CHAPTER 27

2K 77 16
                                    

   Sabado ngayon pero para pa ring may pasok dahil ang buong klase namin ay magkikita-kita para sa isang dance practice. Ga-graduate ka na lang, pasasayawin ka pa. Buti na lang talaga hindi na nagpa-defense sa research namin at tapos na.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Paxton nang makababa ako ng hagdan.

Prente itong nakaupo sa sofa habang nakatingin sa 'kin. Pambahay ang suot nito kaya sigurado akong hindi ito papasok ng opisina.

"May practice kami diyan sa court ng village," sagot ko. "Final performance namin sa P.E bago kami gumraduate."

"Nandoon si Zaem?" tanong nito.

"Malamang, kaklase ko siya," sagot ko. "Isa pa, president siya ng classroom at siya ang leader namin."

"I'll come with you," sabi nito bago tumayo.

"Kuya, hindi na ako bata para bantayan!" inis kong sabi. "Wala naman akong gagawing kalokohan!"

"Paano kung si Zaem, meron?" tanong nito.

Ang oa naman nito. Kapag ako nainis, sasabihin ko talaga kila Mame na, nagdala siya ng babae rito. For sure, hindi lang laplapan ang naganap sa kanila ng babae.

"Bakit nasama si Zaem?" sabad ni Mame. "Matinong bata si Zaem kaya siguradong itong kapatid mo ang gagawa nang kalokohan."

"Hindi niyo ba alam? Dinidiskartehan ni Zaem si Parsia," sabi ni Kuya Paxton.

"What!?" Napatayo si Dade. "Sasama rin ako kung gano'n."

"Mame, oh!" inis kong sabi bago maupo sa tabi niya.

"Tumigil nga kayong dalawa," sita ni Mame sa dalawang oa. "Ano naman kung dumidiskarte si Zaem kay Maldita? Mabait naman si Zaem, ah? At saka, nasa tamang edad na naman si Parsia. Alam niya rin ang tama at mali kaya magtiwala kayo sa kaniya."

"Mom, kay Zaem ako walang tiwala," sabi ni Paxton.

"Matinong bata si Zaem," sabi ni Mame bago siya samaan ng tingin. "Wag mo siyang igaya sa 'yo na nag-uuwi ng babae sa bahay kapag wala kami!"

Nanlaki ang mga mata ni Kuya Paxton. Tumingin ito sa 'kin kaya mabilis akong umiling.

"Nagulat ka, 'no? Nakita ko lang naman yung babae na paalis ng bahay," sabi pa ni Mame. "Manang mana ka sa Tatay mo."

"Hey, hindi ako nag-uuwi ng babae," angil ni Dade.

Hindi ito pinansin ni Mame at binalingan lang ako ng tingin. "Lumakad ka na."

Nakangiting tumango naman ako bago tumayo. Walang sumunod sa 'kin hanggang sa makalabas ako dahil takot sila kay Mame.

"Hey..." Bahagya akong nagulat dahil si Zaem ang bumungad sa 'kin nang makalabas ako sa gate. Kasama niya si Rycher.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko.

"Sabi ni Kuya Zaem, sabay sabay na raw tayo," sagot ni Rycher.

Tumingin ako kay Zaem. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pasa sa gilid ng labi nito.

"Sinuntok ka ni Kuya Paxton, kagabi?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

"It's nothing," sagot lang nito bago tipid na ngumiti. "Let's go? Nandoon na raw ang iba sa court."

Tumango na lang ako dahil mukhang ayaw niyang sabihin ang totoo. Naglakad kaming tatlo patungong court. Malawak kasi ang court dito sa village kaya napagpasyahan naming doon na lang kami. Private village 'to at hindi basta basta nakakapasok kaya nagbilin na lang kami sa guard at hingan na lang ng ID ang mga kaklase namin.

Nang makarating sa court ay medyo marami na ang mga classmates namin.

"Teka lang, ah?" paalam ni Rycher bago lapitan ang isang babaeng nakaupo.

Ang haponesa ni Rycher.

"Magsimula na tayo?" tanong ni Zaem kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ikaw bahala," sagot ko lang.

Ewan, bigla yata akong magiging soft girl kay Zaem. Ang hirap murahin nang tao kapag umamin sa 'yo.

Nagsimula na nga kami. Ang nagturo sa 'min ng sayaw ay yung dalawa naming kaklase na dancer talaga. Hindi kami matapos-tapos sa bawat isang step dahil ang aarte ng mga kaklase namin. Kaunting mali, tatawa at magliliwaliw.

"Umayos nga kayo!" inis kong sabi. "Kaunting mali, magliliwaliw na kayo! Kaunting mali, mga maglalanturan na. Kapag hinampas ko kayo talaga."

"Huy, kumalma ka," tumatawang sabi ni Rycher bago ako akbayan.

Tinanggal naman ni Zaem ang pagkakaakbay nito sa 'kin.

"Umayos kayo," sabi ni Zaem sa mga 'to. "Okay, from the start."

Nagsimula ulit kami at mabuti na lang wala nang naglanturan. Peste kasing sayaw 'to, hindi naman magagamit kapag nagtinda ako ng fishball.

Unti unti ay nakukuha na namin ang step kaya nag-water break muna kami. Yun nga lang, wala akong water.

"Here. . ." Napalingon ako kay Zaem nang abutan ako nito ng bottled water.

"Thank you," nakangiting sabi ko bago kuhanin iyon at inumin.

Tumabi ito sa 'kin at hindi ko naman siya nilayuan. Nawala na naman kasi ang pressure sa 'kin dahil umamin siya kaya okay na sa 'kin.

"Sinuntok ka nga ni Kuya Paxton kagabi?" Tanong ko bago siya lingunin.

"Hmm." Itinango niya ang kaniyang ulo. "Kahit sino naman ay gagawin 'yon."

"Buti nga hindi ka natuluyan, eh," natatawang sabi ko.

Natawa lang din ito dahil sa sinabi ko.

Napahinto kaming dalawa dahil may mga nagsidatingan sa court. Ang mga taga-ibang strand. Dito rin pala sila? Ano 'to? Agawan ng music?

"Bilat!" Tumakbo palapit sa 'kin si Slex. "Dito rin pala kayo?"

"Nauna kami sa inyo kaya kami ang masusunod rito," sabi ko sa kaniya.

"Wag kang selfish! Nakuha mo na si Zaem, pati itong court kukuhanin mo," sabi niya bago ako irapan.

Mahina ko naman siyang sinabunutan. Nasa tabi lang namin si Zaem tapos yung bunganga niya, ang lakas lakas.

"Mag-practice ka na doon," taboy ko sa kaniya.

Ngumisi muna ito sa 'min ni Zaem bago siya bumalik sa mga kasamahan niya.

Ang strand namin ay saglit pang nagpahinga bago kami bumalik sa practice. Gamayan na lang kami sa music para walang sapawan na maganap.

"KYAHH!" Nagulat ako nang bigla na lang nagtilian ang karamihan sa mga babae.

"Ang gwapo!"

"Mala-fifty shades of grey!"

"Te, ang sarap!"

Napatingin ako sa mga tinitingnan ng mga kababaihan. At napasimangot na lamang ako nang makita ang Tatay namin sa entrance ng court. Nandoon din si Kuya Paxton at ang iba pa naming mga kapatid.

"Dade!" Ako.

"Pa!" Si Zaem.

"Papu!" Sila Nlex at Slex.

"Tatay!" Si Rycher.

"Papa!" Si Cole

Kumaway lamang ang mga ito kaya sabay sabay na lang kaming napahampas sa noo namin.

Sana patulugin sila sa sala ng mga asawa nila!

____________

If want niyo po ng advance update. You can join to my VIP Group. Mas advance po ang update doon kaysa sa wattpad.

Hindi po ito sapilitan, ah? If want niyo lang po.

Message me here:

KwinDimown WP
Gelan Ferrer

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon