Dahil sa nangyari sa underground nila Carter, feeling ko naging close na kami. Feeling ko lang, ah? Feelingera naman ako, eh.
"Ang daming ginagawa!" nakasimangot kong saad. "Ano ba 'to? Patayan?"
Paano, pinagsabay ba naman ang practice naming mga rarampa sa Intrams at yung review para sa upcoming exam. Kung alam ko lang na ganito kahirap ang graduating ng senior highschool, nagpasuntok na lang sana ako doon kay kalbo.
Tapos makakarinig ka pa sa ibang tao na mas mahirap mag-college. Buti na lang mag aasawa na agad ako.
"Ang daming reklamo sa buhay," sabi ni Slex. "Ako nga ginawang escort kahit na pang muse, eh."
Kalaban namin ang strand nila sa rampahan. Akala ko sa Reyna ng ikatlong lahi siya rarampa, sa Mr. Intrams pala.
Ewan ko ba sa bading na 'to, nagrereklamo na sa Mr. Intrams siya inilagay, ayaw naman lumaban sa Reyna ng Ikatlong lahi. Hindi ko ma-gets kung bakla ba talaga siya o nasanay lang na malambot dahil sa nagpalaki sa kanila ni Nlex at dahil sa pang aasar.
"Wag akong malandi ka. Alam kong gusto mo rin ito dahil kasama mong magbibihis ang mga Escort sa dressing room." Hinampas ko siya sa braso. "Tara na nga, pagkatapos kumain review naman sa exam, tapos practice na naman sa rampa. Saksakin niyo na lang ako."
"Pagkatapos naman nito may one week vacation kaya kumalma ka," sabi ni Slex.
"Mauuna pang matapos ang buhay ko bago matapos ang lahat ng 'to." Dinampot ang bag ko bago umangkla sa braso ni Slex. "Let's go!"
Dumiretso kami sa canteen. Nakipila kami ni Slex sa bilihan ng siomai rice at hotdog rice. Ito lang muna ang kaya ng budget ko kahit balik sa dati na ang baon ko. Hindi ko rin muna hinihingian si Carter dahil ang dami naming gastusin.
Mas marami pang nagastos kaysa sa natutunan.
"Dalawang siomai rice tapos isang siomai rice may hotdog," sabi ko sa Tindera.
Nagbayad ako at naghintay saglit. Nang maibigay ang order namin ni Slex ay agad kaming naupo at nagsimulang kumain.
"Hindi man lang nanghintay!" Dumating sila Rycher, na hindi ko alam kung saang lupalop mga nanggaling.
"Gutom na ako, hihintayin ko pa kayo?" Inirapan ko sila. "Bumili na kayo ng pagkain niyo. Rycher, libre ko akong five na palamig."
"Palibre ka sa asawa mo!" singhal nito sa 'kin bago tumakbo palapit sa nagtitinda.
Asawa ko? May asawa na ako? Buti pa sa chismis may asawa ako. Sana totoo rin sa totoong buhay.
Nang makabili yung apat ay nakisiksik sila sa 'min kahit masikip.
"Parang tite naman!" sita ko kay Rycher. "Kung saan masikip doon sisiksik!"
"Campbell, bunganga mo," sita sa 'kin ni Carter na salubong ang kilay.
Inirapan ko lang siya bago magpatuloy sa pagkain. Pasimple pang inuumit ni Rycher ang ulam ko kaya kinagat ko ang kamay niya.
"Aray!" Hinaplos nito ang kaniyang kamay. "Napakadamot mo, nilibre nga kita ng palamig!"
"May hotdog ka pero kinukuha mo pa yung hotdog ko!" singhal ko sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata nito at napahawak pa sa kaniyang bibig. Bakit?
"Campbell!" Tinakpan ni Carter ang bibig. "Lower your voice! May mga Teachers sa likod mo!"
Tinanggal ko ang pagkakatakip nito sa bunganga ko bago ituro ang hotdog ni Rycher sa plato.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...