CHAPTER 31

5.1K 113 18
                                        

          Ang saya saya ng buhay ko pero nang i-announce na two weeks from now ay last quarter exam na namin, bigla akong nanlumo. Hindi ko tuloy alam kung anong uunahin ko, exam ba o yung practice namin sa P.E.

After exam, pahinga raw one week, tapos kuhanan ng card. Pagkatapos no'n, practice for graduation at sasabihin na rin ang mga may awards. Syempre, hindi ako kasali sa may awards, bobo ako, eh.

"Bukas ay practice natin, same time," sabi ni Zaem sa aming lahat. "Half day lang ang practice natin dahil need pa nating mag-review, okay?"

"Saan location, Pres?" tanong ni Jasmin.

"Doon na lang ulit sa village," sagot ni Zaem.

Napataas ako ng isang kilay dahil kinilig ang mga kababaihan sa room. Parang sinisilihan ang mga kipay.

"Don't worry, hindi na ulit manggugulo ang parents namin," sabi pa ni Zaem.

Bigla namang nanlumo ang mga ito. Ayon, mga Tatay namin ang habol nila.

"Okay, dismissed na," sabi ni Zaem, dahilan para magkulasan ang mga kaklase namin na parang mga bibe.

"Uuwi rin sa wakas," sabi ko bago mag-inat.

"Are you tired?" tanong ni Zaem.

Umiling naman ako at nag-thumbs up lang.

"Are you tired? Lalantod niyo!" Napalingon kami kay Rycher.

"Manahimik ka panda!" singhal ko sa kaniya.

May black-eye si Rycher sa isang mata dahil nasapak siya ng Papa ni Mayumi. Pa 'no, nahuling nag-aakyat veranda, ayun, muntik pang makulong. Mabuti talaga at nadaan sa usapan.

Nasuntok din siya ni Tito Archer kaya putok ang labi niya. Hanggang ngayon, hindi nagpapansinan ang mag-ama. Grabe naman kasi maulol sa babaeng itong si Rycher.

"Hindi kasi kayang gawin ni Kuya Zaem, ang ginawa ko," nakangising sabi nito. "Hindi mo kasi deserve."

"Yeah, kaya ko naman kasing harapin ang parents niya," sagot dito ni Zaem.

Nawala ang ngisi ni Rycher. Inis nitong dinampot ang bag niya at padabog na naglakad palabas. Muntik pang masubsob ang gago kaya natawa ako.

"May saltik yata ang pinsan mo," sabi ko kay Zaem, bago mapailing.

"Yeah," natatawang sabi nito.

Dinampot nito ang bag ko at naglakad palabas ng room. Pigil ang ngiting sinundan ko naman si Zaem.

"Ako nang magdadala ng bag ko, kaya ko naman," sabi ko sa kaniya.

"I can handle it," tugon lang nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lamang.

Nakarating kami sa gate ni Zaem at nandoon na yung iba na, naghihintay sa 'min.

"Taray, may taga-buhat ng bag," sabi ni Slex. "Hindi ko na ma-reach ang bilat mo, ah?"

"Inggit ka lang, eh," sagot ko bago siya hilahin. "Tara na nga, excited na akong umuwi para mabaliw sa mga reviewer ko."

Nauuna kaming maglakad ni bading, yun apat naman ay nasa likuran namin.

"Ano na bang tingin mo kay Zaem?" Tanong ni Slex.

"Tao," sagot ko.

Nanggigigil naman nitong hinila ang buhok ko.

"Tanga mo kausap!" inis na sabi nito. "Ang ibig kong sabihin, ano na ba ang lagay ni Zaem, sa 'yo? Crush mo na ba siya? May pag-asa ba siya? Gano'n!"

"Ewan," sagot ko. "Hindi na ako naiinis sa kaniya. Masaya ako kapag tinatrato niya akong prinsesa. Ano sa tingin mo? Wala kasi akong alam sa love love na 'yan, puro sama ng loob ang alam ko."

"Confirmed!" Pumalakpak ito. "Te, gusto mo na si Zaem. One hundred percent sure ako, tataya ko ang iniipon kong pampagawa ng pukelya."

"Magpapagawa ka pa ng pukelya? Kumakain ka na kaya no'n," sabi ko sa kaniya.

"Huwag mong ibahin ang usapan," masungit na sabi nito bago umirap. "So, kung gusto mo na si Zaem, bakit hindi ka pa magpaligaw? O baka pinapaasa mo lang yung tao? Sinasabi ko sa 'yo, gagapangin ko talaga si Zaem."

"Ang ingay ng bunganga mo!" sita ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya, okay? Hindi rin naman siya nagtatanong kung pwedeng manligaw. Isa pa, alam mo naman ang ka-oa-an ng pamilya ko."

"Ang hina niyong dumiskarteng dalawa," naiiling na sabi nito.

"Eh, ikaw? Ano na ba status niyo nung babaeng type mo?" tanong ko sa kaniya. "Huwag mong itanggi, alam kong may kababalaghan kang ginagawa."

"Mind your own business," supladong sabi nito at basta na lang tumakbo.

Mind your own business daw pero pinakikielaman buhay ko.

Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay inabot na sa 'kin ni Zaem ang bag ko.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Send ko mamaya yung reviewer ko," nakangiting sabi nito. "Kapag may hindi ka rin ma-gets na lesson, magsabi ka lang sa 'kin. Or if you want, let's study together."

"Sabihan na lang kita mamaya," nakangiting sabi ko. "Thank you ulit."

Tumango lang ito.

Pumasok na ako sa loob ng gate namin. Mukha agad ni Dade at Kuya Paxton ng sumalubong sa 'kin.

"Kuya Paxton, sumusobra na ang bakasyon mo rito," sabi ko sa kaniya.

"Sinong naghatid sa 'yo?" Sa halip ay tanong nito.

"Si Santa Claus," sagot ko lang bago sila lagpasan.

Patakbo pa talaga ang ginawa ko para hindi nila ako maabutan dahil siguradong marami silang dada. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko doon si Mame at yung dalawa ko pang kapatid na, kumakain ng cupcake.

"Kain ka muna maldita," sabi ni Mame.

Kumuha naman ako ng cupcake at nagsimulang kumain.

"Mame, what if magpaligaw ako kay Zaem?" wala sa sariling tanong ko.

"Hell no!" Napalingon kami kay Dade at Kuya Paxton, parehong salubong ang kilay nila.

"Bakit ba? Mabait naman si Zaem," sagot ko. "Iparanas niyo naman sa 'kin ang magkaroon ng highschool sweetheart!"

"Paano kung saktan ka niya?" salubong ang kilay na tanong ni Kuya Paxton.

"Paano mo naman nasabi? Masyado kayong judgemental na mag-ama. Niligawan na ba kayo ni Zaem at jinowa?" tanong sa kanila ni Mame. "Wyatt, Paxton, ang laki laki na ni Parsia kaya pabayaan niyo na siya. Isa pa, sa tingin niyo ba, magpapa-api 'yang si Parsia, huh?"

"Penelope, I'm just worried to her," maamong sabi ni Dade.

"Dade, kay Kuya Zaem ka po mag-worried," sabi ni Precious. "Mas lugi kaya si Kuya Zaem, kung sakali."

"Ikaw ang malulugi kapag sinampal kita," banta ko sa kaniya.

Dumila lang ito at umirap.

"Magtiwala lang kayo sa 'kin, pangakong magiging okay ako," sabi ko lang bago lumabas ng kusina.

Kaunti na lang talaga, makikipag-tanan na ako.

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon