Inis na inis ako kay Zaem, sa sobrang inis ko talaga sumama ako sa kanila sa underground kahit takot ako. Wala ring naging choice si Slex kaya sumama rin sa 'min.
Wala, eh, gusto kong masaksihan kung paano siya matigok. Nakakainis siya!
"Parsia, hindi niyo naman kailangang sumama–"
Napatigil sa pagsasalita si Nlex nang bigyan ko siya ng matalim na tingin. Yung tingin na, hihilingin na lang niyang matigok. Gusto kong maramdaman nila na sobrang galit ako.
"Parsia. . ." Hinawakan ako ni Zaem pero tinapik ko ang kamay niya. Napahinga naman ito nang malalim. "Iuuwi namin kayo, hindi kayo pwedeng sumama–"
"–Sige, uuwi na!" galit kong singhal sa kaniya bago tapikin ang driver ng taxi. "Manong, pakitabi ang taxi o tatalon ako."
Huminto ang taxi kaya padabog akong bumaba at naglakad. Nakakainis talaga silang lahat. Concerned ka na nga, sila pa ang ganiyan!
"Tang ina, hintayin mo ako!" sigaw ni Slex kaya huminto ako sa paglalakad.
Nakalimutan kong kasama ko pala siya.
Nang maabutan ako ni Slex ay hingal na hingal ito. Nagpatuloy ako sa paglakakad at sumabay naman ito.
"Parsia bilat, 'wag ka nang mag-alala sa mga 'yon at siguradong magiging okay lang sila," sabi ni Slex. "Masasamang damo ang mga 'yon, parang mga Tatay nila."
"Paano si Zaem? Ang taas taas ng lagnat niya!" Naiyak na lang ako dahil sa sobrang inis. Ganito talaga ako mainis, umiiyak. Dimonyita ako pero soft hearted nang kaunti. "Hindi pa nga niyang magalaw maayos ang katawan niya, eh, lalo na yung braso niya."
"Wag ka nang umiyak," sabi ni Slex bago haplusin ang likuran ko.
Hindi ako sumagot at pinunasan lamang ang luha ko. Nang makarating sa bahay ay hindi ko na nagawang magpaalam kay Slex, dumiretso agad ako sa loob.
Hindi ko rin pinansin sila Dade at diretso agad ako sa kwarto mo. Inilapag ko yung bag ko bago tumalon sa kama at doon umiyak.
Naiiyak talaga ako dahil sa sobrang inis at frustration. Kasalanan ko kung bakit nalamog si Zaem, ede kasalanan ko rin kapag natigok siya.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal si Mame.
"May problema ba?" tanong ni Mame bago maupo sa kama ko.
"Wala po," sagot ko. Pinilit kong 'wag pumiyok pero bigo ako. "Ayos lang po ako, Mame. Naiinis lang ako."
"Magpahinga ka na," sabi ni Mame bago haplusin ang buhok ko.
Muli naman akong naiyak bago gawin unan ang kaniyang hita at yumakap sa kaniya.
Ipinikit ko ang mga mata ko pero bago ako tuluyang makatulog ay muling bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Dade naman ang iniluwal no'n.
"Nasa baba ang mga kaibigan mo," sabi ni Dade kaya bahagya akong natigilan. "Teka, bakit umiiyak ka? Pinaiyak ka ba nila?"
Hindi ako sumagot at pinunasan lamang ang luha ko.
"Lumayas po kamo sila," sagot ko bago magtalukbong ng kumot.
Bakit nandito sila? Imposible namang tapos na silang lumaban. Siguro nandito sila kasi na-guilty sila. Tapos, ano? Kasalanan ko pa ngayong hindi sila nakapunta sa underground.
Ang hirap naman ng buhay ko ngayon. Sana pala hindi na ako nag-alala at naging masama na lang forever.
"Kausapin mo ang mga kaibigan mo," sabi ni Mame. "Papapasukin ko sila rito."

BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...