Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit sobrang lakas pa rin nang kabog ng dibdib ko. Ang cheap ko naman kasing kiligin, doon pa talaga kay Carter. Punyeta na 'yan!
May mga nag-pe-perform kaya nasa backstage muna kami at inaayusan para sa aming dress at formal attire. Last na rampa na ito dahil ang kasunod nito ay question and answer portion, tapos awarding na. Matatapos na rin ang paghihirap ko sa buhay.
"Bagay kayo ni Zaem," sabi ni Mame na inaayos ang make up ko. "Hindi na rin masama na siya ang mamanugangin ko dahil kilalang kilala ko naman siya."
"Yuck! Mame, kilabutan ka nga po sa sinasabi mo," nakangiwing sabi ko. "Kapag narinig ka ni Dade, lagot ka po."
"Wala akong pakielam sa Tatay mong oa," sagot nito bago umirap. "Ang akin lang, kung maghahanap ka ng boyfriend, doon ka na sa kilala namin. Inshort, kay Zaem ka na."
Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa cellphone ko.
Biglang may nag-pop na notification na agad kong tiningnan. Umarko ang isang kilay ko nang makitang may message si Carter sa messenger ko. Binuksan ko naman agad 'yon.
Zaem Ezery Carter
I'm here at canteen. You want me to buy you some food?
Parsia Wyatt Campbell
Busog ako. Tnx
Pinatay ko ang data ko para hindi ko na makita ang chat niya. Nakikita ko rin kasi ang chismosa kong Nanay na sumisilip sa cellphone ko.
Pagkatapos ayusin ni Mame ang make up ko. Inayos naman niya ang buhok ko. Pinusod niya ito nang isahan at nagtira ng kaunti sa gilid.
"Magbihis ka na." Inabot sa 'kin ni Mame ang tube red dress kong mahaba na may slit sa hita. Kinuha ko naman 'yon at agad nagbihis. Dahil tube, tinanggal ko ang bra ko at pinalitan ng nipple tape. Mabuti pala at wala si Carter. Kapag nagkataong bumagsak ang kurtina, wawagayway sa kaniya itong parang pasas kong utong.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako at pinasara kay Mame ang zipper ng dress sa likod.
"Ang ganda ganda ng Anak ko," sabi ni Mame.
"Made in Penelope and Wyatt," nakangising sabi ko.
"Wow, parang hindi ka mangkukulam sa itsura mo." Dumating sila Dade, kasama niya ang mga kapatid ko.
Sinamaan ko ng tingin si Wyaxandra na nagsabing hindi ako mukhang mangkukulam. "Manahimik kang chanak ka! Napulot ka lang naman sa tae ng kalabaw."
"Nag away pa ang parehong pinulot sa tae ng kalabaw," nakangising sabi ni Kuya Paxton.
"Hindi ako pinulot sa tae ng kalabaw. Itinago kaya ako ni Mame kay Dade." Ngumisi ako nang makitang mapasimangot si Dade. "Tapos nagkita tayo nung birthday mo dahil sinundan ko si Mame na selfish."
Napatigil kami sa pag aasaran nang dumating si Carter, kasama ang kaniyang pamilya.
"Ate Parsia!" Tumakbo palapit sa 'kin ang kapatid ni Carter na si Zam. "Ang ganda ganda mo po, tapos si Kuya mukhang tambay sa kanto."
Napatingin ako kay Carter na nakasimangot. Aba, kung siya palagi ang tambay sa tindahan kahit hindi ako inuutusan, bibili ako.
"Carter, 'yang Anak mo masyado yatang madikit sa Anak ko." Nilapitan ni Dade si Tito Ezar at inakbayan.
"Anong gusto mo? Yung isa nasa stage at yung isa nasa crowd?" sarkastikong sabi ni Tito Ezar kaya natawa kami.
"Tumahimik kayong dalawa," masungit na sita sa kanila ni Mame. "Wyatt, tantanan mo ang pagiging oa mo. Disi-otso na ang Anak mo kaya alam na niya ang tama at mali."
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
Roman d'amourShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...