Ito na ang pagsisimula nang pagiging dalagang bukid ko, dahil may manliligaw na ako. Gwapong manliligaw na dati ay kabangayan ko lang at kagalit. Akala ko pang-fairytale lang itong 'the more you hate, the more you love' stories."Hinihintay ka na sa sala nang manliligaw mo," nakangising sabi ni Mame na kapapasok lamang ng kwarto ko. "Inalok ko na ring dito mag-almusal, nakakahiya namang paghintayin ko siya sa labas."
"Bababa na po ako," sagot ko lang. Tumayo ako at dinampot yung bag ko.
"Sus, dalagang dalaga na talaga ang manliligaw ko," nakangising sabi ni Mame bago ako lapitan. Umangkla ito sa braso ko. "Parang noon lang, naglalaro ka lang ng lupa at nagmamaldita, tapos may manliligaw ka na agad."
"Mame, ibig sabihin lang no'n, tumatanda ka na talaga," pagbibiro ko sa kaniya. "Hayaan mo po, sasabihan ko si Dade na ligawan ka rin."
Natawa lang si Mame. "Sige na, bumaba na tayo at nang makakain."
Bumaba kami ni Mame. Nakita ko agad si Zaem na nakaupo sa sofa, kaharap ang Dade at Kuya ko. As usual, bantay sarado na naman siya sa dalawang magkamukha.
"Parsia, good morning," nakangiting bati ni Zaem nang makita ako.
Tumayo ito at lumapit sa 'kin, inabot niya ang bulaklak na dala niya. First time kong makataggap nang bulaklak galing sa manliligaw, ang saya pala sa feelings.
"Thank you," nakangiting sabi ko. "Hindi ka na dapat nag-abala ng bulaklak, hindi naman ako patay."
"Pero patay na patay ako sa 'yo," out of nowhere na banat nito. Medyo napangiwi na lamang ako dahil ang corny niya. One hundred percent sure ako na yung nagturo sa kaniya ng pick up line ay yung pinsan niyang kulugo. Malabo naman kasi na si Zaem ang nag-isip no'n.
"Cringe," komento ni Kuya Paxton.
"Manang mana ka sa Tatay mo na, hindi marunong bumanat," iiling iling na sabi naman ni Dade.
Hindi ko na nga pinansin ang banat ni Zaem, pinansin naman nila.
"Huwag mo silang pansinin," sabi ko kay Zaem, bago ibaba yung bulaklak sa sofa. "Ayos naman ang banat mo, 'wag mo na lang uulitin."
Natawa lamang ito.
Inaya na kami ni Mame sa hapag dahil baka raw mahuli kami sa klase. Lunes pa naman at may flag ceremony, tapos SSG pa ang manghaharang ng late, which is kabilang kami ni Zaem.
"Ang sarap po ng luto niyo, Tita," nakangiting sabi ni Zaem kay Mame.
"Kaya nga patay na patay ang Tito Wyatt mo," sagot ni Mame.
Tumango lang si Dade bilang pagsang-ayon.
"Kuya Zaem, kapag ayaw mo nang ligawan si Ate, ako na lang," sabad ni Wyaxandra at malawak na ngumiti. "Mas maganda naman ako sa kaniya at mas mabango ang kili kili ko."
"Manahimik ka," sita ko sa kaniya.
Hindi ko pa nga nananamnam ang feeling nang nililigawan, gusto agad patigilin.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagpaalam. May kung ano pang binulong si Kuya Paxton kay Zaem, seryoso lang na tumango si Zaem.
"Anong sinabi ni Kuya Paxton?" tanong ko kay Zaem.
Umiling lamang ito at kinuha ang dala kong bag at folder. Shoulder bag ang dala kong bag dahil wala na naman kaming gagawin.

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...