CHAPTER 29

4.8K 110 12
                                        

         "Dade, bakit ka ba nakasunod!?" inis kong tanong sa Tatay ko.

Paalis na ako ng bahay at nagtataka ako dahil nakasunod siya. Pansin ko ring binabantayan nito ang cellphone ko.

"Bakit susunduin ka ni Zaem? Manliligaw mo siya?" tanong nito.

"Pinakielaman mo ang cellphone ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Dade, 'di ba po may privacy tayo sa bahay!?"

"Teka, nakita ko lang siya, hindi ko naman tiningnan talaga," sabi nito.

"Binabantayan mo kasi yung cellphone ko kanina pa!" inis kong sabi. "Wala ka bang tiwala sa 'kin? Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?"

"Hoy, Wyatt! Tantanan mo si Parsia!" Lumabas si Mame na may dalang tumbler. "Sinasabi ko sa 'yo, babambuhin kitang lalaki ka."

"Honey, I'm just concerned to our daughter," sabi ni Mame.

"Sasampalin talaga kita," sabi lang ni Mame rito. Iniabot sa 'kin ni Mame ang tumbler na hawak niya. "Ayan, magbaon kang tubig at sobrang init ng panahon. Lumakad ka na at baka kanina pa sa labas ang mga kaibigan mo."

Napatango naman ako. "Thank you po."

Ngumiti ako kay Mame, si Dade naman ay pasimple kong inirapan dahil nakakainis siya.

Akala ko okay na ang lahat pero muli akong nairita, dahil paglabas ko ng gate, si Kuya Paxton naman ang bumungad sa 'kin.

"Mame, si Kuya Paxton naman ang nanggugulo sa 'kin!" malakas kong sumbong.

"Palagi akong nakabantay sa 'yo," banta nito kay Zaem, bago pumasok sa loob ng gate.

Napahinga na lang ako nang malalim at napailing. Ang oa ng lalaki sa bahay, makikipagtanan na lang talaga ako kapag nainis ako.

"Dami mong bantay," sabi ni Slex Bilat. "Malantod ka kasing babaita ka."

"Mukha ba akong mabubuntis nang maaga?" nakasimangot kong tanong.

Hinila ako ni Slex bago ito magsimulang maglakad. "At talagang sa 'kin mo tinanong 'yan? Hindi sa jinu-judge kita, pero mukhang oo," sabi nito.

"Tang ina mo, ah!?" Singhal ko sa kaniya.

Hindi man lang nagsinungaling, talagang oo agad ang sagot.

"Gaga ka, sa karisma ba naman ni Zaem, halatang bubukaka ka agad," sabi nito. "Huwag kang painosente, malandi ka talaga kapag gwapo ang usapan."

Pasimple kong nilingon si Zaem. Nahuli kong nakatingin sa 'kin ito kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

"Punyeta ka, sana mabuntis mo nang maaga yung babaeng nakapagpaamo sa 'yo at may mahiwagang bilat," sabi ko.

"Yang bunganga mo, susupalpalin ko 'yan!" iritang sabi nito.

Nag-make face lang ako sa kaniya bago siya layuan. Nilapitan ko si Rycher, na kanina pa tahimik at mukhang may iniisip.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya.

Walang ganang umiling lang ito. Napansin ko na agad na may problema dahil iba ang awra niya. Pang-semana santa siya.

"Ano nga?" Hinampas ko ang likod nito. "Magsabi ka na."

Napahinga siya nang malalim. "Nahuli kasi kami ng Papa ni Astrel na magkasama, nagalit 'to. Nag-aalala ako ngayon kasi baka may ginawa yung Papa niya sa kaniya," mahinang sabi nito.

"Ede, kumustahin mo mamaya sa school," tugon ko.

"Nag-text siya gamit yung pinahiram kong keypad cellphone, hindi siya makakapasok dahil grounded raw siya," sabi nito. "Nagsabi lang daw ang Papa niya sa Teachers na may sakit siya."

"Ede, akyatin mo mamayang gabi ang bahay nila," pagbibiro ko. "Gawain mo naman ang maging akyat bahay, 'di ba? Noong mga bata tayo, palagi mong inaakyat ang gate ng bahay niyo para tumakas."

"Salamat sa ideya, Parsia," sabi ni Rycher at ngumiti sa 'kin.

"Siraulo, binibiro lang kita!" Singhal ko, bago siya hampasin sa braso.

Tumawa lang ang loko at sisipol-sipol na naglakad palayo. Gago talaga, eh. Sana naman 'wag niyang seryosohin ang sinabi ko kanina.

"Good morning." Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Zaem mula sa gilid ko.

Mabilis naman ako napaayos. Nagiging soft girl ako bigla simula nang umamin siya. Kainis kasi, eh, bakit may aminan pa?

"Good morning," tugon ko bago tipid na ngumiti.

"Wala si Mr. Allegro, mamaya," sabi nito. "Bale, ang lunch natin ay magiging tatlong oras. Gusto mong mag-samgyup tayo? Libre ko."

"Inaaya mo ba ako ng date?" Diretsang tanong ko sa kaniya.

Napakamot naman ito sa ulo niya at umiwas ng tingin. Napansin ko ang pamumula ng leeg nito, paakyat sa kaniyang tainga.

"Uhm, sort of. . ." mahinang sabi nito.

"Pucha, may pang-date pero hindi mabayaran one hundred ko," sabad ni Rycher. Inakbayan nito ang pinsan niya. "Sama mo naman ako, Kuya Zaem. Ako ang kamag-anak, ako dapat ang inuuna mo."

"No," masungit na sabi ni Zaem bago alisin ang pagkaka-akbay ng pinsan. "Pang-dalawang tao lang ang badget."

"Pang-dalawang tao? Pang-limang tao kaya kumain 'yang si Parsia," sabi ni Rycher, tumatawang tinuro ako nito.

Inis ko namang sinipa ito. Mas lalo lang lumakas ang tawa ng lalaki at iika-ikang lumayo sa 'min.

"Hindi ka sana matanggap ng soon to be parents in law mo!" hiyaw ko sa kaniya.

"Don't mind him," sabi ni Zaem bago umayos ng tayo. "So, are you free later? Magpapa-reserve na ako."

"Nagpaalam ka ba kila Dade?" tanong ko. "Alam mo naman na mahigpit sa 'kin ang mga 'yon ngayon dahil sa pag-amin mo."

"Nagpaalam ako kagabi kay Tita Penelope, and she said yes," tugon niya. "Nagpaalam din ako kila Kuya PX at Tito Wyatt, kaso ayaw nilang pumayag."

"Pumayag naman pala si Mame, eh, gora na," nakangiting sabi ko. "Sayang din yung masarap na lunch na ililibre mo."

Nakita ko ang biglaang pagliwanang ng mukha nito.

"Okay, pa-reserve ako para sa 'ting dalawa," nakangiting sabi nito. "Thank you, Parsia."

"Wag kang ano, ah? Baka isipin mo crush na kita," sabi ko. "Ayoko lang mag-mukhang kawawa, okay?"

"Okay," nakangiting sabi nito bago tumingin sa cellphone niya.

Pasimple na lang akong napangiti dahil sa reaksiyon ni Zaem. Wala lang, ang gaan lang bigla nang loob ko dahil sa ngiti ni Zaem.

Nawala lang ang ngiti ko nang mapansin ang tingin sa 'kin ni Slex. Nakangisi ang baklang mukhang ulikba.

"Malandi ka!" walang boses na saad nito bago ako taasan ng gitnang daliri.

"Tarantado!" walang boses kong tugon at inirapan siya.

Masyadong ma-issue, makabuntis sana.

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon