CHAPTER 30

4.3K 119 15
                                        

         Ang sabi, second Teacher lang namin ang wala, yun pala lahat ng Teacher. Ang ending, wala pala kaming pasok, late announcement sila.

Ayaw naming umuwi kaya nag-SM na lang kami, maaga pa kaya mamaya pa kami pupunta ni Zaem doon sa samgyup restaurant.

"Hindi na pala ako sasama," sabi ni Slex. "May pupuntahan lang ako saglit, babush!"

Hindi na kami nito hinintay sumagot dahil mabilis itong umalis. Saan naman kaya pupunta ang bading na 'yon?

"Oh, I have to go too," sabi naman ni Cole.

Nagpamulsa ito bago maglakad palayo. Sure akong makikipag-date 'to sa multo.

"Ano? Aalis rin kayo?" Baling ko kay Nlex at Rycher.

"Puntahan ko si Shie," sabi ni Nlex. "Ingat kayong dalawa."

Kumindat ito bago maglakad patungo kung nasaan ang food court.

"Sama ako sa inyo," sabi ni Rycher. "Mamayang gabi ako magpakita kay Astrel, kaya third wheel muna ako sa inyong dalawa."

"We don't need you," masungit na sabi ni Zaem sa pinsan. "You can go now, Rycher."

"Sakit mo sa heart, ah?" Napasimangot si Rycher. "Ako itong number one bestfriend at pinsan mo, tapos ipagpapalit mo ako kay Parsia? Hindi ako papayag, Kuya Zaem. You're mine!"

Napangiwi na lang ako dahil sa isinambit ni Rycher. Kadiri ang tarantado.

"Laro na lang tayo sa arcade," aya ko sa dalawa.

Nauna akong maglakad at ramdam ko namang nakasunod sila. Gusto ko sanang mag-videoke, kaso umalis na si Slex, kaya sa susunod na lang.

Bumili ako ng fifty pesos na token at nagsimulang maglaro. Claw machine ang target ko kahit na palagi akong malas.

Nakaka-limang token na ako pero ayaw pa ring mahulog ng manika. Bago ko pa masuntok yung claw machine, umalis na ako doon at lumipat na lang sa candy claw machine.

Nang maubos ang token ko, naupo na lang ako sa isang gilid at nginata yung mga candy na nakuha ko. Hindi ko alam kung saan nagpunta yung mag-pinsang bugok. Bigla na lang silang nawala.

Maya maya lang ay natanaw ko si Rycher, na tawa nang tawa, kasunod niya si Zaem na may dalang basket na puro stuffed toys galing claw machine.

"Nakuha mo lahat 'yan?" manghang tanong ko kay Zaem.

"Yes," proud na sagot nito bago iabot sa 'kin ang basket. "Para sa 'yo lahat 'to."

"Sa 'kin?" Itinuro ko pa ang sarili ko para manigurado.

"Yes," nakangiting sagot nito.

Okay, kinilig naman ako ng mga ten percent.

"Salamat," pigil ang ngiting tugon ko.

"Dapat talagang magpasalamat ka diyan," tumatawa pa ring sabi ni Rycher. "Ilang beses niyang inaya nang suntukan yung claw machine bago niya makuha ang mga stuffed toys na 'yan."

"No one cares about you, Rycher," masungit na sabi ni Zaem sa pinsan.

Natawa na lang din ako. Halatang badtrip na badtrip na si Zaem sa pinsan niyang kurikong.

"Alis na nga ako," natatawang sabi ni Rycher. "Ingat kayong dalawa, ah? Bye bye."

Nakangiting kumaway sa 'min si Rycher bago maglakad palayo. Napatingin naman ako kay Zaem at mukha namang gumanda ang mood nito nang mawala ang pinsan niyang kurikong.

"Parang gusto mo akon masolo, ah?" sabi ko sa kaniya.

"Sort of," tugon nito. "Uhm, let's go to samgyup restaurant?"

Napatingin ako sa relo ko at mag-eleven na. Tumango na lang ako bago tumayo.

Umalis kaming dalawa ng SM, dala dala ni Zaem yung basket na puno ng stuffed toys. Dahil medyo malayo raw yung restaurant, sumakay kami ng taxi. Inaaya ko sa jeep kaso ayaw niya.

"Paano mo nakuha lahat 'to?" Tukoy ko sa mga stuffed toys na sobrang cute.

"Rycher, taught me some tricks," tugon niya. "But it's not free. I paid him three hundred pesos just for the tricks."

"Manggogoyo talaga 'yang pinsan mo," sabi ko sa kaniya.

"It's okay, I don't mind the money," saad nito. "Ang mahalaga, masaya ka sa nakuha ko. You're the most important, not the money."

Siraulong 'to, kapag ako bumigay, suntukin ko siya.

Hindi na lang ako kumibo hanggang sa makarating kami sa restaurant. Bumaba kami ng taxi at pumasok sa loob.

"Zaem Ezery Carter," sabi ni Zaem sa isang staff.

May sinabi ang staff sa kaniya na table number at doon naman kami nagpunta ni Zaem. May mga pagkain na doon, na mukhang kalalagay lang din.

"Let's start," sabi ni Zaem bago simulang magluto ng karne. Tumikim naman ako ng ibang pagkain na nakahain dahil nagutom ako bigla.

"Pare!" Napatigil ako sa pagsubo nang may tatlong lalaking huminto sa tapat ng table namin.

Hindi nalalayo ang edad ng mga ito base sa itsura nila. Yung dalawang lalaki ay itim ang buhok, ito naman isang nakaagaw ng pansin ko ay blonde ang buhok. May hikaw sa isang tainga at may tattoo ang braso. Mukhang nag-aaral din sila dahil naka-uniporme ang mga ito.

"Leave," malamig na sabi ni Zaem sa mga ito.

"Ganda nitong shota mo, ah?" Tiningnan ako nung blonde ang buhok. "Hi, gusto mo sa 'kin ka na lang?"

"Hi, gusto mong sumabog mukha mo?" pagtataray ko sa kaniya.

Natawa naman ang tatlo. Baliw.

"Yan ang gusto ko sa babae, palaban." Akmang dadapo ang kamay nito sa 'kin pero hindi natuloy nang hampasin iyon ni Zaem ng food thong.

"You have no rights to touch her," walang emosyong sabi ni Zaem sa lalaki.

Ngumisi lang yung blonde ang buhok bago ayain ang mga kasama niya.

"Sino yun?" tanong ko kay Zaem.

"Ka-underground ko," sagot niya. "He's dagerous. Bukod kila Rycher, isa siya sa mahirap kalaban. He looks like an idiot but he's strong."

"Hindi mo siya kaya?" tanong ko.

"Yes, I admit," tugon nito. "I can't handle him, yet. He's well trained by her Mafia father. I can't ask Papa to train me, because he doesn't want me to follow his steps."

"Pero mukha naman siyang takot sa 'yo." Kinuha ko yung sweet potato at kinain. "Paano niyan kapag naglaban kayo?"

"I'll give up," walang pag-aalinlangang sagot nito.

"Eh, paano kung sakaling hamunin ka niya tapos nakataya pala ang buhay ko?" panghahamon ko sa kaniya.

"Then, I'll fight even I know that I'm going to lose," tugon nito. "Parsia, kung buhay mo ang usapan, handa akong makipag-patayan."

Ay tang ina, literal na, ang mamatay nang dahil sa 'yo.

Kainis! Dahil sa pagiging ganito ni Zaem. Feeling ko. . .



Feeling ko. . .












Gusto ko na siya.

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon