CHAPTER 6

2.8K 105 10
                                    



     "Class, we have a visitor now. Aasikasuhin lang naming mga Teachers ang mga pagkain nila." Tumingin si Ma'am kay Carter. "President, make sure na malinis ang classroom. 'Wag ka ring magpapalabas ng kaklase mo, maliwanag ba?"


"Yes, ma'am!" sagot ng lahat.


Tumango ang Teacher namin bago lumabas ng classroom. Kaniya kaniya namang business agad ang mga kaklase ko. May nag-me-make up, may nagchichismisan, may mga kumakanta at may mga naghaharutan.


"Aray naman, tang ina!" inis kong sabi nang madaganan ako ng isang kaklase kong babae. 


"Sorry," nakayukong sabi nito.


Hindi ko siya pinansin at inayos lang ang ginagawa ko. Naghahabol ako ng lecture dahil tinamad akong magsulat no'ng nakaraan. Gusto ko sanang ipagawa kay Zaem kaso mukhang problemado rin siya. Parang wala siya sa mood at parang may iniisip siya.


Kinalabit ko si Rycher na nakikipag-daldalan. "Rycher, isulat mo ako."


"Pangit akong magsulat," sagot nito. "Kaya mo na 'yan."


Napasimangot ako nang talikuran ako nito. Kapag sinumbong ko 'to, tatalikuran siya ng mga magulang niya panigurado. Ako na lang ang nagsulat. Sa bagay, baka mukhang kinalkal ng manok yung sulat niya.


Pagkatapos kong magsulat ay itinabi ko ang mga gamit ko. Pasimple kong nililingon si Carter habang inilalagay sa bag ko ang notebook ko. Tulala lang ito sa kawalan.


"Anong problema?" hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tanungin siya.


Tiningnan lang ako nito bago dumukdok sa kaniyang desk. Napasimangot ako lalo dahil sa ginawang pag-i-ignore nito sa'kin. Anong problema ng lintik na lalaking  'to?


"Hoy!" Kinalabit ko ulit si Rycher. "Anong problema ng pinsan mo?"


"Natatae lang 'yan," sagot nito at muli akong tinalikuran.


Inis ko naman siyang binatukan. Nagtatanong ako nang maayos tapos gagaguhin niya ang sagot sa'kin.


Basta, hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumwesto sa harapan ni Zaem. Doon ako naupo at sinilip silip ang kaniyang mukhang nakangudngod sa desk.


"Huy!" Kinalabit ko siya. "Bakit ka lugmok?"


"Nothing," bored nitong sagot. "Don't bother me, Campbell."


"Bakit nga muna kasi?" pamimilit ko sa kaniya.


Napahinga ito nang malalim bago ako samaan ng tingin. "Bakit? Namomroblema ako dahil sa sobrang gastador mo! Isang linggo pa lang pero one thousand mahigit na ang nagagastos ko sa'yo."

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon