Joana;
Magandang umaga para sa magandang katulad ko. Kagigising ko lang excited ang lahat sa paliga na magaganap ngayon araw ng sabado, kahapon naipamahagi na sa kanya kanyang player ang mga uniporme na kanilang susuotin kasabay na ang damit na susuotin ni Nika. Ang ganda bagay na bagay sa kanya ang kulay abuhin at may itim na disenyo, nakalagay ang kanyang pangalan sa likod at numero ang weird lang kase yung napili niyang numero 13 ibang klase tlga siya. Napapangiti na lang ako habang inaalala ko ang pagsukat nya kahapon kasama si Yuki na gustong gustong isuot din ang naturang damit.
"Goodmorning nay, tay! "Bati ko.
" Oh Joana umupo ka na jan anak at tamang tama mainit pa ang pandesal". -Inay
"Mahal, paabot naman ako ng termos para sa kapeng barako salamat. "Nak maagang gumayak sila kuya mo para sa preparasyon sa Liga ikaw anong oras ka pupunta? Gusto mo ba sumabay na sakin pagkatapos kong mag-almusal? " Tanong ng Itay habang nagsasalin ng kape.
"Sige tay sasabay na lang po ako sainyo. Sabi ni Nika at Yuki sasabay naman po sila kila tito at tita kase manunuod din sila". -Joana
" Ikaw mahal? Hindi ka ba manunuod sa mga bata mamaya? " Tanong ng Itay kay Inay.
"Pwede ba namang hindi mahal? Pero tapusin ko lang tong mga gawain ko bago ako pumunta duon kaya mauna na muna kayo. " Nakangiting tugon ng Inay.
"Naku, napakasipag talaga ng asawa ko at napakaganda pa". Tumayo ang Itay humalik sa pisngi at yumakap kay Inay.
" Bolero".-inay
At ako na nakangiting nakatingin sa kanila habang ngumunguya ng pandesal. Nakakakilig ang mga magulang ko kahit kaylan hindi ko sila nakita o narinig na nagaway sa harapan naming magkakapatid.
Masaya akong sila ang mga magulang ko at ipinagmamalaki ko sila.Pagkatapos mag-almusal gumayak na kame dahil si Itay ay isa sa kagawad ng brgy. Isa siya sa nag-oorganisa ng paliga. Agad kong nasilayan sila kuya Rey at kuya Boyet na abala sa gitna ng court. Nagpaalam ako kay Itay na uupo na sa gilid tumango naman ito kaagad. Aantayin ko na lang sila Nika habang nagmumuni muni, iniisip ko na sana sa pagbabalik pasukan maging maayos ang mga kamag-aral ko tutal naman nasa highscool na din kame laking tuwa ko din ng malaman ko na lilipat daw ng paaralan sila Lucy. Sila lang naman halos ang palaging nakakapansin sakin sa eskwela wala akong ginawa kundi iwasan sila. Excited din ako kay Nika ngayon ko lang siya makakasama sa eskwela sabi ni tita Lilet hindi daw masipag mag-aral si Nika sana pag sa iisang school na kame maging masipag na siya ako kase masipag lang ako pumasok pero di din ako katalinuhan. Hehehe. Napatawa na lang ako sa aking isip.
🎼🎼🎼" Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis"🎼🎼🎼Biglang narinig ko na nagsimula na ang musika sa speaker ng paliga nagsisimula na ding magsalita ang announcer na pinaghahanda na ang mga manlalaro upang ipakilala ang bawat team. Nakita ko na din sila Nika na papasok sa loob. Pero teka naalala ko tong kanta na to ah. San ko nga ba to narinig? Ah narinig ko sa parke sa plaza! Tama.
"Joana, kanina ka pa? Bagay ba sakin?" -Nika
"Hindi naman mga ilang minuto pa lang magkasabay kame ni Itay pumarito. Wow bagay na bagay! " Sabi ko.
"Ate Nika, pumunta ka na daw dun sa gitna tinatawag na kayong mga muse dun ka na magmaganda".-Yuki
" Oo na! " Sabay batok kay Yuki.
"Aray! Tingnan mo to mapanakit" Ani yuki.
Natatawa na lng talaga ako sa kanila palagi.
Umupo na si Yuki sa tabi ko, nakita ko naman si Inay kasama sila Itay, tita bidang at ang mama at papa nila Nika sa may kabilang gilid.

BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...