CHAPTER 28

4.4K 120 28
                                        

        Hindi kami makapag-practice nang maayos, paano ba naman, agaw eksena ang mga Tatay naming akala mo modelong nakaupo. Isama pa ang mga kapatid naming lalaki, maliban kay Kuya Paxton. Alam ko naman binabantayan niya lang ako.

"Umayos na kayo!" inis kong sabi bago tingnan si Dade at Kuya Paxton. "Dade, umuwi nga muna kayo! Kami ang nahihirapan dahil sa inyo, eh!"

"What? We're just sitting here," sagot ni Dade.

"It's not our fault if we're handsome," kaswal na sabi ni Tito Archer.

Inis kong nilingon si Rycher. "Pagsabihan mo nga ang Tatay mo!"

"Hindi nila kasalanan na gwapo sila," sagot lang nito at nag-thumbs up pa sa Ama niya. "Ano ka ba? Huwag ka ngang highblood, maging masaya ka na lang dahil maraming humahanga sa mga Tatay natin."

"Hindi ako natutuwa!" inis kong sabi. "Mag-water break muna nga tayo!"

Padabog kong nilapitan sila Dade. Nakangiting hinila naman ako ni Dade at pinunasan ang pawis ko.

"Isusumbong kita kay Mame," nakasimangot kong sabi sa kaniya.

"Nagpasama ako kay Dade kaya hindi magagalit si Mame," nakangiting sabi ni Precious. "Sabi ni Kuya Paxton, ayain ko raw si Dade sa court, tapos kasama siya."

Nilingon ko si Kuya Paxton. "Talagang binayaran mo pa si Precious, ah?" inis kong sabi sa kaniya.

Nagkibit-balikat lamang ito.

"Pa, umuwi na kayo," sabi naman ni Zaem na nakalapit na rin sa 'min. Kasunod niya sila Slex, na mukhang badtrip din. Si Rycher lang yata ang masaya.

"Tama, umuwi na kayong mag-ama," sabi ni Dade bago harapin si Tito Ezar. "Ezar, umuwi ka na kasama 'yang Anak mong binabakuran ang Anak ko."

"What's wrong with that?" salubong ang kilay na tanong ni Tito Ezar. "Mabait itong Anak ko kaya tiwala akong hindi niya sasaktan si Parsia kung sakali man."

"Hindi mo masasabi 'yan, Ezar," sabi ni Dade. "Wala akong tiwala sa 'yo."

"Wala rin naman akong tiwala sa 'yo," tugon ni Tito Ezar.

Nagtagisan ng tingin ang dalawa kaya napahampas na lang ako sa noo ko. Mahirap kapag nag-away ang dalawang 'to, baka magbarilan pa sila.

"Dade, tama na nga!" Inis kong sabi.

Hindi naman ito nagpatinag, lalo na si Tito Ezar.

"Ay, suntukan ba 'to?" Dumating sila Tito Von, kasunod ang iba pa. "Pusta ko isang kidney ni Acer," sabi ni Tito Von.

"Idaan niyo na lang sa basketball," sabi ni Tito Lack. "Unang rayumahin, talo."

Iba talaga kapag nagsama-sama ang mga lintik. Nakakagigil sila. Para silang mga tumatanda paurong.

"Sige, game!" Sabi ni Dade bago maghubad.

Hindi naman nagpatalo si Tito Ezar at naghubad rin. Aminado ako na kahit matanda na sila, iba pa rin ang karisma nila at maganda pa rin ang katawan nila.

"Kapag natalo ka, ilayo mo ang Anak mo sa Anak ko," sabi ni Dade kay Tito Ezar. "Kapag nanalo ka, hahayaan kong ligawan ni Zaem si Parsia ko."

Ay wow, paladesiyong Ama ka?

Pumayag naman si Tito Ezar. Ayon, nagsimulang mag-basketball ang mga matatandang utak bata. Kakampi ni Dade si Tito Archer, Tito Cloud, Tito Shawn at Tito Karson. Ang kakampi naman ni Tito Ezar ay si Tito Acer, Tito Von, Tito Josial, at Tito Malcolm. Si Tito Lack naman ay referee lang.

"Parang wala na sa tamang pag-iisip ang mga Tatay natin," sabi ni Slex. "Buti na lang masarap sila."

Inis ko naman siyang binatukan.

Practice namin 'to, eh. Kaso may papansin kaming mga Tatay. Yung mga hindot naman namin mga kasama sa court, enjoy na enjoy. Hindi sa laro, kundi sa katawan ng mga matatanda.

May kaniya-kaniya rin team ang mga lintik. Dinaig pa ang nanonood ng liga.

"Sana bumagsak tayong lahat," nakasimangot kong sabi.

Hindi pwedeng ako lang, idadamay ko silang mga hindot sila.

Sa unang round, lamang si Dade kaya ang yabang. Dalawang round lang daw sila dahil baka raw rayumahin sila. Hindi, sana magka-gout sila. Lintik na 'yan.

"GO, WYATT!"

"GO, EZAR!"

Napalingon ako sa sumigaw, at napanganga na lamang ako nang makita ang Nanay namin ni Zaem, nandito rin ang asawa ng mga players.

"Tingnan mo ang ginawa mo!" inis kong sabi kay Kuya Paxton. "Ang issue mo kasi masyado!"

"I'm just protecting you," sabi nito.

"Sus, wala lang kayong tiwala sa 'kin, eh," mahinang sabi ko bago umiwas ng tingin.

Nagsalita pa ito pero hindi ko na siya pinansin.

Natapos ang laro at si Tito Ezar ang nanalo, medyo masaya naman ako ng ten percent. Masaya ako dahil natalo si Dade, hindi dahil excited akong manligaw si Zaem.

"Paano ba 'yan? Talo ka, Campbell," mayabang na sabi ni Tito Ezar kay Dade. "Nalinis ko na ang Anak ko."

"Balewala naman ang pagkapanalo niyo at ang laro niyo," sabi ni Zaem kaya napatingin kami rito. "Pa, Tito Wyatt, I won't Parsia to like me back. I know she's not ready for relationships. I don't want to pressure her. I want to take it slowly, too."

Para namang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ni Zaem. Buti pa siya, gets ang kalagayan ko. Yung Tatay at kapatid ko, hindi. Ang oa kasi pareho.

"Putek, para saan pa itong pagod namin?" reklamo ni Tito Von bago mahiga sa lapag ng court.

"Paladesisyon kasi kayong dalawang matanda kayo," sabi naman ni Tito Karson at nahiga rin.

"Siraulo kayong dalawa, ilibre niyo kaming meryenda!" singhal sa kanila ni Tito Archer.  "Ilibre niyo rin ang mga taga-cheer niyo!"

Umirap lang sa kanila ang Tatay namin ni Zaem bago maupo sa tabi ng asawa nila.

"Mame, inaapi na ako ni Dade at Kuya Paxton," pagdadrama ko.

"Hayaan mo, mamaya sa 'kin ang dalawang 'to," sabi ni Mame.

Natapos ang mga nangyaring kalokohan kaya balik practice kami. Wala pa ngang trenta minuto ang practice pero huminto na naman kami. Paano ba naman, may sandamakmak na jollibee ang dumating. Nag-order pala si Dade at Tito Ezar.

Ang dami namang nangyayari, nandito kami para sa practice, tapos may matatandang nagliga. Natapos ang liga, napalitan naman ng feeding program. Sabay sabay talaga kaming babagsak nito.

Napahinga na lang ako nang malalim at nagsimulan kumain.

"Are you okay?" tanong ni Zaem, na nasa tabi ko.

"Oo," sagot ko. "Nabaliw lang ako dahil sa mga nangyari."

"Sorry dahil sa ginawa ni Papa," sabi nito.

"Ayos lang," tugon ko. "Pero salamat, ah? Salamat dahil naiintindihan mo ako. Hayaan mo, kapag ready na ako, sasabihan kita."

"I'm willing to wait, Parsia. I will wait for you," nakangiting sabi nito.

Haba ng hair ko talaga!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon