Nadalhan ako ni Kuya Paxton ng damit kaya hindi na ako amoy bawang. Who you ngayon sa 'kin 'yang si Carter na 'yan.
Para akong gwardiya ngayon na palakad lakad sa school. Naatasan kasi ang mga SSG na magbantay ng mga mag-ca-cutting at mga mag-jowa na nagsosolo sa isang lugar.
"Hoy, anong ginagawa niyo diyan sa likod ng school?" sita ko sa dalawang student. Mukhang bebe time sila. "Balik doon sa program!"
Inayos ng babae yung damit niya bago sila tumakbo paalis ng kaniyang jowa. Mga kabataan nga naman ngayon.
Paalis na sana ako kaya lang may tumulak sa 'kin. Muntik na akong masubsob mabuti na lamang ay napahawak ako sa isang kahoy.
Nilingon ko ang tumulak sa 'kin at bumungad sa 'kin ang jowa ni Macy. Siya na naman? Tang ina!
"Ano bang problema mo?" inis kong tanong sa kaniya. "Stalker ba kita? Na-love at first sight ka ba sa 'kin? Sorry not sorry pero hindi kita type!"
"Ang tapang mo rin talaga 'no?" maangas na tanong nito. "Huling angas mo na naman 'to."
Lumapit ito sa 'kin pero hindi ako umatras. Hindi ako magpapatinag sa kaniya.
"Anong gusto mo? Suntukan?" Pinatunog ko ang kamao ko. "Hindi kita aatrasan."
Anong akala niya sa salita lang ako matapang? Ako ang unang prinsesa ng gang nila Dade kaya tinuruan nila akong makipag-suntukan.
Umamba ng suntok itong shota ni Macy na mukhang hito, pero bago niya mapatama sa 'kin ang kaniyang kamao ay initlugan ko agad siya.
Napasapo naman ito sa kaniyang itlog habang namamalipit sa sakit at naiiyak.
"Deserved!" tumatawang sabi ko. "Isang beses mo pang guluhin ang buhay ko at isusumbong na kita kay Dade–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Bumagsak ako sa lupa na hilong hilo. Wala na, makikita ko na ang manok ni San Pedro.
"Ang yabang mong babae ka!" Naramdaman kong may tumadyak sa sikmura ko bago ako mawalan ng malay.
Gaganti talaga ako, punyeta!
_
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Nang magising ako ay nasa isang madilim na lugar ako at nakatali ako
Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa isang drum ako. Gusto kong sumigaw kaya lang may tape ang bibig ko.
Umalog alog ang drum na kinalalagyan ko kaya nagkauntog-untog ako dahilan para mas lalong sumakit ang ulo ko at bumaliktad ang sikmura ko.
Paano ako susuka nito? Wala na, ibalik na lang ulit sa sikmura.
Isusumbong ko talaga sila kay Dade. Wala na akong pakielam kung i-salvage man sila ni Dade, deserved naman nila yun.
Naririnig ko mula sa labas ang tubig. Naiiyak na lang ako dahil alam ko na ang nangyayari. Ikinulong ako sa drum at itinapon sa ilog.
Paano kapag walang nakakita sa 'kin? Ede mamamatay ako. Matatagpuan na lang akong bangkay. Nakakainis! Dapat pala hindi ko na tinanggal ang make up ko para matagpuan nila akong maganda at hindi haggard.
Kapag namatay ako, wala ng maganda sa pamilya namin. Kapag namatay ako, wala ng maganda sa buong mundo.
Lord, promise po na babawasan ko na ang pagmumura at pagiging masamang tao basta iligtas niyo lang ako ngayon.
Muli akong nauntog nang bigla na lamang lumakas ang alog ng drum. Bali-baliktad na ang organs ko, tang inang 'yan.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Maya maya lamang ay natanggal ang takip ng drum. Medyo malabo pa ang imahe nang nagbukas.
'Lord, ikaw na po ba ito? Sure ka na pong kukuhanin mo na ako? Wala ho bang maganda diyan sa langit?'
"Parsia!" hindi pala si Lord. Si Carter pala ito.
Hinila nito ang tape sa bibig ko. Gusto ko siyang murahin nang murahin dahil ang sakit kaya!
"Are you okay?" bakas sa boses nito ang pag aalala.
"Ang sakit kaya nang pagkatanggal mo ng tape!" singhal ko sa kaniya.
Tumawa ito bago ako buhatin palabas ng drum. Tumawa pa talaga siya, ah? Teka, tumawa si Carter? Magugunaw na ba ang mundo? Hindi tumatawa si Carter kapag ako ang kausap dahil palagi siyang stress sa 'kin.
Mas nabigla ako sa sunod nitong ginawa. Niyakap niya ako! Anong karapatan niyang yakapin ako? Gusto niya bang makatikim ng thirty minutes pang yakap?
"H-huy!" dapat magagalit ako, eh, pero tang ina lang dahil nanlalambot ako.
"I'm glad you're fine," walang emosyon ang boses ni Carter pero damang dama ko na panatag siya dahil ligtas ako.
Humiwalay ito sa yakap at tinitigan ako. Napahinga ito nang malalim bago kalagan ang tali ko.
Inuna pa akong landiin, bago tanggalin ang tali ko.
"Pa 'no niyo 'ko nahanap?" tanong ko. Napangiwi ako nang kumirot ang ulo ko. Sakit!
"It's not important anymore." Binuhat ako nito.
"Parsia!" hindi ko pinansin ang mga boses na tumawag sa pangalan ko. Ang atensiyon ko ay na kay Carter lamang na pawis na pawis at halatang pagod na pagod.
"Bakla!" Nabalik ako sa ulirat nang bumungad sa mukha ko ang mukha ni Slex. "Hoy, buhay ka pa bang bilat ka?"
"Mamamatay na sana ako kaso nabuhay ako dahil sa baho ng hininga mo!" singhal ko sa kaniya. "Hindi man lang nag-tooth brush bago ako hanapin!"
"Mas importante ka," sagot nito.
"Parsia!" parang manikang inagaw ako ni Dade mula kay Carter. Tang ina, ang sakit! Anak niya ba ako? "Are you okay, baby?"
"Dade, ginawa mo po akong manika!" nakasimangot kong tugon. "Alam kong maganda ako pero injured ako, okay? Careful naman."
Nanggilid ang luha nito. "Promise, they will all pay for this! Hinding hindi ko sila mapapatawad!"
"Tama, 'wag mo silang patawarin," sang ayon ko bago kumapit sa kaniya. "Thank you po sa pagdating. Akala ko mamamatay na ako, eh."
"No, baby, hindi ka mamamatay," sagot nito. "Sila ang mamamatay ngayon."
"Sumbong kita kay Mame," natatawang sabi ko. "Dade, pa-CT Scan mo ako, ah? Feeling ko kasi sobrang bobo ka na."
"I will, baby..."
Ngumiti lamang ako bago sumandal sa dibdib ni Dade. Hard chest naman si Dade, parang si Carter–Ulol! Anong Carter? Payatot kaya yun!
Pero, sige na nga, niligtas naman niya ako kaya gwapo na siya at may hard chest. Ngayon lang naman kaya pwede nang pagbigyan.
_________________
HELLO, IF YOU WANT ADVANCE UPDATE. PWEDE KAYONG MAG-AVAIL SA VIP GROUP KO.
JUST CONTACT THESE ACCOUNTS:
FB: KwinDimown WP / Kwindaymown WP
FB PAGE: KwinDimown
IG: kwndmwn
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...