik na naman siguro 'to, o 'di kaya ay may sanib na naman.
"Edi, thank you," sabi ko na lang bago itabi yung pera ko.
Pagkatapos naming bumili ay lumabas na kami at bumalik sa kotse. Dahil nagmamaneho si Zaem, hinawakan ko muna iyon at baka matapon pa. Inihinto ako ni Zaem sa park, ibabalik niya lang daw ang kotse sa kanila at pupuntahan niya ako pagkatapos.
Pumwesto ako sa isang swing na malilim ang pwesto. Hawak ko pa rin ang ice cream ni Carter kaya dinidilaan ko na lang ang ibabaw ng ice cream ko.
"Matagal ba ako?" Nagulat ako kay Zaem na nakabalik agad.
Hingal na hingal ito at may pawis pa. Masyado naman itong nagmamadaling makasama ako.
"Ang bilis mo nga, eh," sagot ko.
Kinuha nito ang ice cream niya sa 'kin bago maupo sa katabi kong swing. Napangiti naman ako dahil sa wakas ay makakain ko na rin nang maayos ang ice cream ko. Pagod na dila ko kakadila.
"Patikim ako," sabi ni Zaem kaya napalingon ako sa kaniya. "Mukhang masarap 'yan."
"Ayoko, dinilaan ko na ito, eh." Mamaya laway concious pa siya tapos kasalanan ko pa kung magsuka siya.
Ngumisi lang ito bago mabilis na nag-scoop sa ice cream ko at isubo 'yon. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa nito pero si gago ay nakangisi lang. Tumatango tango pa ito na parang sobrang satisfying sa ginawa niya.
"Gago ka talaga!" Tinapakan ko siya sa paa. Wala akong pakielam kung madumihan ko ang crocs niyang mamahalin
"What? Noong bata nga tayo, iisang kutsara lang ang ginagamit natin sa pagkain, eh," patay malisyang sabi nito.
Napasimangot lang ako bago pagtuonan ng pansin ang ice cream ko. Nakalayo na iyon sa kaniya dahil baka kumuha na naman siya. Pagkatapos kong ubusin 'yon ay tumayo ako at itinapon 'yon sa basurahan. Mabait kasi akong tao kaya dapat itapon ang basura sa tamang lagayan.
"Here, water." Iniabot sa 'kin ni Carter ang isang bottled water nang makabalik ako sa duyan.
Kinuha ko naman iyon at agad ininom. Hindi ko napansin na may dala pala siyang tubig.
"Buti, hindi nakikita ng Mama mo yung tattoo mo?" curious kong tanong.
"Tinatakpan ko ng concealer," sagot nito. "Hindi naman gaanong natatakpan pero okay naman kasi palagi akong naka-tshirt."
"Paano kapag nakita 'yan ni Tito Ezar?" tanong ko.
Natawa ito. "It's either kakaskasin niya 'to hanggang magsugat o susuntukin niya ako. Ten percent lang ang chance na hindi siya magagalit."
Napangiwi naman ako at napatango. Na-i-imagine ko pa lang ang galit na mukha ni Tito Ezar, kinikilabutan na agad ako.
Dahil wala na akong maitanong, naisipan ko na lang iduyan si Zaem. Hindi naman ito nagreklamo at mukhang natutuwa pa. Gawain naming dalawa dati na iduyan ang isa't isa. Tumalsik nga ako noong bata ako kaya bumaluktot ang buto ko sa braso at na-hospital ako,
Iyak naman nang iyak si Zaem dahil akala niya raw ay napatay niya ako. Hindi ko tuloy maiwasang matawa nang maalala ang araw na 'yon.
"Lakasan mo pa," sabi ni Zaem na enjoy na enjoy. "Yung pinakamalakas."
"Lumalangitngit yung bakal, baka kapag nilakasan ko, matanggal tapos tumalsik ka." Sabi ko.
"Hindi 'yan, matibay 'to," sagot nito.
Napangiti naman ako bago pumwesto sa kaniyang likuran. Malakas ko siyang tinutulak habang siya ay parang batang enjoy na enjoy. Sa ikalimang malakas na tulak ko ay bigla na lamang napatid ang bakal dahilan para tumalsik si Zaem.
Natulala na lamang ako nang bumagsak ito sa lupa nang pasubsob. Hindi ko rin alam kung lalapitan ko ba siya para tulungan o tatawanan ko siya.
"Makulit ka kasi, eh!" Sa huli, nilapitan ko siya.
Nataranta ako nang makitang dumudugo ang ilong nito at may gasgas nang malaki ang pisngi nito. May gasgas din siya sa magkabilang braso, alam kong masakit din ang katawan niya ngayon.
"I'm fine," sabi nito at pilit na ngumiti. "Don't worry, I can handle this."
Parang gusto kong umiyak dahil sa itsura niya pero namalayan ko na lang na malakas akong tumatawa. Tang ina, mukha siyang batang yagit ngayon!

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...