CHAPTER 11

2.5K 100 10
                                    

      Day One ng aming Intrams. Hindi pa magaganap ang labanan ng Ms. and Mr. Intrams pero kailangan naming rumampa para i-represents ang team namin sa magaganap na opening parade. Color Red kaming mga GAS Students na hindi pa sigurado sa buhay.

Isang fitted red sleeveless croptop ang suot ko at skirt na hanggang hita. Naka-white rubber shoes ako, hindi ko bet magtakong at baka mainis lang ako. Kahit kalaban namin ang  Team nila Slex, sinigurado pa rin nito na maganda ako dahil inayusan niya pa ako ng bongga. Blue Team si Slex at Nlex, si Cole naman ay green team.

"Ang ganda," nakangising sabi ni Rycher. 

"Inborn na, eh," mayabang kong sagot. "Hindi pa ba magsisimula? Init na init na ako rito, kaunti na lang din at maghuhulas na ako."

May kinuha ito sa bag niya. Isang electric fan na maliit. Iniabot niya sa 'kin yun na agad kong kinuha at binuksan.

"Magsisimula na raw." Napalingon kami sa kaklase naming pumasok.

Tumayo kami at lumabas, kasunod ko naman si Rycher. Dumiretso kami sa tapat ng gate dahil lalabas din kami ng school for parade. Hindi ko alam kung hanggang saan ang iikutin namin. Ang dami kasing arte, eh.

Nandoon na lahat ng muse at escort ng bawat team. Kahit si Carter ay nandoon na rin. Feeling pogi ito sa suot niya black trouser at red t-shirt. Simple lang si Carter pero may dating naman.

Tumabi agad ako sa kaniya. Tangkad ni Carter, sipag siguro nitong mag ano, mag-jumping jacks. 6'3 ang height niya, ako 5'4 lang kaya hanggang ibaba lang ako ng kili kili niya.

Limang minuto pa kaming nakatayo doon bago magsimula ang lakad. Nasa unahan kaming red team kasi maganda raw ako at masama ang ugali ko.

"Sayang ang rejuv," nakasimangot kong sabi dahil medyo mainit na.

Hindi naman part ng program yung labas ng school tapos may nalalaman pang parada. Kung gusto nilang mapagod, 'wag nila akong idamay.

"You're not talking but I hear your thoughts." Napatingala ako kay Carter nang magsalita ito.

Pagod ka nang maglakad tapos may katabi ka pang English-ero. Pagod na katawang tao mo, pati kaluluwa mo mapapagod, eh.

Hindi ko na lang pinansin si Carter na baliw. Bahala siya sa buhay niya, wala akong time makipag-english-an sa kaniya.

Halos thirty minutes yata kaming pumaparada bago kami bumalik sa school. Agad akong dumiretso sa classroom namin at tumapat sa electric fan. Binura ko rin yung make-up ko gamit yung wipes na ibinigay ni Slex. Wipes na ninakaw niya sa kaniyang Mamu na pamunas daw ng bilat nito.

Nang matanggal ko ang make up ko ay naglagay lang ako ng pulbos sa mukha at liptint. Natural beauty. Gandang gawa ni Wyatt at Penelope.

"Parsia bilat!" kahit hindi ko lingunin ang tumawag sa 'kin, alam kong si Slex yun. "Ang dami kong shots niyo ni Zaem, grabe, super bagay pala kayo?"

Umarko ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Mataray ko siyang nilingon, bahagya akong natigilan dahil kasama niya pala yung apat.

"Pinagsasasabi mo, Slex?" mataray kong tanong sa kaniya. "Wag niyo akong i-ship diyan kay Carter!"

"Sus, lalayag din kayo soon," sabi ni Rycher bago humalakhak.

"Mama mo lalayag." Inirapan ko siya.

"Send ko 'tong picture niyo sa parents niyo," sabi ni Slex.

Hindi ko na sila pinansin dahil busy akong pahanginan ang bilat ko–I mean ang sarili ko.

"Nagsisimula na ang program, kailangan nating bumalik sa Gym," sabi ni Carter. "Balik na."

Napasimangot ako bago tumayo. Nilapitan ko si Slex at agad hinila palabas ng classroom.

"Cutting tayo," bulong ko sa kaniya.

"Tarantada!" Binatukan ako nito. "Wala na ngang klase aayain mo pa akong mag-cutting."

Kunwari pa. No'ng elementary nga, inaya niya akong mag-cutting para lang i-meet up yung LDR niyang boyfriend na isa pa lang poser. Paano yung profile mala-kpop, tapos no'ng nagkita sila, matanda pala.

Nang makarating sa Gym ay agad kaming dumiretso sa upuan ng mga ka-team namin.

"Calling the attention of all SSG officers, proceed here on the stage," sabi ng Teacher na in-charge sa SSG.

Napatayo naman ako. Hindi pa nga nag iinit ang pwet ko sa upuan, tatayo na naman. Humilera kami sa stage at kitang kita namin lahat ng tao. Nakakahiya pala.

Nag-forward si Carter kasi magsasalita siya. Hindi ko na lang inintindi ang sinasabi niya dahil gutom na ako. Gusto kong kumain.

"Campbell. . ." Napalingon ako kay Carter. "Come here."

"Ako?" Itinuro ko ang sarili ko. "Bakit?"

"Mag speech ka," sagot nito. "Tell them to support us."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ayoko, hindi ako sanay sa ganiyan. Kaya mo na 'yan, Carter."

"Nag away pa ang mag asawa." Kinuha ni Rycher na walang hiya ang microphone. "Hello everyone, please support niyo ang Mr. and Ms. Intrams ng red team."

Malakas kong kinabog si Rycher nang matapos siyang magsalita. Natawa lamang ito bago pilit inaabot ang kaniyang likod na kinabog ko.

Pagkatapos namin ay bumaba kami ng stage at bumalik sa kaniya kaniyang upuan namin.

"Sit properly," bulong ni Carter. "Nakikita ang hita mo."

"Naka-cycling ako," balik kong bulong sa kaniya. "Wag kang mag alala, hindi nila makikita ang perlas ng silanganan."

Napasimangot ito. Kinuha nito ang isang jacket sa bag niya at inilapag iyon sa hita ko. Inayos ko naman iyon. Sayang naman kasi ang pagiging gentle dog niya.

Hikab lang ako nang hikab habang nagsasalita yung Teacher sa harapan. Nang masabing pwede nang umalis ay umalis na kami. Hinila ko agad si Slex papuntang canteen.

"Aray, puta!" inis kong sabi nang may bumunggo sa 'kin.

Yung pagkain no'ng bumangga sa 'kin ay tumapon lahat sa 'kin. Sobrang baho ko, lintik na 'yan!

"Sorry po," sabi ng babae.

Napahinga ako nang malalim. "Ayos lang."

Iniwan ko si Slex na nakapila at naglakad papunta sa c.r. Wala akong baon na damit, amoy bawang ako, lintik na 'yan!

Binasa ko yung natapunan na parte ng damit ko kaso balewala. Lalo lang din yatang lumakas yung amoy nung bawang.

Lumabas ako ng c.r dahil mukhang tatawagan ko na lang sila Mame para magpadala ng extrang damit.

Napahinto ako sa paglalakad nang may tumulak sa 'kin. Napakunot noo ako habang nakatingin sa shota ni Macy.

"Problema mo!?" singhal ko sa kaniya. "Inaano kitang kumag ka?"

"Akala mo ba kalilimutan ko na yung ginawa mo sa girlfriend ko?" maangas na tanong nito.

"Sinabi ko bang kalimutan mo?" Inirapan ko siya. "Wag mo akong daanin sa angas mo, ah? Gusto mo bang ipalibing kita kay Dade?"

"What's happening here?" hindi nakapagsalita si kumag nang sumulpot bigla si Carter. "What's your problem with her?"

Nagbabantang tingin lamang ang iniwan sa 'kin ni Kumag bago ito umalis.

"Yabang yabang duwag naman," bulong ko bago tingalain si Carter. "Oh? Ginagawa mo rito?"

Humiwalay ito sa 'kin habang nakahawak sa kaniyang ilong.

"You smells bad," nakangiwing sabi nito.

Aba't!

"Mas mabaho ka!" singhal ko bago maglakad palayo sa kaniya.

Lakas mambadtrip ng gago!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon