Part37

167 5 2
                                    

Nika;

Kanina pa ako andito sa kwarto ni Joana. San nanaman ba nagsusuot yung babaeng yun kung tama ang hinala ko imposible namang magkasama sila hindi nga nakasama yung isa papunta dito. Ibig sabihin may iba pang pinagkakaabalahan si Joana bukod kay Henry? Aba malala na siya ah.

Joana;

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ko na parang isang magnanakaw jusko. Parang tanga lang ah sino naman ang pupunta sa kwarto ko ng gantong oras.

"Ay puting kabayo!" Grabeng gulat ang naramdaman ko pagkakita ko kay Nika na kaupo sa kama ko at naka all white na pantulog.

"Gulat ka? San ka ba galing na babae ka? " Tanong ni Nika.

"Jusko pare aatakihin ako sa puso ano bang eksena mo yan? " Sabi ko.

"Ang tanong ko sagutin mo Joana San ka galing? Kanina pa ako dito ah. Di ako makatulog sa kwarto ko kaya pinuntahan kita dito. "Nika

" Ganun din ako pare di ako makatulog kaya lumabas ako, naglakad lakad. "Sabi kong papunta ng CR.

" Ganun katagal?" Tumayo eto at sumandal sa may pintuan ng CR.

"Nalibang nga ako sa paglalakad lakad sa tabing dagat kase fullmoon. Kung dito ka matutulog mahiga ka na maliligo lang ako at masyadong maalinsangan." Para matapos na usapan namin sinarado ko na ang pintuan ng CR.

Para akong batang kinakabahan na mahuli ng magulang. Ano kaya pag nalaman ni Nika na nandito si Henry maisip niya kaya na magkasama kame magdamag? Naku wala pa naman akong sinasabi sa kanya eh kaya kumalma ka Joana wala pa siyang alam. Mabilis akong naligo para makatulog na may ilang oras pa ako para magbeauty rest.

Henry;

Nagising akong wala na si Joana sa tabi ko. Siguro nagmadali yun na bumalik sa kwarto niya gawa ng para makapagpahinga ng maayos may trabaho pa kame mamaya. Masyado naming pinagod ang isa't isa. Napangiti ako ng maalala ang mga pangyayari kagabi. Nagiinit nanaman ang pakiramdam ko. Tumayo na ako para maligo hahanapin ko sila Jayjay.

Jayjay;

"Direk, wag na kayo maghanap ng model nandito na si Henry kagabi pa sumunod siya dito. " Sabi ko kay Direk Al. Nandito kame sa pasilyo ng hotel para mag-almusal.

"Aba ganun ba? Edi mainam naman para di na mag mnoodhanap pa, anong nakapagpabago sa isip nun?" -Direk Al

"Baka tapos na po trabaho niya sa negosyo. " Sagot ko.

Maya maya nakita na namin si Henry na palapit samin. Lagot ako dito siguro hinanap niya kame kagabi sa kubo. Si Direk kase at si Tito Ron nagyayang magboating eh.

"Ikaw siraulo ka. " Nakangiting sakal neto ng braso niya sa leeg ko. Aba himala nakangiti ah.

"Oh Henry, almusal na. "- Direk Al

" Eto siraulo to pinapunta ba naman ako sa kubo ang sabi nandun daw kayo at magiinuman. " Batok niya sakin.

"Aray, eh kase nagyaya sila Direk na magboating eh ta's naiwanan ko cellphone ko sa kwarto. " Paliwanag ko.

"Tinatawagan din kita Tito Ron out of coverage. " -Henry

"Abay maghanap ka ng signal sa gitna ng dagat. Dito nga sa kalupaan hirap ng signal eh. " Sabi ni Tito Ron

"Oh siya tama na yan, mag-almusal na tayo ng marami tayong energy mamaya sa shoot, hoy Henry ah sigurado ka na na ikaw ang model sa MV mamaya magbago nanaman isip mo walang papalit sayo siraulo ka. " Ani Direk.

"Opo Direk goods na. "-Henry

Ba nasa mood ata ngayon pinsan ko ah di nagsasalubong ang mga kilay.

Henry;

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon