"Anak. . . " Napatigil ako sa pagpapahid nang kalandian sa mukha, nang pumasok si Dade.
"Po?" Tanong ko, bago ipagpatuloy ang ginagawa ko.
"Are you mad?" tanong nito bago maupo sa kama ko. "Are you mad because my attitude towards you? Am I too much?"
"Hindi naman po ako galit, medyo lang," sagot ko. "Medyo naaano lang po ako dahil sa sobrang higpit mo. Alam ko naman po na normal yun sa inyo, kasi Tatay ka at babae ako kaso parang wala ka nang tiwala sa 'kin."
"Sorry," mahinang sabi nito. "I'm just worried about you, Parsia. Gago kasi ako noon, at baka kasi makuha mo ang karma na para sa 'kin dapat. Ayokong masaktan ka dahil hindi ko kaya. You're my forever baby, Parsia. You know how much I love you, right?"
"Dade, hindi na po ganoon ang mangyayari. At saka, pinagsisihan mo na naman po ang nagawa mo noon at sobrang nagbago ka na." Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Tinabihan ko siya. "Dade, hindi naman ako masasaktan, eh. Susugal ba ako kung alam kong masasaktan ako?"
"Okay, hahayaan na kitang magdesisyon sa gusto mo ngayon. Pero kapag nasaktan ka, mangingielam na ako, ah?" Hinaplos nito ang buhok ko. "Walang may karapatang manakit sa Anak ko. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa 'yo, okay?"
Tumango ako. "I love you, Dade."
"Nakakakilabot kang maging sweet," natatawang sabi nito. "Mas sanay akong maldita ka."
Tumikwas naman ang nguso ko dahil sa sinabi niya. Wow lang, ah? Minsan na lang maging mabuting tao, ayaw pang pumayag.
"Sige na, magpahinga ka na," sabi ni Dade. "Aalis na ako. Goodnight, Maldita. Daddy loves you so much."
Hinalikan ako nito sa noo bago lumabas ng kwarto ko. Nakangiting napasandal naman ako sa headboard ng kama ko. Kinuha ko ang cellphone kong nasa bedside table. Kusang umusli ang ngiti sa labi ko nang bumungad agad ang chat ni Zaem sa 'kin.
Zaem Ezery:
– Good evening. Are you done eating dinner?
Kaninang seven pa siya nag-chat, mag-one hour na pero wala pa rin akong reply. Bawal kasi cellphone sa hapag namin, magagalit si Dade at Kuya Paxton.
Parsia Wyatt:
– Slr. Done eating dinner and putting skincare. Ikaw? Kumain ka na ba?
Zaem Ezery:
– It's okay. Done eating dinner too.
Parsia Wyatt:
– Okie.
Zaem Ezery:
– Okay lang vc tayo? Alam ko kasing tamad kang mag-reply.
Oo, super tamad ko talagang mag-chat. Wala lang, nakakatamad lang mag-type.
Parsia Wyatt:
– Okay lang, nasa kwarto na naman ako.
Walang pang limang segundo ay tumawag agad siya. Nagtungo naman ako sa study table ko. Inilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at isinandal bago sagutin ang tawag.
Bumungad sa 'kin si Zaem na mukhang nakasandal sa headboard ng kama niya. Hanggang dibdib lang ang nakikita ko sa kaniya. He's wearing black sando. Nakikita ko yung malaki niyang braso at yung tattoo niya sa dibdib at sa bandang balikat.

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...