CHAPTER 24

2.9K 105 17
                                    

 

        Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan ko kung sino ba ang naging sanhi kung bakit na-comatose ang boyfriend ni Macy at mga kaibigan nito. Si Zaem lang ang nakakaalam kaso mukha namang wala itong balak umamin kaya shut up na lang ang mouth ko.

"Oh, hindi ka pa gagayak?" tanong ni Mame nang makitang nakahilata pa ako.

Birthday ng pinsan ni Slex, na si Jomuela. Invited kami kaya si Mame, gora agad, magiging sharon cuneta kasi siya maya-maya lang.

"Sunod na lang po ako," sagot ko. "Kabilang street lang naman sila, eh."

"Mag-iingat ka at madilim na," sabi nito. "Tatanga-tanga ka pa namang bata ka."

Napasimangot na lamang ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko na pinansin si Mame at nagpatuloy na lang sa paglalaro sa cellphone ko. Ini-stress ko lang ang sarili ko sa games para mamaya may lakas ako sa pagkain sa handaan.

Napatigil ako sa paglalaro nang mag-chat si Slex.

Slex Maasim:

: Hoy, bilat! Saan na kayo? Hinihintay na kayo rito.

Parsia Maldita:

: Bahay pa ako, sunod na lang ako. Maaga-aga pa naman.

Slex Maasim:

Ok.

Hindi na ako nag-reply at bumalik na lang sa paglalaro ng games. Thirty minutes pa yata ang lumipas bago ako sipaging tumayo.

Dahil naligo na ako, nagpalit na lang ako ng damit. Naglagay rin ako ng lipstick at blush on para mas maganda ako sa may birthday.

Sinuot ko ang sandals ko bago lumabas ng kwarto ko. Pababa na ako ng hagdan nang matigilan ako dahil sa nakita ko. Bumilog ang mga mata ko at napanganga na lamang habang nakatingin sa Kuya Paxton kong nakikipag-laplapan sa isang babae.

"You're still rough, PX," sabi ng babae kay Kuya Paxton.

Maganda yung babae, kaso mukhang gangster. Ang angas kasi ng awra nito, lalo na yung buhok.

"You left me out of nowhere, Lanaya," madiing sabi ni Kuya Paxton sa babae.

Shit! Para akong nanonood ng movie rito. Ang anghel tingnan nitong si Kuya Paxton at mukhang maginoo, tapos ganito pala siya? What is this behaviour?

"Stop, Paxton," awat ng babae kay Kuya Paxton nang akmang hahalik ito ulit sa kaniya. "Someone's watching us."

Dumako ang tingin sa 'kin ng babae kaya medyo nagulat ako. Napatingin naman sa 'kin si Kuya Paxton, nanlaki ang mga mata nito.

"Parsia!" gulat na sabi nito. "What are you doing here? Sabi ni Mommy walang tao sa bahay."

"Hindi pa ako umaalis," sagot ko at awkward na ngumiti. "Kuya Paxton, anong ibig sabihin nang nakita ko? At saka. . ." Tumingin ako sa babae. ". . . sino siya?"

"I'm Lanaya, your brother's ex wife," pakilala ng babae at matamis na ngumiti.

"Ex wife!?" gulat kong tanong. "Kuya, may asawa ka na!?"

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon