Hindi lang pala kami ang tao sa gym, dahil yung ibang section ay P.E time rin. Section nila Slex.
"Mrs. Carter." Inakbayan ako ni Rycher. "Tingnan mo, oh. Grabe yung glare ng mga fans ni Kuya Ezar, sa'yo."
Lumingon ako sa paligid at grabe nga ang sama ng loob ng ibang kababaihan. Pakielam ko naman sa kanila? As if namang aagawin ko sa kanila si gago. Paguntug-untugin ko pa sila.
No choice lang naman kasi ako, eh. Ayokong maglinis. Sa bahay nga tamad ako, eh.
"Bakla!" Tumakbo palapit sa'kin si Slex. Kasunod nito ang kakambal niya at si Cole na weirdo.
"Palit nga tayong damit," mahinang bulong ko sa kaniya. "Feeling ko bubulagta na lang ako rito mamaya."
"Bakit?" Kumunot ang noo nito bago tingnan ang damit ko. "Teka, hindi mo damit ang suot mo. Look, ang laki laki sa'yo."
"Kay gago ito," tugon ko. "Hindi ko dala ang P.E uniform ko kaya pinahiram niya ako."
Sinilip nito ang nakasulat na apelyido sa likod ng aking damit. Maya maya lamang ay ngumisi ito.
"Mrs. Carter!" Tili nito. Narinig sa buong gymnasium ang kaniyang tili kaya sinipa ko siya sa binti dahil sa sobrang inis.
"We will start now." Pumito ang Teacher namin. "Attention class. Yung mga ibang section, umalis muna."
Nakangising sinabunutan ako ni Slex bago maglakad palayo. Nakasimangot naman akong pumila. Badtrip lang dahil katabi ko si gago. Magkasunod lang kasi kami sa attendance.
Basketball daw ang P.E namin ngayon. Nag-stretching muna kami bago magsimula. Half court lang ang mangyayari. Sa kabilang ring ang mga lalaki, kami namang mga babae ay sa kabilang ring. Bahala na raw kami sa buhay namin kung anong paglalaro ang gagawin namin, basta raw ay kailangan nakikita niya kaming gumalaw.
Kahit wala ako sa mood makipag socialize sa mga kaklase kong backstabber at plastic, ginawa ko na lang para sa grades ko.
"Shoot!" Napangisi ako nang makapag shoot ako ng three points.
Nagsigawan naman yung iba kong kaklase at nagpalakpakan. Hindi niyo kaya yun kasi mga mahihinang nilalang kayo.
Mag-shoo-shoot pa sana ulit ako, kaya lang natigilan ako nang tamaan ako ng bola sa gilid ng ulo. Tumamba ako sa lapag at pakiramdam ko ay nakita ko saglit si San Pedro.
Napailing iling ako bago tumayo. Sinamaan ko ng tingin kung saang direksiyon galing yung bolang tumama sa'kin.
"Oops, sorry." Nakangising sabi ni Macy. Kaklase ito nila Slex. Ito yung babaeng mainit ang dugo sa'kin.
"Tatanga tanga kasi!" Inis kong sabi bago siya irapan.
"What did you say!?" Inis na tanong nito.
"Ang sabi ko, tanga ka," sagot ko. "Tanga na, bungol pa."
Kinuha ko muli yung bola at muling nag shoot. Gusto kong gumanti kaso kailangan ko munang pigilan ang sarili ko. Kapag nalaman nila Mame na nakipag away ako, baka kuhanan ako ng gadget. Wala na ngang baon, wala pang gadget.
Grabe rin kasi ako gumanti kaya ako ang magiging mukhang masama kapag nakarating kami ng guidance.
Muli akong natumba nang may tumamang bola ulit sa'kin. This time, sa mukha ko na. As in, pumakat yung bola sa mukha ko. Lips to lips kami ng bola. Dinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko.
Putang ina!
Nakapikit ang mga mata ko dahil ibang hilo ng naramdaman ko. Nang makapag-adjust ako ay dumilat ako. Bumungad sa'kin ang mukha ng ibang kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...