Anong masarap ang sinasabi ko? Puro buto kaya si Carter.Dahil sa banta ni Carter dito sa lalaking kalbo. Agad ako nitong binitawan.
Mabilis naman akong tumakbo palapit kay Slex na malandi pa rin. Umiiyak na niyakap ko siya.
"Akala ko mamamatay na ako," parang batang iyak ko sa kaniya. "Putang ina ka, ang landi landi mo!"
"Tumahan ka na, bakla," bulong nito sa 'kin. "Mahiya ka naman, yung uhog mo tumutulo."
"Bakit na naman kayo nandito?" Napahiwalay ako sa yakap kay Slex nang marinig ko ang boses ng kaniyang kakambal.
Kay Carter dumako ang tingin ko. Hala, bakit nakasando na siya? Sinabi ko ba?
"Ang tigas tigas ng ulo niyo!" madiing sabi nito.
Hinila ako ni Carter paalis doon sa underground. Ramdam ko namang nakasunod sa 'min yung iba.
Nang makalabas doon sa lumang warehouse ay pabarag ako nitong binitawan. Nakahawak ang isang kamay ni Carter sa isang beywang niya habang ang isa naman ay sa kaniyang noo.
"Are you really wanna die, Campbell!?" galit na singhal sa 'kin ni Carter sa 'kin.
Napapikit naman ako dahil sa ginawang pagsigaw nito sa 'kin. Nang dumilat ako ay awra ni Tito Ezar ang nakita ko mula sa kaniya. Kamukha niya si Tito Ezar, parang yung Papa niya ang kaharap ko ngayon at hindi si Gagong Carter.
"Wag mo siyang pagalitan," sabad ni Slex. "Ako ang nag aya sa kaniya rito. Ako ang pagalitan mo."
Hinampas nito sa dibdib si Carter. Para-paraan lang ang siraulong malanding 'to, eh.
"Halika ritong makulit ka!" Hinila ni Nlex ang kakambal sa tainga.
Deserved!
"Masakit!" tili ni lantod na ikinangiwi nila.
Hindi ko magawang ngumiwi. Umiiyak lang ako na parang batang inagawan ng candy at pinagalitan ng Nanay. Ayaw na ayaw kong sinisigawan ako. Kahit sila Mame at Dade, hindi ako sinisigawan.
"Sorry. . ." Hinila ako ni Carter at isinubsob sa kaniyang dibdib. "Sorry for shouting. . ."
Nararamdaman ko ang paghaplos nito sa buhok. Mas lalo naman akong napangawa dahil sa ginawa nito.
"Akala ko mamamatay na ako," parang batang iyak ko sa bisig niya. "Ang laki nung kalbo tapos ang pangit nung matanda. K-kapag sinuntok ako ng kalbo, isang taong comatose agad ako. B-binitbit ako nung kalbo."
Naririnig ko ang pagtawa nila Rycher pero hindi ko pinansin. Gusto ko talagang umiyak tapos ilabas yung takot ko. Baka bangungutin ako kapag hindi ko pa nakalimutan yun. Tang inang kalbo na yun, kapag ako nagpalaki ng katawan sasapakin ko siya sa ulo niya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak at nakayakap kay Carter. Nang medyo kumalma ako ay lumayo na ako sa kaniya. Kinuha ko yung bimpo ni Carter sa bulsa nito at doon suminga.
"Kukunin lang namin yung gamit namin," mahinahong sabi ni Carter. "Maghintay kayong dalawa rito. Pagbalik namin ay dapat nandito pa rin kayo dahil kung hindi, hinding hindi ko na kayo tutulungan pa kapag may nangyaring masama sa inyo.
Tumango ako. "Yung pagkain ko kapag nandoon pa, kuhanin mo, ah? Isang daan pa naman ang halaga no'n."
Tumango lang siya.
Bumaik yung apat sa loob. Naiwan kami doon ni Slex at naghintay sa kanila.
"Kumusta ang hard chest ni Zaem?" malanding tanong ni Slex.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...