CHAPTER 22

1.6K 67 11
                                    

        Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag naka-receive ka ng princess treatment. Nakakahaba ng hair at nakaka-glow ng kagandahan.

"Ay, fresh ang bilat ni Parsia," sabi ni Slex nang makalabas ako sa gate ng bahay namin. "Nakaranas lang ng princess treatment kahapon, umarte na."

"Never mo kasi mararanasan 'yon," nakangising sabi ko.

"Never ko ngang mararanasan 'yon dahil mahihigitan ko pa," nakangising sabi nito bago mag-flip hair, kahit pa hindi naman mahaba ang buhok niya.

"Landi mo, kumain ka naman ng bilat!" sabi ko bago siya sabunutan.

Mabilis naman ako nitong sinamaan ng tingin bago ayusin ang buhok niya. Napatigil kaming dalawa sa pag-aasaran nang dumating na yung apat.

Mabilis akong napaayos nang dumako ang tingin ko kay Zaem. Sa tingin ko, maayos na ang lagay nito dahil hindi na siya mukhang may iniinda.

"Ayos ka na?" tanong ko sa kaniya.

"Yeah," tugon nito. "How about you? Are you fine now?"

"Oo," sagot ko bago umiwas ng tingin. "Pasensiya na sa pag-iinarte ko kahapon."

"Don't worry about it. . ." Napalingon ako kay Zaem nang haplusin nito ang buhok ko. "As long as you're okay, we're happy. Promise, we won't make you cry. I won't make you cry again, Parsia. . ."

Tila may paro-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko dahil sa kaniyang sinabi. Napalobo ko lang ang pisngi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Naglandian pa ang dalawa," sabad ni Slex bago ako hilahin. "Dito ka ngang malantod ka, nalingat lang ako saglit, nakikipaglanturan ka na."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mong ilapit sa mukha ko 'yang bibig mong amoy bilat!"

"Hoy, nag-toothbrush ako!" singhal nito sa 'kin. "Next week pa ako kakain ng bilat kaya 'wag kang oa!"

Napaubo naman ako dahil sa sinabi nito. Seryoso ba siya? Kinikilabutan ako kay Slex, parang hindi na siya ang Slex na kilala ko.

Hinila ako ni Slex kaya wala akong nagawa kundi ang makapaglakad na rin. Nasa likuran naming dalawa ni Slex yung apat. Pasimple rin akong lumilingon sa kanila at busy ang mga ito sa pag-uusap, si Cole dalawa ang kausap. Yung isa nakikita, yung isa hindi.

"Bilat, makikita mo pa mamaya si Zaem, 'wag mong bantayan," sabi ni Slex.

"Hindi naman si Zaem ang tinitingnan ko," nakasimangot kong sabi bago siya mahinang kurutin. "Wag mo nga akong bantayan na lintik ka!"

Ngumisi lamang ito sa 'kin kaya napairap ako.

Nang makarating sa school ay kaniya-kaniya na kami. Syempre, kasama ko si Zaem at Rycher dahil kaklase ko ang mag-pinsan na parehong bahog minsan.

"Kuya Zaem, may bibilhin lang ako," paalam ni Rycher.

Tinanguan ako ni Rycher bago mabilis na tumakbo patungo sa floor kung saan ang classroom ni Cole. At kailan pa nagkaroon ng tindahan sa taas? Para-paraan din para maka-porma ang lintik.

"Hey, where are you going?" Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan ni Zaem ang braso ko.

"Ha? Papasok," sagot ko bago mapakurap-kurap.

Mahina itong natawa bago mapailing. "Ito ang room natin, Parsia, lalagpas ka na."

Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil nasa tapat na pala kami ng room namin. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kalutang. Ito kasing si Zaem, eh, masyadong nakakailang.

"Sabi ko nga," nakangusong sabi ko bago pumasok sa loob.

Dumiretso ako sa upuan ko at agad naglabas ng notes. Kahit walang quiz, mag-aaral na lang ako para medyo mawaglit ang pagkailang ko kay Zaem. Ewan ko rin kung bakit naiilang ako sa kaniya. Kung kailan naging medyo close kami, ngayon pa ako nailang.

"I forgot that we have ronda today," nagsalita si Zaem kaya napalingon ako sa kaniya.

Bahagya akong natawa dahil sa pagiging conyo niya.

"Tayo pala ang in-charge sa mga late at cuttings," sabi ni Zaem bago tumayo. "Tara, hintayin natin sila sa field. Nag-chat na naman ako sa GC."

Tumango ako bago tumayo.

"Bantayan mo gamit namin, ah?" tapik ko sa isang kaklase namin. "Kapag may nawala diyan, gigilitan kita ng leeg."

Ngumiti ako sa kaniya nang matamis bago sundan si Zaem na nasa labas na. Dumiretso kaming dalawa sa field at naupo sa bench doon para hintayin yung iba naming mga kasama.

"Anong consequences ngayon?" tanong ko.

"For late, maglilinis ng cafeteria. For cuttings, diretso guidance agad. For no ID, just warning. At para sa mga patambay-tambay, maglilinis ng field," sagot niya.

"Wow, gawain ko yun dati, ah?" natatawang sabi ko. "Gawain ko dahil sumbungero ka."

Napasimangot ako nang maalala na naman ang palaging bangayan namin dahil sa pagiging sumbungero niya. Bigla tuloy gusto ko siyang kurutin gamit ang nail cutter.

"It's your fault," sabi nito. "You always disobeyed our rules."

"Oo na, kasalanan mo na," nakasimangot kong sabi dahilan para mapatawa siya.

Masyado na yata akong happy pill nitong si Zaem. Baka sa susunod, crush na niya ako.

"Fine, if that's what you want," sabi lang nito.

Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa. Pasipol-sipol na lang ako habang pinaglalaruan ang mga damo sa ibaba, gamit ang sapatos ko. Wala rin naman akong pwedeng i-open na topic para kay Zaem, ayoko ring magtanong at baka sabihin niyang chismosa ako.

"Tagal naman nila," reklamo ko. "Bibigyan ko rin sila ng consequences, lintik na 'yan!"

"They are on the way," sabi ni Zaem.

May ibinulong pa si Zaem na hindi ko na narinig pa. Hindi ko na rin tinanong at baka masabihan nga akong chismosa.

"Oo nga pala, wala na talagang masakit sa 'yo?" Tanong ko na lang.

"I'm totally fine," nakangiting sabi nito.

Napatango naman ako. Yown, hindi siya nategi. Safe na safe na ako.

"By the way, we have underground fight this saturday," sabi nito kaya napalingon ako sa kaniya. "Uhm, is it okay with you?"

"Ha?" Napakurap-kurap ako. "B-bakit nagpapaalam ka pa sa 'kin?"

Nakangiting tumayo ito at pumwesto sa harapan ko. Hinawakan nito ang ulo ko bago bahagyang yumuko para magbantay ang mukha naming dalawa.

"Because we don't want you to cry again," nakangiting sabi niya. "Parsia, you're tears are more important than our battle. Aanhin namin ang pagkapanalo kung lumuluha naman ang prinsesa namin?"

". . . ang prinsesa ko. . ."

Malakas na kumabog ang dibdib ko at napatitig na lang sa kaniyang mga mata.

PUTANG–DOG CAT BINALIKTAD KINUROT PA!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon