CHAPTER 13

4.2K 109 15
                                        


      Gustong isa-publiko ni Dade ang nangyari pero pinigilan ko siya dahil ayoko ng atensiyon. Principal na lang din ang nakaalam ng nangyari sa 'kin para wala na ring mangyaring chismisan sa school. 


Tatlong araw akong pahinga sa bahay at hindi naka-attend sa intrams. Ayos lang naman sa 'kin dahil princess treatment ako sa bahay at nauutusan ko ang dalawang maldita kong kapatid na babae. Puro reklamo sila pero wala silang magawa dahil pinagagalitan sila ni Mame.


Last day of Intrams namin kaya a-attend na ako dahil laban ng Miss and Mr. Intrams. Kailangan kong ikendeng ang ganda ko. Ayokong masayang ang practice ko, at saka baka walang manalo kapag wala ako doon dahil ako lang ang maganda.


"Sigurado ka bang kaya mo?" tanong ni Mame habang inaayos ang buhok ko.


"Kayang kaya po," sagot ko.


Nandito rin sila sa school para suportahan ako. Pati pamilya nila Carter, Rycher, Cole at kambal na Walter ay nandito para maki-support sa 'min. Kahit kalaban namin ni Carter sila Slex at Cole, support pa rin sa 'ming  dalawa ang parents ng mga ito.


Binigyan nga agad ako ni Tita Madeline nang pangmalakasang empanada niya, eh. Si Tita Lei naman ang nag-provide ng gown na susuotin ko. Iba talaga kapag napaliligiran ka ng mga mayayaman.


"Magsisimula na raw," sabi ni Rycher na kapapasok lang ng classroom namin. 


Nilingon ko siya. Nahuli kong nakatitig ito sa 'kin kaya nag-flip hair ako bago kumindat sa kaniya. "Ganda ko ba?"


Napangiwi ito. "Kaya ka nahahampas ng dospordos sa ulo dahil sa kahanginan mo, eh."


Napasimangot naman ako dahil sa sinabi nito at inambahan  siya. Gusto ko siyang batuhin ng sapatos kaya lang sinaway ako ni Mame  dahil nagugulo raw ang braid ng buhok ko. Binraid kasi ni Mame ang kalahati sa buhok ko habang ang kalahati ay nakalugay.


Rampa pa lang kami kaya ang suot pa lang naming mga lalaban ay kulay ng damit ng team na nirerepresenta namin. Red t-shirt ang suot namin pareho ni Carter at itim na pants. Magkapareho ang suot naming sapatos na provide ni Tita Emery.


"Galingan niyong dalawa," sabi ni Mame habang naglalakad kami papunta sa GYM kung saan magaganap ang event. "Carter, palagi mong alalayan itong si Parsia, ah? Maldita 'yan pero saksakan ng tanga 'yan."


Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Mame. Hindi ko alam kung nandito ba siya para suportahan ako o para i-bash.


Nang makarating sa GYM ay nandoon na ang mga kalaban namin  at marami na ring tao sa loob ng GYm. Dumiretso sila Mame sa upuan nila, habang kami ni Carter ay dumiretso sa backstage kung nasaan ang mga kalaban namin.


Napangisi ako habang nakatingin kay Slex na lalaking lalaki kung tingnan.  Asul ang damit nito. Naka-cross arm pa si Bading kaya lalaking lalaki talaga ang datingan niya.


"Crush na yata kita." Umangkla ako sa braso niya na ikinagulat nito. "Ang gwapo, ah?"


Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon