Lintik na lima na 'to, hindi na pumasok. Binantayan na ako at baka raw matuluyan na lang ako bigla. Ang oa ng mga 'to, dinatnan lang ako, hindi ako nagkaroon ng sakit.Kunwari pa sila, alam ko naman na kaya lang sila nandito dahil sa libreng meryenda. Ang yayaman pero paboritong makikain sa'min. Kaya rin ayaw pa nilang umuwi dahil takot silang malaman ng parents nila na hindi sila pumasok. Magkakapit-bahay lang kaya kami.
"Umuwi na kayo," taboy ko sa kanila. "Uwian na rin kaya siguradong hindi na malalaman ng parents niyong nag-cutting kayo."
"Tigilan mo ang kamalditahan mo, Parsia." Lumabas mula sa kusina si Mame, may bitbit pa itong sandok na agad niyang ipinukpok sa aking ulo. "Buti nga at nag aalala ang mga ito sa'yo kahit ganiyan ang ugali mo. Dito sila kakain kaya manahimik ka na lang diyan."
Napasimangot na lang ako. Bakit kailangan pang manapok ng sandok? Kakasuhan ko siyang child abuse kahit hindi na ako minor.
Sinamaan ko ng tingin yung lima na malawak ang ngisi, maliban kay Zaem na straight lang ang face. Masyadong sumobra ang pagka-mature niya. Nakalimutan nang ngumiti. Masyado na siyang seryoso sa buhay.
"Did you finish your research part?" tanong ni Carter. "Tomorrow is our deadline."
Ay tang ina! Bukas na ba yun? Masyado ko yatang na-enjoy ang pagiging pabigat ko kaya nakalimutan ko. Anong ilalagay ko sa research design? Yung dinrawing kong tite?
"Gagawin ko mamaya," mahinang sabi ko at baka marinig ako ni Mame. "Papasa ko mamaya, ako na rin ang mga print no'n.
Umarko ang isang kilay nito. "Don't tell me, wala ka pang nagagawa?"
"Hindi ko sasabihin kung gano'n," nakangiting sabi ko. "Carter, ako nang bahala doon. Hindi naman ako pabigat kagaya ng iba nating kagrupo."
"Naririnig kita," sabad ni Rycher. "Hindi ako pabigat, 'no. Ako kaya ang unang natapos sa gawain ko."
"Sige nga, gawin mo nga yung akin." Hinawakan ko ang braso niya. "Tulungan mo na ako, bahala ka, etits ang ilalagay ko sa research design natin."
"Hu!" Lumayo ito sa'kin. "Sige lang at yun ang ilagay mo, hindi naman ako yung mapapahiya at mawawalan ng grade."
Napasimangot na lang ako. Gusto ko sananf magpatulong kay Carter kaso ayaw ko siyang makasama. Ako na lang ang gagawa mamaya, magpupuyat ako para sa lintik na research na 'yan.
Maya maya lang ay tinawag na kami ni Mame dahil kakain na. Nagtungo kami sa dining at naupo.
"Hindi natin hihintayin si Dade?" Kumurot ako sa isdang ulam.
"Late raw makakauwi ang Daddy mo." Tinapik ni Mame ang kamay ko. "May serving spoon, salahula ka."
"Ang arte, kapag tayo tayo naman ultimong sabaw kinakamay natin." Napairap ako. "Mame, 'wag kang makaramdam ng hiya sa mga 'yan at mga walang hiya 'yan."
"Parsia!" saway sa'kin ni Kuya Paxton. "Your mouth."
Nakakabit. S'yempre, hindi ko naman pwedeng sabihin yun kay Kuya Paxton at magagalit 'yan. Medyo takot pa naman ako sa kaniya.
Tahimik na lang akong kumain.
"Ang sarap talagang magluto ni Tita," sabi ni Rycher.
"Kaya nga mahal na mahal ako ni Tito Wyatt mo, eh," malantod na sagot ni Mame.
Napangiwi naman ako. Kilig na kilig masyado kay Dade, parang hindi niya binabato ng kaldero, eh.
"Bitter ka na naman," sabi ni Precious sa'kin. "Wala kasing nagpapakilig sa'yo."
![](https://img.wattpad.com/cover/368260504-288-k92815.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...