CHAPTER 26

1.9K 85 17
                                    

         Hinihintay kong bawiin ni Zaem ang sinabi niya pero hindi nito ginawa. Seryoso lamang ang tingin nito sa 'kin.

"Bawiin mo ang sinabi mo," salubong ang kilay na sabi ko kay Zaem. "Bawiin mo dahil hindi ako natutuwa!"

"I'm not joking," seryosong sabi nito. "I don't do jokes when it comes to my feelings."

"Siraulo ka ba!?" inis kong singhal sa kaniya.

"Huy, bilat," sita sa 'kin ni Slex. "May gusto lang sa 'yo, siraulo na?"

"Hindi ako natutuwa!" Inis kong sabi bago sila layasan.

Naririnig ko pa ang tawag sa 'kin ng mga ito pero hindi ko na sila pinansin. Ayoko nang ganito, hindi ako sanay sa ganito.

Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay trip nila ako ngayon. At kung trip nga 'to, hindi ako natutuwa!

"Mame, uuwi na kayo?" tanong ko kay Mame.

"Mamaya pa," sagot nito. "Nag-iinom pa si Dade mo, pinagbigyan ko kasi minsanan lang naman."

Napatango naman ako.

"Mauna na po ako, ah?" paalam ko. "Mag-iingat kayo."

Ngumiti ako nang maliit kay Mame bago maglakad palabas ng gate ng bahay nila Jomela. Tumatakbo ang isip ko sa sinabi ni Zaem.

Pero paano nga kung seryoso siya? Paano kung gusto niya ako? Anong gagawin kong pakikitungo sa kaniya?

Balak ko sanang umuwi pero dinala ako ng mga paa ko sa convenience store na malapit sa village namin. Pumasok ako sa loob at bumili ng ice cream. Lumabas ako at naupo doon sa may upuan sa gilid.

Tulala lang ako habang nginangata yung ice cream at iniisip pa rin ang sinabi ni Zaem.

"Anong ginagawa mo rito?" Nabalik ako sa ulirat ko nang may nagsalita. Si  Rycher. "Bakit mag-isa ka?"

"Ayoko nang bumalik doon," mahinang sagot ko. "Ikaw, bumalik ka na doon at baka hinahanap ka nila Tita Ryee."

"Nag-text na ako kay Nanay." Naupo ito sa tabi ko at inagaw ang kinakain kong ice cream. Kumagat lang siya doon at ibinalik ulit sa 'kin.

Hindi naman ako nag-reklamo dahil wala akong ganang makipag-asaran ngayon.

"Anong nangyari?" tanong nito. "Inaway ka ba nilang lahat? Gusto mo sapakin ko sila?"

Umiling lang ako.

"Eh, ano nga?" pangungulit nito.

"Yung pinsan mong gago. . ." Napahinga ako nang malalim. ". . . umamin na gusto niya raw ako.."

Hinihintay ko ang reaksiyon nito. Ilang segundo lang ay bumakas ang gulat sa mukha nito. Wala ng kwentang kausap, late reaction pa si Tanga.

"Umamin na siya!?" gulat na tanong nito. "Gago, hindi ko akalain na totohanin niya yung sinabi niya."

"Pati ba naman ikaw man-ti-trip!?" Inis kong tanong sa kaniya.

"Tanga, hindi kami nan-ti-trip," sabi nito at muling inagaw ang kinakain kong ice cream. "Gusto ka talaga ni Kuya Zaem. Grade eight pa lang tayo, ligaw tingin na sa 'yo yun."

"Ha? Paano!?" Nagulo ko ang aking buhok. "Paanong mangyayari 'yon? Eh, palagi kaming nag-aaway. Inis din siya sa 'kin! Tapos, hindi nagkakagusto ang mga desisyon namin!"

"Mapagpanggap lang ang pinsan ko," nakangising sabi nito. "Ayaw niya rin kasi minsan ang ginagawa mo, dahil ayaw niyang pinag-uusapan ka ng mga tao. Kung alam mo lang kung gaano kapatay na patay sa 'yo si Kuya Zaem." Hindi naman ako nakasagot. "Naalala mo nung nakita mo kaming parehong may pasa sa mukha noong grade 8? Nagsuntukan kaming dalawa no'n kasi pareho kaming may gusto sa 'yo. Nagsuntukan kami at kung sino ang unang umiyak, matatalo. Ayon, talo ako."

"Seryoso ka ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Aminado akong maganda ako, pero hindi ako makapaniwala sa mga isinisiwalat niyo."

"Ewan ko ba kung bakit nagustuhan kita," iiling-iling na sabi nito. "Pero past is past, may bago na akong nagugustuhan, eh."

"Sino? Yung haponesa?" nakangising tanong ko sa kaniya.

Tumawa lang ito at tuluyan nang inubos ang ice cream ko. Ang kapal talaga ng mukha nitong gagong 'to.

Saglit pa kaming tumambay ni Rycher doon sa convenience store bago kami magdesisyong umuwi. Sa daan ay naghaharutan pa kami at nagtutulakan.

Kahit papaano naman ay guminhawa ang pakiramdam ko at nakatakas ako sa pressure na nararamdaman ko kanina.

"Balik ako sa handaan," sabi ni Rycher. "Punta ka na sa bahay niyo, tingnan kita mula rito."

"Kaya ko na," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Sige na, umalis ka na."

"Sana sagutin mo si Kuya Zaem," nakangising sabi nito bago tumakbo palayo.

Kung hindi siya tumakbo palayo baka nabalibag ko siya ng sapatos. Napailing iling na lang ako bago maglakad pauwi. Sana wala pa sila Mame, para hindi ako mabungangaan.

"Parsia. . ." Napaatras ako nang bigla na lang sumulpot si Zaem.

"H-hi?" naiilang kong bati sa kaniya. "Zaem, gabi na, bukas na tayo mag-usap."

"Did I scare you?" mahinahong tanong nito. "Sorry kung natakot kita dahil sa sinabi ko."

"Zaem, seryoso ka ba talaga?" naiilang kong tanong sa kaniya. "Zaem, baka naman naguguluhan ka lang diyan sa feelings mo. Baka naman si Slex talaga ang gusto mo. Zaem, bakit ba kasi ako!? Enemy tayo, 'di ba!? O baka ginagawa mo 'to para hindi na kita takutin. Zaem, safe na sa 'kin ang sikreto mo, basta, 'wag lang ganito –"

"Parsia, calm down. . ." Kinuha nito ang kamay ko kaya medyo kumalma ako. "Yeah, I like you, but I will never force you to like me back. Gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko at hindi naman ako naghahangad ng kapalit." Ngumiti ito sa 'kin. "Parsia, don't pressure youself about this, please. Hindi kita sasaktan, okay? Hindi ako magagalit."

Tatlong beses akong huminga nang malalim at naging kalmado naman ako. Punyeta, ang oa ko masyado. Nakakapikon!

"Wag kang ma-pressure," saad muli nito. "Hindi naman ako yung tipo ng lalaki na pipilitin kang mahalin ako pabalik. At saka, gusto kita dahil gusto kita, walang ibang dahilan. Parsia, hindi kita ginusto dahil trip ko lang o dahil sa deal nating dalawa. I like you since we're young. I admired you so much."

Napatitig ako kay Zaem at kitang kita ko ang pagiging sincere nito. Hindi ko alam pero may parte sa akin na masaya dahil gusto niya ako.

"Thank you, Zaem," nakangiting sabi ko sa kaniya.

"So, you like my sister, huh?" Pareho kaming gulat na napalingon sa nagsalita.

Si Kuya Paxton!

Nakasandal ito sa gate at may hawak na sigarilyo. Nakasuot ito ng jeans at sandong puti. Gulo-gulo ang buhok nito na parang bagong gising.

"Kuya Paxton!" Gulat kong sabi.

Tinapon nito ang sigarilyo niya sa basurahan sa gilid.

"Pasok sa loob," seryosong sabi nito sa 'kin.

Alanganing nilingon ko si Zaem. Nakangiting tumango lamang ito bago bitawan ang kamay ko.

"Good night," nakangiting sabi ni Zaem.

"Good night," tugon ko bago maglakad papasok ng gate.

Lumingon pa ako sa kanila ni Kuya Paxton pero hinila ni Kuya ang gate pasara.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Zaem, kung sakali man.

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon