Hindi ako makatingin nang diretso kay Carter habang magkatabi at hinihintay ang turn namin sa pag-akyat sa stage para irampa ang sports wear namin.
Sino ba naman kasi makakatingin nang diretso sa lalaking nakita mong naka-boxer lang kanina? Note mo pa na may naka-bukol sa boxer niya. Ang sarap hilutin gano'n–Ay bastos kang maldita ka. Kung nababasa ng Nanay mo ang isipan mo, matagal ka nang walang singit.
Buti na lang pala at hindi kalakihan itong dibdib ko. Siguradong hindi makakatulog si Carter kung kalakihan itong muntik na niyang makita. Muntik pa lang, nakatago pa kasi sa bra.
"I didn't see anything..." Napalingon ako kay Carter nang magsalita ito. "Promise.."
"W-wala rin akong nakita sa 'yo," sabi ko. Sinalubong nito ang tingin ko. "Nakita ko lang na naka-boxer ka."
Tumango lamang ito at hindi na nagsalita. Sanay na ako sa coldness niya. Iba talaga ang mga lalaki kapag nagbibinata.
Parang dati, sobrang daldal niya. Yung tipong pati pag-aasawahan ng dalawang aso sa kalsada ay ikukwento niya pa sa 'min.
Ilang saglit lang ay kami na ang rarampa. Nakasalubong ko si Slex na basketball ang sports.
"Galingan mong bilat ka," sabi nito.
Malakas na sigawan ang narinig namin nang makatapak kami sa stages. May mga nagtotorotot pa at may humahampas ng bottled water sa upuan.
Sabay kaming rumampa ni Carter. May pahawak hawak effects pa kaming pinractice kasi dagdag score daw yun. Hindi naman ako naiilang sa hawak pero kapag ilalapit niya ang mukha niya, gusto ko siyang panain sa mata.
"I'm warning you, Zaem!" Dumagundong ang boses ni Dade sa buong Gym kaya napalingon kami sa kaniya.
Nakaamba na itong tatayo pero natigilan siya nang bantaan siya ng tingin ni Mame.
Pagkatapos naming rumampa ay bumaba na kami para magpalit para sa talent portion. Ang talent namin ni Carter ay kumanta.
Medyo sanay naman akong kumanta. Pwede nga akong sumali sa Dance Contest, eh.
Ang kakantahin naming dalawa ay, "You're Still the One" wala kaming practice ni Carter pero keri naman dahil kabisado naman namin ang kanta.
Nagpalit kami ni Carter nang pang-talent portion outfit. Siya na ang pinauna kong magbihis dahil baka matanggal na naman ang kurtina.
"Kumain ka muna." Inabutan ako ni Mame ng footlong at juice. "Wala ka pang kain, eh."
"Ang tagal matapos, gutom na gutom na ako." Kinuha ko yung footlong at sinimulang lantakan.
Nang lumabas si Carter sa kurtina ay ako naman ang pumalit. Isang simpleng black dress lang ang suot ko pero maganda pa rin.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako. Nakita ko si Carter na kinakain yung pagkain ko kaya napataas ako ng isang kilay.
"Yung tingin mo!" Hinampas ni Mame ang braso ko. "Inalok ko siya dahil gutom na rin siya."
Tumango lang ako bago kuhanin yung kahati ng footlong.
"Pagkatapos nito, gagawin kitang pulubi," bulong ko kay Carter. "Humanda ka dahil kailangan ko ng mga luxury items ngayon."
"Whatever," sagot lang nito.
Whatever ka diyan ngayon. Sisiguraduhin kong maiiyak ka talaga sa mga magiging gastos mo sa 'kin.
"Bakit hindi ka mag-sando? Mas bagay sa 'yo yun habang kumakanta," sabi ni Mame kay Carter, dahilan para muntik na itong mabulunan.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomantikShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...