CHAPTER 23

425 34 3
                                    



                 Kung hindi pa dumating ang mga kasamahan namin ni Zaem, baka nagpadala na ako sa tawag ng kalandian niya. Bakit ganito siya bigla?  Hindi siya ang Carter na kilala ko. Ang Carter na kilala ko ay yung mainit ang dugo sa 'kin at palaging galit.

"Nasira ba namin ang quality time niyo?"  nakangising tanong ni Rycher.

Malakas ko naman itong siniko para tumigil siya. Kadarating lang, mang-aasar agad.

Isa isang binigay ni Carter ang mga i-che-check naming lugar. Nakakainis nga kasi sa 'kin  pa ipinasama ni Zaem si Macy, pwede namang siya na lang. Charing.

"Alam mo ba kung anong nangyari sa boyfriend ko at mga barkada niya?"  Nagsalita si Macy kaya hindi ko siya pinansin. Malay ko ba kung sinong kausap niya, mamaya may third eye rin pala siya. "I'm talking to you, Campbell."

Napahinto naman ako at hinarap siya. "Ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado.

"Sino pa ba?" Umirap ito. "Anyways, my boyfriend and his friends got expelled because of you."

"Ay, deserved." Kaya pala hindi  ko na nakikita ang mga gunggong na 'yon na pakalat-kalat sa paligid. 

"And they are all comatose in the hospital." Natigilan ako dahil sa sinabi nito. Nawala bigla ang kasiyahang nararamdaman ko.

"Comatose?" pag-uulit ko.

"Oo, at dahil din 'yon sa 'yo!" galit at naiiyak na saad nito. "Kasalanan mo ang lahat! Kung hindi ka lang sana pinag-initan ng boyfriend ko, hindi sana mangyayari ang ganoong bagay sa kaniya."

"Aba, bakit kasalanan ko pa?" Nagsalubong ang kilay ko.  "Kung hindi mo lang sana sinuhulan ang boyfriend mong kulugo, hindi sana mangyayari sa kaniya ang ganoong  bagay! At saka, alam mo ba ang ginawa ng boyfriend mo sa kin at ng mga alagad niya? Binalak nila akong patayin!"

"Malandi ka kasi!" singhal nito sa 'kin.

"Ano bang gusto  mong mangyari? Suntukan na lang tayo," panghahamon ko sa kaniya.

"Oy, oy, oy, paawat kayong dalawa." Dumating si Rycher, kasama si Gwen. "Aba, tayo ang magpaparusa kaso mukhang kayo pa ang mapaparusahan."

Padabog lang na umalis si Macy. Napailing iling naman ako dahil sa inasta nito.

"Rycher, tapatin mo nga ako.  Anong ginawa niyo sa boyfriend ni Macy?" seryosong tanong ko. "Comatose raw ang boyfriend ni Macy."

"Comatose!?" gulat na tanong ni Rycher.

"Oo,  iyon  nga ang balita,"  sabad ni Gwen. "Pati raw mga barkada nung boyfriend ni Macy ay comatose. Expelled na rin sila sa school."

"Gwen, usap muna kami ni Parsia," sabi ni Rycher. Tumango naman si Gwen at mabilis na umalis. "Teka, Parsia, hindi pa comatose yung boyfriend ni Macy, no'ng iniwan namin siya at saka yung mga barkada niya."

"Anong ginawa niyo sa kanila?" kunot noong tanong ko. 

"Binigyan lang namin silang tig-iisang suntok," sagot nito. "Imposibleng ma-comatose sila dahil doon."

"Eh, sinong gumawa no'n? Si Dade?" Nagkibit-balikat lamang ito.

Hindi na ulit ako nagtanong at inaya na lamang siyang rumonda. Nagroronda kami pero yung isip ko ay umiikot sa kung anong nangyari sa boyfriend ni Macy. Hindi naman sa naaawa ako, nagulat lang talaga ako at nagtataka kung sino ang gumawa ng ganoong bagay.

Saktong matapos kami ay lunch time na. Dumiretso agad kami sa canteen. Sinigurado ko talagang kumpleto kaming anim para malaman kung sino sa kanila ang gumawa nang ganoong bagay.

"Sino sa inyo ang naging dahilan para maging comatose ang boyfriend ni Macy?" diretsong tanong ko dahilan para sabay sabay silang mabulunan.

"Comatose yung boyfriend ni Macy?" gulat na tanong ni Cole.

"Teka, wala kaming alam diyan," sabi naman ni Nlex.

"Lalo na aketch," sabad ni Slex.

Bumaling ako kay Zaem. Tahimik lamang ito at hindi kumikibo. May pakiramdam ako na hindi siya ang may gawa pero alam kong alam niya kung sino ang may gawa.

"Kilala mo?" tanong ko sa kaniya.

"No." Nagsisinungaling siya.

Hindi na lang ulit ako nagsalita dahil alam kong walang balak si Zaem na sabihin kung sino ang gumawa nang bagay na 'yon sa boyfriend ni Macy.  Magtatanong na lang ako kay Dade mamaya kapag  uwian.

"Hindi kami makakasabay mamayang umuwi dahil diretso kaming underground arena," pag-iiba ni Rycher nang usapan. "May mahalagang  laban kami mamaya."

Tumango naman ako. "Wag na kayong umuwing buhay."

Syempre, kabaliktaran yung sinabi  ko. Ayoko namang ipahalata sa kanilang concerned ako at sweet person na. Baka kasi bigla na lang sila ma-inlove sa 'kin.

"Naku, 'wag mong sabihin 'yan at baka ibang babae ang uwian ni Kuya Zaem," nakangising sabi ni Rycher. "Ang dami kayang babaeng fighter sa underground na sobrang patay na patay sa kaniya."

Dumako ang tingin ko kay Zaem, masama ang tingin nito sa pinsan niyang siraulo at tumatawa pa.

"Anong gagawin ko? IIyak?" Umirap ako sa kawalan. "Kahit sampung babae pa ang nagkakagusto  sa kaniya, wala akong pakielam."

Tama, wala akong pakielam.  Sino ba siya? Kaibigan ko lang naman si Zaem, medyo friend lang pala.

"Ganiyan din sinabi nung babaeng napanood ko sa T.V, tapos nung nakitang may iba si lalaki, biglang sinaksak yung babaeng kasama ni lalaki," sabi ni Slex.

"Hindi counted ang opinyon ng bading na may ginagawa  sa SSG Office kasama ang isang babae," nakangising sabi ko.

Napatangin naman kay Slex ang kakambal niya, ganoon din si Cole at Rycher.

"Anong ginawa mo?" kunot noong tanong ni Nlex sa kakambal.

"Wala!" mabilis na sagot nito. "Hoy, bilat! Tumahimik ka!"

Ngumisi lamang ako sa kaniya.

Lumipas ang oras hanggang sa mag-uwian na namin. Kami lang ni Slex ang magkasabay dahil yung apat ay makikipagkita muna kay kamatayan. Hindi ko alam kung bakit adik na adik silang maging mafia. Wala namang nakakatuwa sa pagiging Mafia.

"Gaga kang bilat ka! Kapag sinumbong ako ni Nlex kila Mamu, sasampalin kita!" banta ni Slex bago ako hampasin sa braso.

"Epal ka kasi!" singhal ko pabalik sa kaniya bago  siya irapan.

Nang  makarating sa bahay ay nadatnan ko si Dade sa sala. Mag-isa lang ito kaya mukhang tadhana talaga na itanong ko sa kaniya ang ganoong bagay.

"Dade,  anong ginawa mo sa boyfriend ni Macy?" diretsang tanong ko sa kaniya. "Comatose sila ng mga barkada niya ngayon. Akala ko ba expelled lang ang  usapan natin."

"I didn't do anything," sagot nito. 

Parang bahagya rin siyang nagulat dahil sa sinabi ko.

"I swear, Parsia. Expelled lang ang pinataw ko sa kanila," sabi ni Dade. "Well, tinakot ko rin sila na 'wag kang balikan. Pero hindi naman sapat 'yon para ma-comatose sila."

Napatango  naman ako. Naniniwala naman ako kay Dade dahil malakas ang  instict ko na wala talaga siyang kinalaman. May tiwala naman ako sa instict ko dahil Anak ako ng Mafia Boss.

"Sige, Dade.." tanging  nasabi ko na lamang  bago dumiretso sa kwarto ko.

Kung hindi sila Zaem at hindi si Dade? Sino  ang gumawa no'n sa boyfriend ni  Macy at barkada nito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 15 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon