Tapos na ang kasiyahan kaya back to normal na ulit. Makikipag-sapalaran naman kami ngayon sa mga walang katapusang activities na sabay sabay pang ibibigay sa 'yo.
"Hindi ako nakagawang assignment," bulong ko kay Rycher.
Walang salitang iniabot nito sa 'kin ang kaniyang notebook. Napangiwi na lamang ako dahil tulalang tulala ito habang hawak ang kaniyang labi. Pangiti ngiti rin ito mag-isa sa kawalan. Napano 'to?
"Huy, napapano ka?" takang tanong ko.
Hindi ito sumagot at bumungisngis lang. Hindi ko na ito pinansin at ginawa na lamang ang assignment namin. Saktong matapos ako ay dumating ang Teacher namin. Agad nitong pinapasa ang notebook namin.
Walang naging klase dahil nag-check lang ng notebook ang Teacher namin kaya ang mga kaklase ko ay may kaniya kaniyang business. May nag-me-make up, may nagchichismisan, may mga naglalandian at may mga lalaking papansin sa gilid na akala mo cool.
Nilingon ko si Carter nang may naalala ako. May suot itong headset at nagbabasa ng isang libro. Feeling cool din ang isang 'to, eh.
"Carter," kinuha ko ang librong binabasa nito kaya napunta sa 'kin ang tingin niya.
Tinanggal nito ang headset sa tainga niya. "What?"
Ngumisi ako bago kuhanin ang cellphone ko. Pinindot ko yung online shop kung saan may in-add to cart akong damit at make ups. Hinarap ko kay Carter ang cellphone ko bago ngumiti nang matamis.
"I want these," matamis ang ngiting sabi ko. "Kailangan ko kasing panggala at make ups na rin."
"You want me to spent two thousand pesos just for your clothes and make ups?" Nagsalubong ang kilay nito. "No, your limit is one five hundred per day."
"Anong limit? Wala akong rules na may limit ang gastos ko," salubong ang kilay na sabi ko. "Nakakalimutan mo na yata ang kasunduan natin? Aba, hindi porket naging behave ako nitong mga nakaraang araw at niligtas mo ako, mabait na ako nang tuluyan."
"Still a no," matigas na sabi nito. "You need to choose one item only."
"Ito nga gusto ko!" maktol ko. "Ayaw mo? Fine! Isusumbong na lang kita kay Tito Ezar."
Napahilot ito sa kaniyang sintido. "I'm just a student like you, Campbell."
Paiba-iba naman ang mood nitong lintik na'to. Noong nakaraang araw lang grabe ang effort sa 'kin at walang naging reklamo tapos ngayon balik na naman sa dati. Siguro kinukuha niya lang yung loob ko para makalimutan ko yung deal namin.
"Fvcking fine!" inis na sabi nito. "Siguraduhin mo lang na apat na araw mo akong hindi hihingian."
"Ang kuripot, ang yaman yaman naman." Inirapan ko siya bago talikuran. "Order-in ko na."
Kasalanan niya kung bakit may advantage ako, hindi kasi siya marunong magtago ng secrets. Ilang araw din niya akong hindi nagastusan kaya binabawian ko lang siya. Ako pa ang nagmumukhang masama. Well, totoo naman.
Nang sumapit ang breaktime ay agad na akong tumayo. Aayain ko sana si Rycher kaya lang mabilis itong nawala. Wala akong choice kaya mag-isa akong lumabas. Never kong aayaing mag breaktime si Carter, manapa suntukan.
Dumiretso ako sa second floor para ayain si Slex. Nasa second floor kasi ang room ng mga STEM and HUMSS Students. Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Rycher na kausap yung kapartner ni Cole noong Mr. and Ms. Intrams.
Malaki ang ngiti ni Rycher habang yung babae ay halatang inis na inis kay Rycher. Nagkibit balikat ako at hindi na sila pinansin. Dumiretso ako sa classroom nila Slex at nadatnan ko ang baklitang kausap ang isang babae. Yung kapareha niya sa Mr. and Ms. Intrmas.
"Bading!" Kinawayan ko si Slex.
Seryosong tumayo naman ito bago lumapit sa 'kin. Nakasunod ng tingin sa kaniya ang babae.
"May gagawin ako kaya hindi kita masasamahan," seryosong sabi nito.
Hindi malandi ang boses nito kaya nagtaka ako. Kapag kasi nagsasalita ito, matinis pa sa langaw ang kaniyang boses at malandi pa sa naglalanding aso.
"May problema ba?" takang tanong ko.
"Nothing," putang ina! In-english ako ni bakla. "I'll see you later."
Tumango na lamang ako bago maglakad paalis. Napahinga ako nang malalim dahil no choice ako kundi ang kumain mag-isa. Nabuhayan ako ng loob nang makita si Cole, tatawagin ko sana ito kaya lang natigilan ako nang makitang kausap nito ang hangin. 'Wag na lang pala.
Mag-isa akong pumunta sa canteen. Bumili ako ng mga pagkain bago bumalik sa classroom. Ayokong kumain sa canteen dahil maiingay lang doon at may naglalandian pa kaya nakakawalang ganang kumain.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Carter na nakaupo sa ilalim ng puno sa may garden. Hindi naman masama kung magsabay kaming kumain. Naglakad ako palapit sa kaniya, balak kong gulatin siya kaso ako nagulat dahil bigla itong tumingin sa 'kin.
"What do you need?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.
"Ang sungit mo!" Inirapan ko siya bago maupo sa tabi niya. Inilatag ko yung panyo ko sa damuhan bago ilapag doon ang mga tinapay at chichiryang binili ko. "Wala akong kasabay kumain kaya no choice ako kundi lumapit sa 'yo."
"At 'yan ang kakainin mo?" Tumingin ito sa pinamili ko. "Mas marami pa ang chichirya kumpara sa mga tinapay."
"Ayokong pumila sa kanin at ulam dahil may nagtutulakan," sagot ko bago buksan ang ham sandwich. "Kumuha ka na lang. Hindi pa pasalamat na nilibre siya."
May kinuha ito sa gilid niya. Sinamaan ko ito ng tingin nang makitang may dalawang balot siya ng Jollibee spaghetti meal.
"Kaya pala nagtatago ka rito kasi masarap ang pagkain mo," sarkastikang sabi ko. "May karamutan ka rin pala, Carter."
"Whatever." Iniabot nito sa 'kin ang isa. "Naiwan ko ang wallet ko kaya pinadala ko kay Papa, hindi ko naman alam na dadalhan niya rin akong pagkain. Dalawa naman kaya sa 'yo na ang isa."
"Ang bait mo naman," maamong sabi ko bago kuhanin yung inaabot niya. "Pagpalain ka sana at sana hindi ka pa mamatay."
Hindi ito kumibo at nagsimula lang kumain. Binuksan ko yung binigay niya at kumain din. Palagi ko nang sasabayan si Carter kumain para masarap din ang pagkain ko. Lalo rin akong sisipsip sa pamilya niya.
Pagkatapos kumain ay kinuha sa 'kin ni Carter ang basura at inilagay sa isang plastic. Uminom ako bago buksan yung isang piattos. Inaalok ko si Carter pero ayaw niya kaya ako na lang ang kumain.
"We should back to our class now." Tumayo si Carter. "Limang minuto na lang tapos na ang break."
Dinampot ko yung mga binili ko sa canteen bago tumayo. Sabay kaming naglakad pabalik sa classroom naming dalawa.
"Ay putang ina mo!" gulat kong sambit nang biglang bumukas ang SSG Office.
Lumabas mula sa Office si Slex at yung babaeng mahaba ang buhok kanina. Pawis na pawis yung dalawa at parehong gulo ang kanilang suot. Gulo gulo rin ang buhok ng mga ito, lalo na ang buhok ni Slex.
Mukha silang nakipag-digma!
"Anong nangyari sa inyo?" hindi mapigilang tanong ko.
Parehong nag-iwas ng tingin ang dalawa at mabilis na naglakad palayo.
Nabitawan ko ang mga bitbit ko nang ma-realize kung ano talaga ang nangyari. Nanlaki na lang ang mga mata ko.
"Tang ina..." magkasabay na sambit namin ni Carter.
__________
WAT IS DA MINING OP DIZ, SLEX?
ANYWAYS, IF WANT NIYONG ADVANCE UD. JOIN NA KAYO SA VIP KO. CHAPTER 30 NA ITO DOON MWEHEHEHE

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...